GID-1:Athena Aurora

5K 69 4
                                    

"Athengg!" Nagtatakbo ako at niyakap ang pinsan ko, sobrang laki ng pinagbago nya. Ang buhok nyang hanggang bewang noon ay lumagpas nalang ng bahagya sa kanyang balikat. Ganun parin sya, cold as arctic pero nakikipag biruan na ngaun hindi gaya ni Tanathos na parang walking dead talaga.

"Athena hiyang ka sa japan." Tumatawang pahayag ni Kuya Eros. Nginisihan lang sya ng huli.

"Whats up Thens ?" Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni Tanathos na nakahalukipkip sa gilid ni Eros. Tinaasan lang sya ng kilay ni Athena.

Kapag sila ang nagsama napakatahimik at napakalamig gaya ng Antarctica. Ewan ko ba sa mga pinsan ko na yan.

"Bakit ka nga pala biglaang umuwi couz ?"
Tanong ko habang naglalakad kame palabas ng airport. Kaagad naman kami pumasok sa Range Rover ni Thanatos, malayo layo pa ang byahe pa Batangas. May outing kaming magpipinsan ng biglang tumawag si Athena na sunduin sya sa airport. Halos apat na taon din itong hindi nagparamdam sa amin mula ng gumraduate kame sa elementarya. Mas matanda sa amin ng dalawang taon si Kuya Eros at Tanathos.

"Si Dad, kinuha ako eh." Maikling pahayag nito na nakatingin sa labas ng bintana. Iniintindi lang namin kung bakit ganyan si Athena Aurora. It's not my story to tell. I just leave it that way.

"So tumakas ka ? O kinuha ka ni Tita Hera ?"
Taas ang kaliwang kilay ni Kuya Eros. He's my brother.

"Hindi naman ako kukunin ni Hera mas gusto noon na wala ako dahil naiinsecure ung anak nya sa ganda ko." Nakangising sagot nito. Napahalakhak kami. Maging si Tan ay napangiti. Alam namin na si Athena ang may pinaka mahirap na pinagdadaanan sa ngayon. We are thankful kasi nandito uli sya kasama namin.

"Saan kayo pupunta ?" Takang tanong nya ng ibang daan ang binabaybay namin.

"Papunta kaming Batangas ng tumawag ka kaya bear with the long ride! We missed you!" Nakangisi at kinulong ni Kuya ang leeg ni Athena sa pagitan ng kanyang mga bisig, inis na inis naman ang huli. Wala rin itong nagawa kundi sumang ayon.

Nagkuwetuhan pa kami sa byahe. Napag alaman kong hindi naman sya tumakas at nag paalam sya ay Tito Hiroshi na umuwi. Wala naman magagawa ang huli dahil mahal na mahal nya ang anak kaya pinauwi dito sa pinas.

First year college na kami sa pasukan. Hindi ko alam kung anong course ang kukunin niya. Mas matanda naman ang dalawang lalaki na parehas nasa unahan ng sasakyan. Parehas silang Business Management ang course.

Si Athena, sya ang idol ko. Mas matanda sya sakin ng isang taon. Ako ang bunso saming magpipinsan. Si kuya Eros ang pinaka matanda. Matanda lamang sya ng buwan kay Thanatos. Sa aming lahat, si Athena ang pinaka mature mag isip, marahil na din sa mga pinag daanan na nya. Doon ako bilib sa kanya. Muka lang syang walang pake pero mapag masid, matalino ngunit hindi mahaba ang kanyang pasensya. Napangiti ako ng bahagya sa huli.

Minsan naisip ko na gusto ko din maging isang Athena Aurora. Nagagawa ang gusto, nasasabI ang nasa isipan, walang pakialam sa sasabihin ng iba. Kaya nga sya nababansagan na walang modo at basagulera. Pero malaya syang gawin ang mga gusto nyang gawin. Malayang lumipad na parang ibon sa himpapawid.

"Anong kukunin mong course Ateng ?" Tanong ko sa kanya.

"Multimedia Arts." Simpleng sagot nya na may ngiti sa labi.
Alam ko naman na yun ang gusto nya. Sana mag karoon din ako ng courage na masabi kung ano ang gusto ko. Sana.

Goddess in Distress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon