Chapter 52 Long night in party
Jai elle's pov
Magaang hinaplos ko ang itaas ng gown. Kulay silver ito at may mumunti lang na disenyo na isa pang nag aangat ng kulay nito, wala itong sleeve o lace manlang, mahaba ito at hindi na makikita ang paa ko kung hindi nagkaroon ng hati ang sa may harapan nito na hindi naman kataasan, magiging dahilan lamang ito nang maexposed ang may mataas na itim na hills na ipapareha sa formal gown na ito.
Dahan dahan kong naibagsak ang kamay ko. Feeling ko hindi sa akin bagay ito, masyado itong iligante at maganda para isuot sa akin. Ito ang unang beses na nakatungtong ako sa ganto kagarang bahay na may mga nagsisilbing kawaksi.
Nandito ko ngayon sa bahay ni Reigh kasama ang ilan sa warriors at mga kaybigan namin na labas din sa warriors kagaya nalang nila Marie at Ella na ngayon ay ininvite din nila. Nagkita na ang apat, after kasi ng magkita sila sa jollibee tatlong linggo na ang nakalilipas ay naging normal na lang uli sa kanila ang magkita kita kita, although may mga tinatago pa sila Marie at Ella na kami lang nila Laura ang nakakaalam.
Nung una ay akala ko nagbibiro lang sila na si Reigh anne ang bahala sa susuotin namin para sa ball ngunit nagulat na lang ako ng isang araw ay sinundo ako sa bahay ni Reigh anne kasama ang best friend niya na si Sarah Jean at sabay sabay kaming pinasukatan ni Reigh anne maging ang ilan sa warriors,
Pati na rin si Ella at Marie at ang photographer ng warriors na si Arcie.
Sabi nga ni soy pagbigyan na daw namin si Reigh anne at tulongan na unti unting mahalin ang career na tinatahak niya ngayon, kaya hinayaan niya naming maging first customers niya sa pagdedesign, at unti unti na rin siyang nasasanay at naeengganiyo ngunit hindi namin siya masisisi kung minsan ay namimiss niya ang pagsayaw.
Humalukipkip ako at tinignan pa ang ilang mga damit na dinesign ni Reign anne para sa amin, simple lang ang mga ito at formally na gown pero ang gaganda at ang gagara, masyado ko tuloy naihahambing ang katayuan ko sa katayuan ng ilan sa mga bago kong kaybigan.
Madalas na kaming nagkakausap usap sa text, minsan sa group chat pag may time na makapag online sa free wifi ng D'A pagbreak, madalas din ay nagtutungo sila sa bar para lang makamusta kami ni Mak or ako lang dahil nagkikita naman sila sa school.
Inaamin ko minsan napapansin ko ang kaibahan ng mundo nila sa mundong ginagalawan ko. Mayaman, malaya at mga istudyante pa lang, samantalang ako ay hindi mayaman at hindi ganoon kalaya dahil kung hindi ako uuwi ay walang tutulong sa matanda ko ng lola at lolo sa bahay, kung hindi ako magtatrabaho ay hindi ko mapapakain ng masasarap na pagkain ang lolo at lola ko at pagdidiyagaan lang nila na buong linggo ay prinito at walang katapusan na gulay na nakatanim sa likod bahay namin ang kinakain namin.
Hindi naman kami maselan, sadiyang tao lang din kami at nagsasawa sa pagkain na paulit ulit. Hindi man kami ganon kalubog at ganon kahirap ay may mga binabayaran parin kami kung kayat hindi ganon kadali ang pag iipon.
Sabi ni lola mayaman daw ang papa ko kaya lang nagka problema daw sa barko na sinasakyan non ni papa nang nasa France siya, that time ay napilitan ng tanggapin ng pamilya ni papa na wala na ito kasabay ng paglubog ng barko hanggang sa tinakwil na si mama ng parents ni papa dahil hindi naman daw sila kasal,
Kaya magmula sa london ay nagbalik si mama sa pilipinas at dito nanirahan sa lola ko, sabi nila 3years old pa lang ako non, 15 years na din daw silang walang balita kay papa kung bumalik nga ba ito o hindi na talaga. May naitabi naman daw si mama na pera noon ang kaya lang ay yung namatay si mama ay naubos yon para sa lupa na pinaglilibingan nito kung kayat ngayon ay unti unting naghirap kami, namatay si mama noong 8years old ako sa sakit sa puso, dala na din daw ng sobrang pagpupuyat.
Inaamin ko minsan naiisip ko kung bagay ba kong maging kaybigan ng ilan sa warriors na unti unti kong nakilala sa karangyaang buhay nila, but then I realize na ang pagkakaybigan ay wala sa anyo at katayuan sa buhay, basta kung ito ay hindi ka mamatahin at lalaitin dahil sa pagkakaiba ninyong dalawa, ito ay masasabi mong isang kaybigan.
Hindi matapobre ang buong warriors, sa halip ay lumilebel sila sa aming mga mahihirap nilang kaybigan, mga kaybigan na hindi kayang lumibel sa kanila bilang mayaman pero kayang lumebel sa kanila bilang kaybigan.
Ngayon hindi na ko nagtataka kung bakit madaling nahulog ang loob sa kanila ni Kiel, yon ay dahil wala silang masyadong pagkakaiba. May egos pero mababait sila at walang makakatanggi don kundi ang mga mapang insultong bashers.
Speaking of Kiel. Napatingin ako sa isang black suit na nakahanger. Sabi ni Reigh sa papa niya daw iyon kaya wag namin papakielaman. Siguro ang gwapo ni Kiel mamaya pagsuot na niya ang formal suit niya. Sinend niya kanina sa chat box ang suit na susuotin niya at naiimagine ko na ang magiging itsura niya.
Kaagad na nawala ako sa pag iimagine nang mapatingin ako kay Reigh na kasalukuyan na nasamid ata habang nakahawak sa cellphone niya.
“Girls!” tili niya na dahilan para lapitan namin siya na siyang busy sa ibat ibang bagay.
“Tingnan niyo” hinarap niya sa amin ang cellphone niya na nasa apps ng Instagram at kaagad na napatingin ako kay Serenity na naniningkit habang nakatingin sa cellphone ni Reigh.
Isa iyon picture na pinost lang naman ng magandang dinadate na hindi maintindihan ni Nathan na si Alejandra. Damit na suot pa ng manikin, kulay pula ito at maiksi. Kung ito nga ang isusuot mamaya ni Alejandra ay tiyak na luluwa ang mga mata ng mga lalaki sa makinis nitong kutis at legs. Hindi reviling ang sa pang itaas ngunit maiksi kasi ang sa ibaba.
Binalingan ko si Serenity nang mag crossarms ito. “Ano ang balak mo?” Tanong ko.
Liningon niya ko ng bahagyang nakanguso na parang nag iisip din.
Pumitik sa ere si Axel at hinawakan si Serenity sa magkabilang balikat. “Balak? Syempre dapat meron”
“Talbugan mo yan! Mas maganda yan sa yo” mukhang naiiritang cheer up ni Sarah.
“Tingnan niyo nga din si Margaux? Baka maganda din siya masyado.” Suggestion ni Serenity na pinangkitan ni Arcie ngunit hindi namin pinansin at nakisilip lang sa Instagram ni Reigh na nagsearch na.
Nang lumabas ang pangalan ni Margaux ay agad niyang tinap yon at nagload na ang profile ni Margaux na fiancée ni soy.
Nakita ko na ito sa picture at maganda nga ito. Paanong hindi ko ito makikila, e, kung palagi pa naman iniistalk ng mga kasama mo sabay lait at kumpara kay Arcie.
Napailing na lang ako nang mapagtanto namin na nagpost nga ito tungkol sa isusuot nitong gown mamaya. Peach brown ang kulay nito at may kahabaan sa likuran na tiyak na gagapang pag naglakad na ito, exposed ang body cleavage niya at ang hita niya, hindi kita kung ano ang sapatos na ipapareha nito.
Ang kaninang kunwaring walang pakialam na si Arcie ay ngayon ay naniningkit na. “Ang sexy niya naman masyado! Hindi ba niya alam na may mga batang teenager don at madudumihan ang kanilinang mga mata?” Naiiritang singhal ni Arcie na nasundan pa ng kung anu-ano hanggang sa sunod na niyang kinontra ay ang tiyak daw na make up na iaaply ni Margaux sa mukha nito.
Napangiwi na lang ako. Parang kanina lang ay wala pa siyang pakialam, e.
Lumapit sa kaniya si Flame at inayos ang buhok ni Arcie.
“Don’t worry ate Arcie, we will make sure na mas maganda ka don” ngingiti ngiting sabi nito habang ang kakambal na si Storm ay linapitan naman ay si Serenity habang may hawak na roller na pangkulot.
“At ikaw ate Serenity, sisiguraduhin din natin na mas maganda ka kay Alejandra.”
Pinaningkitan ko sila. “Sinasabutahe niyo ba ang mga date ng mga kuya niyo?”
Nag inosente-inosentehan naman sila at umiling. Si Sarah ang nagsalita ng nakangisi. “Hindi ah! Ipapakita lang naman natin kung ano ang nawala nila.”
Napatingin ako kay Marie nang magsalita ito. “Haay naku, hayaan mo na. Para naman mas marunong lang mag ayos ang mga yan pero mas maganda sila Arcie at Serenity “
“Sinabi mo pa” sang ayon ni Ella.
Naiiling na natawa ako. “Good luck pag nakahalata sila sa inyo”
Nagkatingin tinginan sila at nagtawanan. “Alam mo Jai elle” nakangising lumapit sa akin si Reigh. “Ikaw ang pag kakaabalahan ko kahit na wala kang sasapawan na ganda” nagkibit siya ng balikat marahil dahil sa way ng pagkakasabi niya.
“Hmm baka kasi wala akong ex sa GM”
“Bakit ako ba merong ex don?” Natatawang tanong ni Serenity.
Tumawa naman ako. Oo nga pala at hindi naging mag-onn ang dalawa.
“Halika at kukulutin natin ang buhok mo” sabi pa niya at hinatak ako sa kung saan.
*****
Napuno ng palakpakan ang buong venue ng ball nang matapos mag perform ang warriors. Iyon na huli nilang sayaw for this night.
Sinayaw nila anh Paris ng The Chainsmoker at ano pa nga ba ang aasahan? Magaling at nakakahanga ang ang tatlong sayaw na ginawa ng warriors. Bukod don ay hindi na uli sila magpeperform.
Nandito ako sa ball kasama sila Marie nabusy sa panonood ng kanilang loveydudes.
Napatingin ako sa tabi ko nang biglang bumulong ang babaeng katabi ko. Maganda ito at maamo ang mukha, ngunit walang ekspresyon.
“I can’t believed this! He’s really a dancer?” Tonong gulat na bulalas nito.
Kumunot ang noo ko. “Excuse me?” Nasabi ko.
Liningon niya ko at tumabingi ang ulo niya. “Kilala mo ang warriors?” tabong niya.
Napatango ako. “Oo! Bakit?”
“Regular ba sa warriors si Michael Salazar?”
Ngumiti ako. Sus si Mak mak lang pala, e, sa lahat ng warriors siya ang pinakakilala ko.
“Yup!”May ngiti kong tanong. “Kilala mo siya?” Sunod tanong ko ngunit sa halip na sagutin ay liningon niya ang isang lalaking tumawag sa akin na hindi sa akin pamilyar.
“Samantha let’s go” sabi ng lalaki at hinila na ang magandang babae. Walang laban na sumunod ang babaeng tinawag nito ng Samantha at tinanguhan na lang ako nang binigyan niya ko ng huling tingin.
“Samantha…” Bulong kong ulit sa pangalan ng babae.
“Ano yon Jai elle?”
Napatingin ako kay Nathan nang magtanong siya. Hindi ko napansin na nandito na pala ang ilan sa warriors.
Umiling ako at ngumiti. “Ah wala! May nagtanong lang sa akin”
“That Samantha, she’s pretty right?” nakangiting tugon ni Alejandra na kasama ni Nathan.
Nakangiting tumango na lang ako. Maganda naman kasi talaga yung babae.
“Asan yung iba?”
“Nandun pa, magbibihis daw sila”
Kibit balikat na sabi ni Sean kasabay ng pag akbay niya kay Marie.
“Di daw sila puwedeng hindi maganda” busangot na sabi ni Ryan. “Akala mo naman gaganda si Reigh anne” dagdag niya na ikinatwa ng katabi na ngayong si Ella.
“Oo nga! Di naman magbabago na lalaki si Sarah”
Pabiro na inismiran ko sila. “Tignan niyo, kakainin niyo lahat ng sinasabi niyo”
Nagkatinginan si Ryan at Xavier at sabay na tumawa.
Haay kung alam lang nila.
Tinignan ni Marie si Sean bago humiwalay. “Susundan na muna namin sila Serenity”
“For what?”
“We promised them that we will help them”
Matapos ng paliwanagan ay nagpaalam na kami.
Tinungo namin ang kwarto dito sa venu kung saan magbibihis ang mga warriors at mag aayos. Marunong naman kasi kaming mag makeup kahit di kami mayaman. Bah sinong nagsabing ang makeup ay para sa mayaman lang?
“Nakita ko kanina si Alejandra, ang ganda niya” naiinis na sabi ni serenity habang inaayos ko ang buhok niya.
“Alam mo, parang ikawnaman anggusto ni Nathan, bat di ka makipag ayos sa kaniya?” suggestion ko.
Naaalala ko pa non nung unang beses kong nakilala si Nathab ay nag inom siya dahil namomroblema ito sa babe at yon ay si Serenity.
“Hindi puwede! Kung si Nathan ay taken, mas taken ako” malungkot na sabi niya.
Hinaplos ko ang ulo niya para kahit papaano ay marelax siya. Naiintindihan ko siya dahil sinabi niya sa akin ang sitwasyon niya, na engaged na siya sa anak ng lalaking poinagkakautangan ng loob ng papa niya kung kayat hindi siya maaring tumanggi sa kasal na iyon.
“So lalayo na lang kayo sa isat isa ng ganiyan?”
“Oo. Yon lang ang choice namin”
Hinarap niya ako at hinawakan ako sa magkabilang balikat. “Hindi ako ganun kasqerte sa pag ibig. Minsan masama talaga ang pagiging mayaman dahil ang mga mahihirap ay pag nawalan ng pera, kakayod ng doble para mapakain ang pamilya nila. Pero ang mga mayayaman na kagaya namin, pag nawalan ng pera ay magagawang ibenta ang anak sa mayaman para tulungan sila sa business”
Nakatingin lang ako kay Serenity. Nakangiti ito pero malungkot ang mga mata. “Maswerte ka parin, at least hindi mo nararansan ang nararansan ko ngayon.
Lumipas pa ang ilan sandali ay lumabas na kami ng kwarto na ang suot na ay ang mga gown na pinaghandaan ni Reigh anne.
Napatingin ako sa isang parts nang may mapansin akong tumiling babae ngunit mahina lang.
“Ow Kayla, you’re so pretty tonight” puri ng isang magandang babae kay Kayla habang katabi niya si Kiel.
Hindi nga ako nagkamali, ang gwapo nga ni Kiel sa suot nito.
“Hannah, ikaw din ang ganda mo ngayon” ngiting tugon ni Kayla at binalingan si Kiel kaya binaloingan din ng babae si Kiel.
“Ow! You must be Kiel. Your good friend, right?” tanong nito kay Kayla na ang tinutukoy ay si Kiel.
Good friend lang?
“My goodness “ sinabi ni Serenity bigla.
“Bakit?” tanobg ni Axel ng nagtataka.
“That Hannah, kapatid siya ni Frisco and she’s talking to Kiel who happened to be his brother’s rivals “
Napatingin na lang ako dahil sa sinabi ni Serenity. Parang ang awkward nga non.
Umiwas na lang ako ng tingin sa kanila. Ayoko nalang sigurong makiososyo pa sa kanila, sa buhay love life nila.
“Jai elle!” Napatingin ako kay Kiel nang bigla niya kong tinawag. Wala na ang kaninang kausap nila. Nagkasama sila ni Kayla nang lumapit sila sa amin.
Ngumiti ako at kumaway.
“Ngayon lang kita nakitang nakamakeup” komento niya sa ayos ko na para pang sinusuring mabuti ang ayos ko.
Ngumiti ako ng may kasamang mahinang tawa. “Ganun talaga! Hindi ako sanay, e.”
“Pero bagay sa yo. You look pretty tonight, you’re stunning”
Ngumiti nalang ako. Feeling ko namumula ko sa pambobola niya.
“Oo nga! Wala kang date? Parang kami ni Kiel” biglang singit ni Kayla.
Umiling ako. Edi sila na may date. Hindi ko alam kung sadiyang nagseselos lang ako dahil sa nakakapit siya kay Kiel ng wagas o pinagseselos niya ko? Imposible.
“Hindi ko kaylangan yon, I can enjoy my night without dancing” nakangiting cheer ko sa sarili ko.
“But you need to dance with somebody”
Nakahawak ako sa may dibdib ko nang bigla akong mapatingin sa may likuran ko nang may biglang nag salita.
Siya nanaman?
“Frisco Hansen? Right?”
Isang ngiti lang ang ibinigay niya saakin.
Sa tingin ko abg haba ng gabing ito ngayon para sa akin.
BINABASA MO ANG
Why not me? [Warriors: Leader Of Warriors Kiel Alvarez's Story] (Under Editing)
Roman d'amourLahat na yata ng hinahanap ng babae sa isang lalaki ay na kay Kiel Alvarez na. Matalino, gentleman, may pangarap, mabait, guwapo, masayang kasama, at higit sa lahat ay loyal sa babaeng iniibig niya. Unfortunately, ang kaisa-isang babaeng iniibig ni...