Reason 24 A good pretender.
Kiel's POV
Hanggan ngayon ay ayaw mawala ng ngiti ko simula nang mapag-pasyahan ko ng umuwi dahil sa gabi ng masyado,
At syempre kaylangan ko na rin pag-pahingan sila Jai Elle dahil sa buong araw ko na pag-stay at pakikipag-harutan kay Jai Elle.
Ang bait nga nila eh, kung tutuusin sobra pa ang daliri ng isang kamay sa bilang nila pero ang saya ng pamilya nila,
Yeah, pamilya ang tawag nila don dahil sila na lang ang nasanay na nagmamahalqn kaya naman OK na sila kahit tatlo lang sila..
Naalala ko rin sila Granny at Grandpa dahil sa mga Lolo't Lola ni Jai Elle na halatang halata ang pagmamahal sa isa't isa.
Masyado kong masaya sa pananatili sa bahay nila ng buong araw, kung maari nga lang ay ayoko na munang umuwi dahil wala ngayon tao sa bahay kung hindi ang mga maid namin dahil sa out of town sila ngayon,
Hindi lang ako sumama dahil bukas ay lunes na at may pasok pa ako, may practice din kami para sa performance namin na gagawin for fourth round ng BOTDG kaya kaylangan present ako.
Balak ko na sanang tumuloy pagpasok sa bahay ng bumukas ang malaking gate namin ng mapatingin ako sa babaeng nakayuko na nakasandal sa gilid ng gate.
Kunot noo na kinuwa ko ang jacket na nasa-loob ng paper bag bago ako lumabas para lapitan ang babae na nakayuko don,
Hindi na nya kaylangan mag-angat ng tingin upang makilala sya dahil kilala ko na sya ngayon palang.
Kahit na malakas ang buhos ng ulan ay hindi ko inanintala yon.Inangat nya ang tingin nya kahit na hindi pa ako malapit sa kinauupuan nya, siguro napansin nya rin ang presensya dahil sa may sasakyan naman ako at hindi rin dahan-dahan ang lakad ko.
Tumayo sya at sinalubong ako. Ipinatong ko sa balikat nya ang jacket na hawak ko para kahit papaano ay mabawasan ang lamig na dala ng tubig ulan.
"Kayla ano'ng ginagawa mo dito? Gabi na at ang lakas ng ulan, hindi ka man lang nila pinapasok?" Sermon ko sa kanya.
Hindi ko mapigilang mag-alala dahil sa mukha syang basang sisiw at linalamig,
At nakakatagtag pa ng init ng ulo dahil sa hindi manlang sya naidipan papasukin ng guard na sigurado naman na kanina pa lumalabas or nasa labas talaga ng bahay para mag bantay.
"Kiel, inaya nila ako sa loob pero hindi ko tinanggap..." Sabi nya at tumingin sa ibaba. "Wala ka naman daw kasi dito sa bahay nyo..." Dagdag pa nya.
"Sana sinabi mong pupunta ka, text or tawag o di kaya pinag-pabukas mo na." Sabi ko at bahagya syang hinila sa may gate para papasukin ngunit hindi pa kami nakakalapit ng gate eh bigla na syang pumihit paharap sa akin dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.
"Kiel.." Sabi nya habang umiiling iling. "Dapat maghihintay na lang ako hanggang bukas pero narealize ko na himdi ko na kayang patagalin pa 'to." Mahina lang ang boses nya.
Bawat salitang binibigkas nya ay may buntong hininga.
Problema ba?
Hinawakan ko sya sa dalawang balikat at pinilit silipin ang mukha nya na mas mababa sa akin."Kayla, ano ba 'yon? May problem ba?" Minsan lang magkaganito si Kayla, kapag napakalaking desisyon ang gagawin nya.
Hindi ko mapigilang magalala sa kanya dahil sa inaakto nya ngayon.
"Kiel, saan ka galing kanina?" Tanong nya na medyo ikinakunot ng noo ko.
Pakiramdam ko ay medyo naging uncomfortable ako dahil sa tanong nya."Kiel, are you hanging out with other girl?" Tanong nya na direkta lang sa mata ko ang mga mata nya.
Hindi ko maiiwas ang mga mata ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/18854175-288-k666216.jpg)
BINABASA MO ANG
Why not me? [Warriors: Leader Of Warriors Kiel Alvarez's Story] (Under Editing)
RomanceLahat na yata ng hinahanap ng babae sa isang lalaki ay na kay Kiel Alvarez na. Matalino, gentleman, may pangarap, mabait, guwapo, masayang kasama, at higit sa lahat ay loyal sa babaeng iniibig niya. Unfortunately, ang kaisa-isang babaeng iniibig ni...