Kinagabihan isinagawa ko na ang plano ko. Kaninang dapithapon, inaral ko ang paligid at kung makikita ba kahit bahagya ang mansyon mula dito. Elevated ang parteng ito ng kagubatan na napupuno ng niyebe. Walang mga dahon ang puno na nakapagpadali sa pagsiyasat sa lugar. Gamit ang basong kristal na ibinigay sa akin ng tagapagsilbi noong nagdrama akong nagugutom. Siniyasat ko din ang paligid kung may nakatagong hidden cam ngunit wala akong nakita. Mabuti nalang pala at nagamit ko ang mga nakikitang training sa training facility ng mga elite guards. Malaking advantage na nakalakhan na namin iyong magpipinsan. Ako lang ang bukod tanging hindi nakapagtraining sa facility, sila Athena at kuya ay tinrain ni Tito Hades, samantalang si Thanatos ay Titan Guard na sa ngayon o ang pinaka mataas na Rango sa Facility kasalukuyan nya ding pinamamahalaan ang Agency.
Mga limang minuto ko iyong ginawa, sa pamamagitan ng flashlight at maliit na salamin ng compact powder na nakita ko sa loob ng silid, ginamit ko ito para makakuha ng atensyon. Ginawa kong pagpatay bukas ang mga tuldok at gitling, sa simpleng salita ay morse code.
Sana mapansin ng kahit sinong nakamasid malapit sa mansyon ang SOS signal ko.
Nang makarinig ako ng kalansing ng seradura ay agaran akong lumayo sa bintana at kusang samara ang makapal na drapes. Umupo ako sa vanity mirror at tinago ang flashlight sa drawer.
Kunwaring naglilinis ako ng muka gamit ang mga pangbabaeng cleanser at kung anong prudukto ang naroon. Kompleto mula sa cleanser, toner, moisturizer at make up."I prepare it for you, alam kong hindi ka sanay ng hindi nakakapag linis ng muka bago matulog at hindi nakakapaglagay kahit lipgloss sa isang araw." sabi niya habang lumalakad papunta sa tabi ko at umupo sa kama.
"What are you doing here?" I asked Chad. Nakita kong nililibot nya ang tingin sa paligid at tumagal iyon sa may bintana. Napansin kaya nya ?
Kinabahan ako, malakas ang pakiramdam ng isang ito. Hindi pa nakatulong na halos kilala ako nito maging mga gawi ko. Kaya naman pinilit kong cassual na maglakad papuntang kabilang parte ng higaan at humiga. Tumalikod ako sakanya after I tucked myself to bed."Please turn off the lights before you leave."
Ilang sandali bago ito magsalita na syang hindi ko inaasahan.
"I'm sorry for all the things I've done. I love you. Its not true that you deserve this bullshits, infact you deserve the world."
Narinig ko ang kanyang mga buntong hininga bago lumabas at isara ang pinto.Inulit ko uli ang ginawa ko kanina sa may bintana hanggang sa makaraan ang ilang oras nakarinig ako ng komusyon. Manakanakang putukan ng baril hangang sa bumukas ang pinto ng kuwarto na kinaroroonan ko.
"Aphrodite!" Napaawang ang bibig ko ng sugurin ako ng yakap ni Thanatos. Naalala ko tuloy ang kaganapan noong nakidnap din ako ng ama ni Chad. Sa nangyari na iyon, maagang nabahiran ng dugo ang mga kamay ng pinsan ko. He maybe cold and aloof but he pledge to take care of us. Napaiyak na ako dahil sa nangyari, akala ko ay hindi na ako makakauwi. Doon kami naabutan ni Kuya. Nangunyapit ako sa Kuya ko, thinking that I would never sww him makes my heart hurt a lot.
"How are you ? What did that scum do to you ?" Inenspeksyon nya ako kung may sugat ba ako o may hindi tama sa akin. Tanging iling lang ang sinagot ko at inakay na nila ako palabas. doon ko napansin na wala doon si Chad at tanging ang apat na Elite guard ang naroong nakahandusay. Nakita ko din si Calixta na humihikbing akay ng isa sa mga Elite guard ng aming ahensya.
"Anong nangyari ? Nasaan si Chad, Calixta ?" Bungad kong tanong sa kanya at hinawakan ang magkabilang palad.
"Ate, ang sinabi lang ni kuya sumama daw ako sayo pupuntahan nya daw si Lolo. Ate natatakot ako baka hindi na sya makabalik." Nangininig itong hilam ang luha. Napalunok ako ng sariling laway. kung iisipin ko ang mga nangyari, parang sobrang coincidence ng lahat, ang pinagtataguan namin ngayon na malapit lang sa mansyon, ang flashlight sa side table maging ang kasalukuyang wala sya ng irescue ako nila kuya. Doon ko naalala ang sinabi nya saakin ilang oras bago ito.
"I'm sorry for all the things I've done. I love you. Its not true that you deserve this bullshits, infact you deserve the world."
Chad, what are you planning to do ?
BINABASA MO ANG
Goddess in Distress (Completed)
Fiksi UmumI am the apple of the eye. The beauty. The obedient child. I'm not brat or spoiled. I'm not the typical flower, I discovered I also have thorns. I Aphrodite Aurora an eye candy. Loved . Full of happiness,positivity and love was broken by the man wh...