Reason 6 Pills

158 8 0
                                    


Reason 6 Pills

Kiel's POV

               "Thank you attorney." Sabi ni daddy nang makipagkamay sya sa lawyer namin na si John.

Sinangga ako ni Nathan sa balikat kaya tinignan ko sya. "Bakit sinama mo pa ang daddy mo? Nakakahiya." Bulong nito.

Kakatapos lang namin makipagtalo sa tao na balak sana na magsampa ng kaso kela Nathan.

Mabuti na lang at nagkaroon na kami ng alegro kaya naman hindi na ito tinuloy.

Napagalaman ko na nasa bar lang pala sila Lex non, nag-aya daw sa inuman si Lex, tapos may nakaaway sila dahil nga sa lasing si Lex ay pinatulan nya yong lalaki at ayon, basag ang mukha.

Ang masama, yong nakaaway pala nila ay ang anak ng may-ari ng bar, kaya ayan at sasampahan sila ng kaso na nanggulo daw.

Pero mabuti na lang at magaling ang attorney na kasama namin, sya ang lawyer ng pamilya namin kaya tiwala kami sa kanya.

Gusto ko ngang pagalitan si Lex dahil sya pala ang may kasalanan pero naisip ko, wag na lang.

Hindi makakatulong kay Lex kung pati ako ay aawayin pa sya. Hindi ko rin naman kasi sya masisisi...

Kakaalis lang ng mahal na mahal nya na girlfriend, hindi sya nakarating sa airport kaya hindi sya naka pag paalam...

At mula ng umalis si Maggie na girlfriend nya ay hanggan ngayon wala parin syang balita o contact dito.

Kahit sa pinsan nya na si Serenity wala din, may mga nagsasabi din na wala na sya ngayon...

Umalis kasi sya for operation kasi may heart weak sya kaya magpapagamot sya.

"Wala akong kilala na lawyer, kaya no choice ako na sabihin sa kanya ang tungkol dito, wala eh, alam nyo naman na malaki ang pakialam nya sa inyo, iyan tuloy nagpanic ng sabihin ko." Kwento ko sa kanya ng nakasimangot.

Hinarap ko si Lex. "Nahimasmasan ka na?" Tanong ko sa kanya. Hindi sya sumagot at tinignan lang ako.

Tinap ako sa balikat ni Ryan. "Akala ko matutulog na kami dito!" Sabi nya ng nakasimangot at humihingi ng pasensya na tingin ang ipinataw nya sa akin.

"Oo, mabuti at wala sa isip nyo ang mag bar sa madaling araw." Sabi ko na lang.

Maaga pa kasi kaya nagulo ko pa si daddy, kung madaling araw siguro yan ay hindi ko na guguluhin si dad.

Nung una nga si Soy ang tinatawagan ko ang kaso ay walang signal sa kinaroroonan nya.

Sa gubat din kasi shinoshoot yong movie na ginagawa nya ngayon na Bark up the wrong tree kaya hindi na nakakapagtaka kung hindi sya makasagap ng signal.

Lumapit si dad sa amin. "O hali na kayo, ihahadid ko na kayo sa mga bahay nyo." Si dad nang makaalis na si attorney at makapagpaalam na kami at magpasalamat sa kanya.

Tumango lang sila at tumayo lumapit pa sya kay Lex. "Lex sa bahay ka na lang mag over night." Alok ni dad kay Lex. Umawang ang labi ni Lex na para bang may sasabihin sya ng maputol yon dahil sa isang dumating.

"Lex, ano nanaman ba itong ginawa mong kalokohan?" Singhal ni Mr Night kay Lex. Sya ang daddy ni Lex, at hindi ko alam kung paano nya nalaman ang tungkol dito.

"Puro kahiyahiya ang pinaggagagawa mo, paano kung kumalat yan?"

Hindi nagsalita si Lex at nanatiling nakatingin sa ibaba at kuyom ang mga kamay nito.

Kilala ko si Lex, alam kong gusto nyang sumagot at hindi nya lang yon magawa dahil sa nahihiya sya kay dad.

"Alexander, nakakahiya ka, ang ganda ganda ng pangalan mo oh, paano kung maapektuhan ang mga negosyo natin."

Why not me? [Warriors: Leader Of Warriors Kiel Alvarez's Story] (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon