Tatlong linggo matapos umalis nina Ryou, hindi pa rin ako masanay na wala ng makulit na katabi sa bawat klase ko. And I don't know what's with Zeke. Para syang bodyguard ko. Madalas sumusulpot kung saan nandoon ako lalo na kapag i-approached ako ng mga lalaki. Hindi naman sya madalas mag salita at straight faced lang talaga.
"Aph, samahan mo ko." Napalingon ako kay Athena. Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Sabado ngayon at bihira ang ganitong araw na may matino kaming pahinga.
Napatagilid ako ng higa at ipinatong ang kaliwang pisngi sa kamay upang makaharap si Athena. May ideya na ako kung san nito balak pumunta pero nagtanong parin ako. Baka lang naman may bago.
"San?"
"Red District." Maikli nyang sagot habang nakikipag titigan sa ceiling ng kwarto kong outer space ang theme.
Simula ng magkakotse sya nung isang buwan kada linggo ay nag pupunta ito sa Red District para makipag drag race. Kuta ito ng mga gangster at kadalasan ng mga illegal na gawain, dito nagaganap. Mas lumalala si Athena habang tumatagal. Siya ang pinaka DareDevil sa amin. Daig pa nito ang gangster, yun lamang ay mag isa lang ito at walang grupo. Mahilig makipag basag ulo. Hindi mo aakalain na sa inosente ng muka nito ay kabaliktaran ng pag uugali. Asian na asian ang itsura nito. Hindi ko alam kung dahil ba sa genes, pero sa ilang beses kong nakita si Tito Hiro ay masasabi kong hindi naman nya ito kamukha.
"Athena, ano bang problema ? Akala mo ba hindi ko napapansin ? Kayo ni Tito Hiro may problema ba ?" Napapansin ko din na hindi nito sinasagot ang mga tawag ni Tito Hiroshi. Madalas nga nitong maiwan sa kwarto ko ang cellphone nya. Madalas din kasi itong tumambay sa bahay. Mabuti nalang wala madalas si Mom and Dad. Ang Kuya naman kung hindi nakila Tanathos malamang nasa mga barkada nya sa basketball team.
Wala itong isinagot sa akin. Tumayo sya, inabot ang jacket, sombrero at rainbow sunglasses ko. Hindi ko rin alam kung bakit nya ako sinasama sa lugar na iyon gayong kuntodo bakod at higpit ito pag nandoon ako. Kulang nalang paupuin ako nito sa passenger seat habang kumakarera.
Napahinga nalang ako ng maluwag at sabay kaming lumabas ng gate habang ako, sinusuot ang jacket. Sumakay na din kami sa kanyang Audi na ayon pa sakanya ipina ayos nya to para sa racing nyang kapritso.
Kahit na malaya si Athena na magawa ang mga gusto nya. Hindi maalis sa akin na maawa. Naiintindihan kong nararamdaman nya na wala syang pamilyang mauwian. Yung buo, na kahit minsan lang magkita ay iniintidi ang isa't-isa. Ang ina nya na tinatawagan lang sya kapag may nagagawa itong kabulastugan na nadadawit ang pangalan. Ang ama na malayo bagaman walang pamilya ay may malaking kompanya na inaasikaso.
NAKATAYO lamang ako sa dati kong pwesto. Sa gilid ng tent malayo sa mga kumpol ng tao sa unahan. Suot ang jacket na nakataas ang hoodie sa ulo na may suot pa ding sombrero at rainbow colored shades. Ripped jeans at vans din ang aking pang ibaba para walang makakilala sa akin. Di tulad ni Athena, kilala at iginagalang ang mga magulang ko, hindi ko din alam kung bakit ginagawa ko ito, dahil siguro sa adventure ? Excitement ? Nanalo nanaman si Athena gaya ng inaasahan.
Bahagya akong napalapit ng galit na mag sagutan sila ng driver na nakalaban nya. Kapag napikon pa naman ang isang ito ay cussing machine ang bibig. Puro mura ang naririnig ko.
"Ano Athena Aurora ? Akala mo matatakot ako sa angkan nyo ? Sinasabi ko lang ang totoo, hindi ba't bastarda ka lang." Maging ang tenga ko nag panting sa sinabi ng lalaki na iyon. Sobrang dami ng kumpol ng tao na sa halip pumigil ay nag eenjoy pa sa alitan samantalang ang cool na postura ng pinsan ko ay bahagyang nanigas, maya maya pa ay binunot nito ang lisensyado na nyang baril at ikinasa sa tapat ng noo ng nakaalitan na lalaki.
"Ang daldal mo, kung patahimikin kaya kita habang buhay ?"
Lahat nag mamasid sa susunod na gagawin ng bawat isa. May mga isang minuto ang nakalipas bago may umalingaw-ngaw na pamilyar na baritonong tinig mula sa likod ng pinsan ko.
"Athena!" Parehas namin itong nilingon.
Thaddeus. nanlaki ang mata ko at pasimple akong hinanap ni Athena mula sa kumpol ng tao para sabihin na umalis na gamit ang kanyang malamig na abuhing mata.
BINABASA MO ANG
Goddess in Distress (Completed)
General FictionI am the apple of the eye. The beauty. The obedient child. I'm not brat or spoiled. I'm not the typical flower, I discovered I also have thorns. I Aphrodite Aurora an eye candy. Loved . Full of happiness,positivity and love was broken by the man wh...