Chapter 70 I would

122 6 0
                                    


Chapter 70 I would

Nathan's POV


“Si Adrian ang sinisisi sa insidente na nangyari sayo” sabi ko kay Kiel na siyang nakaupo lang sa kama niya.

Kanina pa mula nang pumasok ako sa kwarto niya hindi niya manlng ako tinignan ng diretsyo. Sa totoo lang hindi ko maintindihan kung bakit parang ayaw niya kong tignan, ayaw niya kong kausapin?

Kagabi kami dumating sa London nila Ally. Sila Ally natutulog pa sa ngayon kaya hindi pa nila nakakausap si Kiel, at ako pa lang ang nandito. Hindi ko pa sa kaniya binabanggit na kasama ko si Jai Elle. Sa pagkakaalam ko kasi parang ayaw makausap ni Kiel si Jai Elle.

Tinignan niya ang bedside table. “Check that phone. Nakausap ko si Frisco before the accident, at alam ko na siya ang hayop na gumawa sakin nito” binaling niya ang tingin niya sa akin. “Sa pamamagitan din niyan, mahahanap ng pamilya ni Bianca ang hustisyang hinihingi nila, kung bakit galit na galit sakin si tita, yung mama ni Bianca”

Ako na ang umabot non dahil alam kong hindi magalaw ni Kiel ang kamay niya.

“Ano ba ang nandito? Ang hustisya para sayo ang pinaka hinahanap natin”

“Sinabi niya sakin na ako na ang gagntihan niya, walang kasalanan si Adrian, ang please Nathan, siguraduhin monbg makukulong siya sa lahat ng pagkakasala niya na nandyan ang ibidensya” pakiusap niya sa matigas na tono.

Tumango ako at pinaglaruan sa kamay ko ang crack na na cellphone pero gumagana pa.

“One more favor, Danny”

Tinignan ko uli siya. Walang imosyon ang mga mata niya at ang mukha. Ang laki ng pgkakaiba sa dati kong kilala na si Kiel, hindi ko na makita ang saya niya.

Pero sabagay, sino ba ang taong sasaya kung hindi na ito makakalakad? Hindi nga lang paa ang nawala, pati ang kamay.

Sana lang magtagumpay ang doctor sa therapy kay Kiel, dahil namimiss ko na ang dating siya.

“Nang pabagsakin natin ang Hansen, maaring nawalan na ng pera ang Hansen para ipagamot si Bianca. Puwede bang ikaw na ang magpagamot sa kaniya? Nalaman kong may brain issues siya, dala ng kahayupan na ginawa ni Frisco na mapapatuyan din diyan sa cellphone na nasa iyo. Please ikaw na ang magpagamot sa kaniya hanggang sa gumaling siya”

Napatango ako. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Kiel. Anong kahayupan nanaman ang ginawa ni Frisco? At kay Bianca na kapatid niya?

Tsaka ko na lang siguro aalamin.

“And please, tell warriors na tumanggap na sila ng ibang project without me, kung hihintayin nila ko, baka hindi na sila makasayaw”

“Kiel, kung hihintayin ka nila, years lang sila hindi makakasayaw” naiiling kong sinabi.

Nabanggit ko kasi sa kaniya kanina na ayaw na munang sumayaw ng warriors hanggat hindi siya nakakbalik.

“Paano kung hindi magsuccess? Hindi naman sigurado iyon, sabi ng doktor magkakaroon lang ako ng chance na makagalaw pero hindi pa sigurado. Ayokong umasa at hayaan kayong umasa. Please, just do it for me, tell them na wag na kong hintayin pa”

Napaiwas naman ako ng tingin. Alam naman namin iyon. Alsm namin na may posibilitad parin na hindi na siya makagalaw,pero ayaw namin isipin iyon dahil mas gusto namin umasa na talagang mababalikan niya kaming pamilya niya, ang warriors.

“You don't have to pleased me, I'll do whatever you want me to do, ikaw kaya ang leader ng warriors, kaya ikaw ang boss ko” sabi ko na kunwari ay biro.

Why not me? [Warriors: Leader Of Warriors Kiel Alvarez's Story] (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon