Chapter 43 the last time

50 7 0
                                    

Chapter 43 the last time

Jai Elle's pov


"Jai elle!" Napalingon ako sa biglang tumawag sa akin. Sa gulat ko ay bigla kong naipadyak ang pidal ng bike na sinasakyan ko at nawalan ng balanse, mabuti nalang at sa may medyo madamo ako tumaob kaya kahit papaano ay hindi matigas.


Humahangos na napatakbo si Kiel na siyang tumawag sa akin sa direksyon ko. Nakangiwi na tinignan ko siya na bahagyang naupo sa may tabi ko at tinulungan akong alisin ang paa ko na nataganan ng bike.

Kasalukuyan ko kasing prinapraktis ang babike ayan tuloy, madali pa kong tumataob dahil hindi pa ko sanay.


"Hala Jai, okay ka lang?" basa ang pagaalala niya sa mukha niya habang nakatingin sa paa ko.

Tumango ako habang nakakagat sa lower lips ko. "Wag kang magalala, Alvarez, pasa lang ang magkakaroon dito, matatago yan ng pantalon."

Mukhang naiinis na umismir siya. "Maiaalis mo ba sa akin ang magalala eh tumumba ka?" sabi niya sa tono ng paninita. Mas lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Halika, kaya mo bang tumayo?" sabi niya at hindi na hintay ang sagot ko dahil basta niya nalang akong tinulungan sa pagtayo.


Mukhang binatayan pa nga niya kung magrereklamo ako sa paa ko. Hindi ko mapigilan ang hindi matawa sa itsura niya, strikto din pala si Kiel?


Ngayon ko lang nakita ang mainit-ang-ulo side niya. Kinalabit ko siya sa noo na siyang naging dahilan upang magangat siya ng tingi sa akin at hindi sa mga paa ko.


"Alvarez, makakapunta ko sa show, wag kang magalala."


"Jackson, its not about the show, its about you, paano naman kasi kung napilay ka? Ilang araw kang lumpo gusto mo ba yon?"


Hala! Hindi talaga siya natutuwa.


"Tsong, sermon agad? Hindi ba puwedeng magconggrats ka muna at marunong na kong magbike?"

Umingos siya at itinayo ang bike. "hindi ka pa namasn sanay eh, tingnan mo nga at tumaob ka"


"Kaya nga sinasanay ko ang sarili ko diba? Kasi kung hindi ko susubukan paano ko masasanay? Kaylangan ko rin naman sumemplang paminsan minsan para matuto ako"


Nagpameywang siya sa akin na nakasimangot pero mukhang gustong tumawa. "Hugot ba yan? Tsaka sige nga, ano naman ang natutunan mo ngayong sumemplang ka aber?"


Ngumiti ako ng pilya. At least bumaba na ang presyon ng dugo niya.

"Isang importanteng aralin, ang wag pansinin si Kiel Alvarez sa susunod na tatawagin niya ko sa name ko." Sabi ko na nakataas pa ang hintuturo ko. "Ang paraan upang matutong magbisekleta" sabi ko na ginaya pa ang tono ng nasa Yamato nateshiko the wall flower na anime.

"Wow, ang handa naman ng natutunam mo, at pano naman nangyari na yon ang natutunan mo?"

Sumimangot ako sakaniya ng nniningkit. "Tinawag mo kaya ako, nadistract tuloy ako sa pagfofocus ko"


"Ganon?"


Tumango ako at kinuwa ang bike na nakatayo na gamit ang stand. "Sno ba ang ginagawa mo dito? Mamayasng gabi pa ang battle ah" sabi ko at naglakad na. Naramdaman ko pa ang pagsunod niya sa likuran ko.


"may inihatid lang ako" sabi niya na tinulungan na ko sa pagtutulak kaya napabilis kami, nang malapit na kami sa kotse niya ay lumaya na siya sa akin at may kinuwa sa loob ng kotse niya. Bumalik siya sa harapan ko ng may hawak na paper bag na blue.


Why not me? [Warriors: Leader Of Warriors Kiel Alvarez's Story] (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon