Sa mga natitirang oras para sa klase ko ngayong araw, tuliro ako. Hindi ko rin alam kung bakit big deal sa sistema ko na nahawakan ko ang kamay n
ya."Nice meeting you." Seryosong bati nya sa akin at inextend ang kanang kamay nito. Nag aalangan man ay tinangap ko parin ito at ng magdapo ang mga palad namin. It felt warm, at napalunok ako bago bawiin ang kamay ko mula sa init na iyon.
Gusto kong sapakin ang sarili ko, para akong nag fafangirl na die hard fan. Kung si Ate Xenna pa sana ang kaharap ko kanina maniniwala akong 'fangirling mode' iyon.
Si Xenna Andrea Romeda ay iniidolo ko. Sikat syang modelo, actress at mahilig din sya sa musika na tulad ko. Sya ang genius ng Hawking Academy, academically walang makatalo sa kanya. Kaibigan din sya ni ate Fionne at mag kaka batch sana sila kung hindi makailang beses na itong na accelerate, isang taon nalang sya sa Fine Arts at gagraduate na ito. Bumibili din ako ng mga painting na gawa nya.
Napakagat ako ng ibabang labi. Gusto ko mang ideny, alam ko na hindi ko maloloko ang sarili ko. Kailangan kong tanggapin na infatuated ako kay Chad. Infatuated. Dati iniisip ko lang kung anong pakiramdam ng maattract, magkagusto sa isang tao. Kung totoo ba ung sinasabi nila sa pagbilis ng tibok ng puso o over rated na ito. Yung pinapakita sa movies na 'love at first sight'. Napailing ako, Aurora, kailangan mo umayos ok kalma! Sa loob-loob ko pinagagalitan ko ang sarili ko.
Pagkaalis na pagkaalis ng huling instructor namin, lumabas na din ako ng room. Narinig ko pa na tinatawag ako ni Kento pero binaliwala ko ito at mabilis na humalo sa papalabas na mga studyante.
Para akong ninja na palingon-lingon sa paligid para matakasan ang mga posibleng bantay o mga pinsan ko. May nakatabi akong nakasumbrero, kinuha ko ito. Napalingon ang lalaki sa akin at mabilis kong inilapat ang hintuturo ko sa kanyang labi para manahimik. Namula ang mukha nya.
"Pahiram muna nito ha." Saka ko ito nginitian. Agad kong isinuot ito at hinati sa gitna ang buhok ko at itinirintas ito.Pagkalabas ng gate ng school may mga stall na nakatambay sa sidewalk. Pumuli ako sa nagtitinda ng reading glasses, black and squared ang frame na walang grado, isinukat ko iyon at agad binayaran.
Pangiti ngiting lumakad ako ng bahagyang yumuyuko kapag may pamilyar na muka na makakatabi at makakasalubong. My blood is pumping with excitment. Aminado naman ako na sa lahat ng Aurora ako ang pinaka sutil sa loob ang kulo.
Huminto ako ng mabungaran ang arko ng Parke De Cecilia. Ilang taon na nga ba ng huli akong mapunta dito? Mga anim. Marami ng nadagdag na store at stalls. Marami pa ding tao. Para itong maliit na luneta na sa dulo ay may butterfly garden. May fountain din sa gitna ng Parke.
Isang store ang bukod tanging dinadayo ng tao. Naririnig ko mula dito ang tiklado ng piano na humihimig ng River Flows ni Yurima.
Nakipag siksikan ako sa mga tao hanggang makarating sa likod ng isang babae na tumitipa sa Upright Piano na mismong nasa labas ng Notes and Ryhtms. Ang music store na kilala sa buong Encarnacion.
"Ate Rebecca." Lumapit ako dito matapos ang kanyang performance na pinalakpakan ng mga naroon.
"Ohh prodigy, ikaw ba yan ?" Gulat ang rumihistro sa muka nito ng mapag sino ako at matitigan ang mismatch kong mga mata.
"Long time no see." Sinuklian ko ito ng ngiti at yumakap dito na ginantihan din nya. Nasa mid 20's na si ate Rebecca. Mas pumuti ito at nagkahubog ang katawan bagaman halos magsingtangkad lang kami.
"Tumakas ka nanaman ano ? Alam mo naman diba nung huli-"
Nabalatayan ng pag aalala ang galak na nasasalamin sa mata nya."I'm more capable of protecting myself now, believe me."
Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko. Yeah, six years ago I realized that women must capable of protecting themselves. That I have to be more than just a pretty face.
BINABASA MO ANG
Goddess in Distress (Completed)
General FictionI am the apple of the eye. The beauty. The obedient child. I'm not brat or spoiled. I'm not the typical flower, I discovered I also have thorns. I Aphrodite Aurora an eye candy. Loved . Full of happiness,positivity and love was broken by the man wh...