(An. Ngayon ko lang narealize na nagkaron ng technical problem so I had to unpublish this. But now I publishing it again. Sorry but thank you.)
Chapter 62 By his side
Jai Elle’s pov
Kumaway si Alejandra ng mataas nang makita niya kong lumabas ng university. Tinanggal niya ang pagkakasandal niya sa kotse niya at hinintay akong makalapit sa kaniya.
Naiiling na naglakad ako patungo sa kaniya. Hindi na ko nagulat na naisipan niyang magpunta ngayon dito, minsan naman kasi talaga ay naiisipan niya kong dalawin pag hindi na kami nakakapagkita.
Tatlong buwan na rin ako sa university na ‘to at nasasanay na ko sa buhay ko ngayon dito sa university. Tuesday, Thursday, Saturday at Sunday ang trabaho ko sa D'A, minsan talaga pag alam ni Ally na wala akong gagawin ay dumadalaw siya sakin para mag aya ng kung anu ano.
“O? Napunta ka nanaman dito?” Vocal kong tanong.
Nagflip siya ng buhok niya at sumimangot. “Stress ako. Wanna have fun?”
Hinawi ko ang takas kong buhok. “Madalas ka bang stress pag wala akong work?”
Tumawa siya ng walang laman. “Seryoso ‘to. Sige na” pamimilit niya na tinanggap ko na lang. Hindi naman ako pabebe.
Nang makapasok kami sa sasakyan ay kaagad niyang sinabi sakin kung bakit siya stress nang mukhang hindi niya nakatiis na hindi sabihin.
Tinanong pala si Nathan ng lolo nito kung ano na ang relasyon nilang dalawa, at ‘tong si Nathan naman ay sinabing ‘hindi na daw mababago na magkaybigan lang silang dalawa.
Kaya naman pala brokenhearted ang one sided love kong kaybigan.
Tumawa siya ng mapait. “To naman kasing si Serenity, bat kasi pinanganak ng maganda? Mahirap kalimutan? E, kahit ata may mahulog na anghel sa harap ni Nathan mas pipiliin niya parin si Serenity, masyado kasing ginalingan” matabang niyang sinabi.
“Ally, kahit na ikaw ang nandito at gustohin man niyang ibaling sayo ang feelings niya ay hindi parin niya magagawa dahil pasaway ang puso sa sinasabi ng isip” naiiling kong sabi.
Sumulyap siya sakin ng isang beses habang nagmamaneho. “Kaya gustong gusto kitang kausap, e, you know what to say. Balibhasa kasi may experience”
Ngumiti ako sa kaniya kahit na hindi siya nakatingin. “Coz that's how I handle the reality”
“Reality? Nakakapikon nga kasi si reality, hindi maging plastik paminsan minsan.” Sabay kaming tumawa.
Nagkwento pa siya ng kung anu ano habang ako ay nagkunwari lang na nakikinig sa kaniya.
Minsan nga non gusto ko na lang na maging fake minsan ang reyalitad, pero hindi na ngayon. Tanggap ko na ang bagay bagay sa sitwasyon ko bilang nagmamahal sa taong hindi ako kayang suklian.
Tatlong buwan na rin siguro nang huli kaming magkita ni Kiel, kung tama ang pagkakabilang ko?
Ang huling pagkikita namin ay nung sabihim niya sakin na break na sila ni Kayla. Linibang ko siya nung araw na iyon, sinubukan na pasayahin, pero syempre nung nagdidilim na ay nag hiwalay na rin kami, hanggang sa yon na ang huli naming pagkikita.
Naging busy na rin kasi ako sa study ko at syempre sa part time job ko. Ayoko din naman na gumawa ng paraan para makita ko siya kahit na namimiss ko na siya,

BINABASA MO ANG
Why not me? [Warriors: Leader Of Warriors Kiel Alvarez's Story] (Under Editing)
RomanceLahat na yata ng hinahanap ng babae sa isang lalaki ay na kay Kiel Alvarez na. Matalino, gentleman, may pangarap, mabait, guwapo, masayang kasama, at higit sa lahat ay loyal sa babaeng iniibig niya. Unfortunately, ang kaisa-isang babaeng iniibig ni...