Chapter 67 Gift

48 7 2
                                    


Chapter 67 Gift

Kiel's pov

“Ang laki ng binaba ng sale ng kumpaniya ng Hansen dahil sa bago natin realise na magazine. “ Nakangiting balita ni Nathan kay dad.

Nandito kami ngayon sa opisina at natanggap na namin ang buong details ng sales ng kumpaniya.

“I think hindi na natin masyadong problema niyan si Frisco.” Binalingan ako ni dad. “What do you think, son?”

Binaba ko ang folder sa lamesa matapos kong basahin. “I don't think so dad. Malaki ang insecurities ni Frisco, sa nangyayari ngayon sa sales ng kumpaniya niya, imposibleng manahimik lang siya sa isang tabi habang pinapanood niya tayong unti unting mas umaangat.”

Pinaglaruan ni dad ang baba niya. “Your right. Siguradong gagawa yon ng bagong paraan”

Binalingan ko ang lawyer ni dad na si John nang tumikhim siya. “Baka sakaling makatulong ang impormasyon na nakuwa ko”

“What is it?” Takang tanong ni Nathan.

“Si Frisco ang tax holder ng company kung saan nagtatarbaho si Sean at ang ama niya, kaya naging madali para sa kaniya na palabasin na hindi nagbabayad ng tax ang father ni Sean.”

“Binili ni Frisco ang shares ng tax holder nila nitong taon lang, kaya naging madali sa kaniya ang manipulahin ang papeles nito”

“So, John, ano ang puwede natin magawa para dito?”

“Hindi tayo basta basta puwedeng makielam, kung magagawa natin silang makumbinsi na magreklamo. Puwede naman kasi silang lumaban, maraming records or paper na nagsasabing nagbayad ito ng buwis niya, hindi lang sila lumalaban marahil dahil iniisip nilang talo sila sa yaman ng kumpaniya.”

“I'll talk to Sean. Sasabihin ko sa kaniya ang tungkol dito at tatanongin kung ano ang gusto niyang mangyari.”

Natapos ang pakikipag usap namin kay John at umalis na siya. Nandito ko ngayon sa opisina ni dad, para sa isang personal meeting na kami lang ni Nathan ang kasama. Nailaunch na ang magazines kung saan ang pinaka pinagplanuhan namin, naging maayos at successful nga ang kinalabasan kagaya ng inaasahan, at muling umangat ang sales ng kumpaniya nila Reigh anne, at umaayon iyon sa plano, na tutulungan namin ang kumpaniya nila Reigh Anne upang muling umangat mula sa pagpapabagsak ni Frisco.

1month na rin ang lumipas magmula ng gabing iyon, ang launched ng magazine at relasyon namin ni Jai Elle.

“Son, umaayon sa plano natin ang lahat” ngiting tapik sakin ni dad. “And your magazine's really helpful”

“Pero nacucurious parin ako hanggang ngayon” tinignan ko si Nathan na siyang nagsalita. “What's changed your mind? I mean, may kinakalaban kayong kumpaniya which is normal lang bilang businessman, pero tito, never kang nagpabagsak ng kumpaniya, right? Alam kong never niyong ginusto na magkaroon ng matinding kalaban sa kumpaniya.”

Bumagsak ang mata ko sa lamesa. Tama si Nathan. Kung ano man ang natatamasa ng Alvarez ngayon ay bunga lang ng pagiging magaling ni dad sa kumpaniya kaya nagawang umangat ng sales ng kumpaniya sa lahat at naging pinaka mayaman na negosyo sa bansa. Sa lahat ng natamo ng Alvarez ay wala silang personal na kinalaban, ang mga nagsibabaan na sales nang umangat kami ay hindi naman sinadya ni dad.

Kaya hindi na ko magtataka kung bakit magtataka si Nathan sa kung anong nangyayari ngayon.

“Nathan, hindi naman kasi talaga namin balak na sirain ang buhay ni Frisco, pero kasi, iyon ang ginagawa niya sa iba” si dad at binalingan ako. “Halos araw araw nadadagdagan ang tao sa buhay ni Kiel, kung hahayaan namin siya, lahat yon ay maari niya rin pagdiskitahan, nababaliw na kasi siya”

Why not me? [Warriors: Leader Of Warriors Kiel Alvarez's Story] (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon