Kilabot

502 5 0
                                    

May iba't ibang klase ng pag ibig sa iba't ibang tao. Pagmamahal ng magulang sa anak, pag mamahal ng anak sa magulang, pagmamahal sa kapatid at kaibigan, higit sa lahat ay pagmamahal sa itinatangi.

Hawak ni Chad ang kamay ko habang pinagmamasdan ang kumukutitap na mga bituin mula sa balkonahe ng aking kwarto.

"Bukas na alis nyo. Wala ako don para bantayan ka." Bahagyang humigpit ang kapit nito sa aking mga kamay na syang nag pangiti sa akin.

"Hindi ka pa ba pagod ? Kakatapos lang ng concert nyo, pero nandito ka pa kasama ako." Bumaling siya sa akin at hinaplos ang pisngi kong ramdam ko ang pag iinit kahit kalamigan ang hangin pang madaling araw.

Madalas hindi na ako nag sasalita. Daig pa namin na mag on. Kasintahan ng patago. Hindi ko alam kung anong meron kami. Minsan mas matimbang ang mga gawa kaysa salita. Basta mutual ang nararamdaman namin sa isa't-isa.

"I will be fine." Yumapos ako sa kanya at naramdaman ko ang paghalik nito sa aking buhok.

Ginagawang complicated ng tao ang bagay na hindi naman. Likas sa tao na mag isip ng what ifs. Na maging ahead sa kinabukasan, pero tayo ang kokontrol sa ating isipan, at gagawin. Walang kasiguraduhan ang kinabukasan, hindi natin kontrol ang iniisip ng iba, ang nature, ang instances. Maari kong ipaalam ang damdamin ko na gusto kong may panghawakan sa amin, pero sa kabilang banda marahil hindi ito ang tamang oras. We have threats in our lives. Marahil hindi pa din handa si Chad dahil wala rin naman itong sinasabi. Commitment. Simple word yet alluring. Napakalalim ng kahulagan na once you decided on it there's no turning back. There's no backing down. Ganoon kahalaga iyon para sa aming mga Aurora.

MISS na miss ko na sya. Kakatapos lang ng competition pero gusto ko na agad umuwi. May isang araw pa bago ang flight namin pabalik ng pinas. Nakaka video call ko naman sya pero pakiramdam ko hindi sapat. Seryoso at halos walang gana ako sa victory party para sa pagkapanalo ng school namin sa competition. Kasama ko pa ang Dean, at dalawa pang kalahok na naka hakot din ng medalya.

Lumabas ako sa building sumandali. Maraming nag babantay sakin at palihim na sumusunod. Ito ang gusto ko sa team ni Thaddeus, discreet sila umaligid pero mabilis umaksyon.

"Mi dispiace, signorina." I'm sorry miss.

Nagulat ako sa matandang nakabangga sa akin. Nakahuma naman ako agad at mabilis humingi ng dispensa. Titig na titig ito sa mga mata ko na may pagkamangha. Pinagmasdan ko ito. May suot siyang fedora. Sa tantya ko nasa sisenta oj mas bata ang edad n.ya. Nakahawak man sa kaliwang kamay ang tungkod, masasabi kong matikas pa rin ito.

"Hai dei bellissimi occhi. Davvero unico." You have beautiful eyes. Very unique.

Hindi ko alam pero kinilabutan ako ng lumawak ang kanyang ngiti habang nag niningning ang mga asul na mata. Mabuti at hinila ako ni Thaddeus at ito na ang nag paalam sa lalaki. My skin is crawling. My instincts are telling me to stay away from that man. Marahil iyon din ang nararamdaman ni Thaddeus. Malakas ang pakiramdam nito.

"Don't be stubborn this time, He is not good news." Yun ang bilin nya sa akin na sinang ayunan ko naman.

Hindi ko alam kung kapalaran ba talaga o lapitin ako ng kamalasan dahil simula ng araw na iyon, mas nagulo ang buhay namin.

Goddess in Distress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon