Break

738 12 0
                                    

"Prodigy, pampabuwenas naman jan!" Inilahad ni Ate Rebecca ang kanyang kamay sa upright piano ng nakangiti sa akin.

Hindi ko din mapigilan ang ngiti na tumingin sa mangilan ngilang viewers na nakapaaikot pa rin dito na pawang naghihintay sa susunod na pagtatanghal.  Karamihan ay mga batang babae, ang iba ay may mga kasamang nanay, may ilan din na dalaga at binata pero ang nakatawag ng pansin ko ay ang batang babae na may hawak na bag na sa tingin ko ay violin ang laman. Lumapit ako rito.

"Hi, anong pangalan mo."  Pansin kong diretso ang tingin nito sa aking mga mata at mayamaya ay may ngiting gumuhit sa kanyang mapulang labi. Ang ganda ng batang ito, maputi at sa tantya ko nasa sampung taon pataas ang edad.

"Calixta ate Aphrodite." Kumibot ang mga labi ko. Kilala ako ng mga ganitong edad ? O dahil mahilig sya sa musika ?

"Anong paborito mong tugtugin?" Nabanaag ko ang excitement sa kanyang asul na mata.

"Let ito go." Nahihiyang tugon nito.

"You can accompany me right?" Napakagat ako sa labi ko para pigilin ang paglawak pa lalo ng ngiti. Nangingislap ang mga mata ni Calixta. Naalala ko noong una akong mapadpad dito walong taon gulang ako, ganito din ang unang pagkakakilala namin ni ate Rebecca. Napasulyap naman ako dito at ang lawak ng ngiti na parang inaalala din ang nakaraan gaya ko.

Naupo ako sa harapan ng tiklado at sinulyapan si Calixta na inihahanda ang kanyang violin. Nauna itong tumugtog at sa ikalawang ikot ng intro sumabay ako sa pagpindot ng mga tiklado.

The snow blows white on the mountain tonight
Not a footprint to be seen
A kingdom of isolation and it looks like I'm the Queen

Napapangiting napapapikit ako. Ang galing ng batang ito. Nasulyapan ko syang damang-dama ang musika na ginagawa ng kanyang violin.

Don't let them in, don't let em see
Be the goodgirl
You always had to be

Nakakarelate ako sa kanta na ito. Sa totoo lang ay hindi ko pa napanood ang frozen kung san ginamit ang kanta bilang ost.

Let it go, let it go
Can't hold it back anymore
Let it go, let it go
Turn my back and slam the door
And here I stand, and here I'll stay
Let it go, let it go
The cold never bothered me anyway.

Damang-dama ko ang kanta na sa bawat lyrics at nota ay pawang sinasabi ko ang laman ng damdamin. Na parang lumilipad ako na agila. Ang hindi isipin ang sasabihin nila dahil alam ko na ngayon na susuportahan ako ng magulang ko lalo na ng kapatid at mga pinsan ko. Na hindi ako dapat matakot sa mundo.

Natapos na ang maiksing pagtatanghal na iyon. Hindi ko din napansin na umalis na si Calixta. Nakilala ako ng ilang tao roon kaya mayroong nagpapicture at may mga nagtatanong din sa akin. Dinumog ako. Hindi man ako artista, dito sa Sta. Clara parang ganoon nga ako. Isa rin akong youtube sensation bilang prodigy sa larangan ng musika. May mga kumukuha sa amin nila kuya Eros na gumawa ng album pero sa tingin namin noon ay hindi pa kami ganon ka sikat. Isa pa ay ayaw pa kami papasukin sa industriyang iyon ni dad lalo na at middle level palang kami.

Nakauwi ako ng bahay bago dumilim ang langit. Napabuntong hininga ako sa mga sermon ni kuya. Wala pa si Dad, si Mom naman ay nasa ibang bansa, inaasikaso ang business nya. At gala's o fashion shows.

"May isa pa nga pala akong  gustong idiscuss. Nasabi ko na ito kila Tan at Thens. Pumayag na kami na gumawa ng album at ipakilala under Red Label ng MediaTech. Alam ko din naman na matagal mo na itong gusto at nakausap ko na din sila Dad."
Sa lahat ng sinabi nya doon tila nanlaki ang tenga ko at halos tumalon ako sa inuupuan kong couch sa sobrang excitement. Yes ! We have our break at last !

Song used: Let it go- Demi Lovato
Song

Goddess in Distress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon