Takot

1.3K 22 0
                                    

Marami tayong bagay na kinatatakutan. Ako? Takot akong  madisappoint ang magulang ko. Duwag akong sabihin ang gusto ko, kaya sumusunod ako sa mga sinasabi nila. Parang makina na kailangan may mag operate.

Tama nga ang sinabi ni Ryou noong nasa batangas kami.

"Alam mo, hindi magiging masaya ang tao kung nakadepende sila sa opinyon ng iba. Hindi ka mabubuhay ng 'buhay' kung parang makina na de susi o de gas para gumana. Higit sa lahat walang nakaka alam ng bukas kaya sulitin natin hanggang wakas. Tayo rin naman ang responsable sa consequence ng mga bagay na nagawa natin kaya live with no regrets."

Tanda ko pa yung sinabi nya yun saakin ng mapag usapan namin ang tungkol sa 'course'. Hindi ko alam kung paano kami nag kalapit ng gayon, sa eskuwelahan bihira ang mga kaibigan ko. Mabibilang sa isang daliri. Marami ang totoo sa paligid, marami ang hindi.

Kumatok ako sa study room ni Dad bago pa man magbago ang isip ko at kagatin ang sariling buntot.
"Come in." Bahagya pa itong nagulat ng mapag buksan ako ng pinto at pinapasok.

"Dad, ayoko pong mag Doctor." Matapos umupo at humunga ng malalim nasabi ko ang ipinunta ko roon.

Nakatutok ang mga abuhin na mata nya sa akin. Wala syang sinabi na kahit ano. Parang pinag aaralan nya ang aking  mukha, ekspresyon kung sigurado ba ako. Pagkaraa'y bumuntong hininga siya at nag salita. Kanina pa kumakabog ang dibdib  ko sa takot na kung ano ang sasabihin nya.

"Ito ang unang pagkakataon na lumapit ka saakin at sinabi mo ang gusto mo anak. Simula bata ka lagi kang naka rely sa amin ng mommy mo." His feature soften. Inabot nya ang kamay ko at nakahinga ako ng maluwag.

"Anak, you have your own life. We're here to guide you. Dadating ang araw na ikaw nalang ang mag dedecide para sa sarili mo. Hindi mo kailangan matakot na mabigo, magkamali o madapa. Parte yan ng paglago."
Sobrang na touch ako sa sinabi ni Dad. Ang totoo na pepresure ako. Sa pamilyang ito, physical attributes ang kaya kong iambag. Hindi ako matalino gaya ni Athena, o super talented gaya ni Kuya Eros. Hindi rin ako gaya ni Thanatos na business minded.
Hindi din ako tumatanggi sa mga gustong ipagawa sakin ni Dad lalo na ni Mom. Palagay kong alam ni Dad na ayokong sumasali sa mga beauty contest pero pinag bibigyan ko parin si Mommy.

Mas liability pa nga ang itsura ko. Marami nabibighani sa magkaiba na kulay ng aking nga mata. Namana ko ito kay lola Ana. Heterochromia.

Noong bata pa ako, maraming tao ang nag sasabi na maganda ang mata ko, pero ang iba sa  mga kaklase ko ay natatakot. Kaiba din ang mata nila kuya at Athena, kulay abo. Pero mas kakaiba ang saakin. Hindi nga naman normal ang ganitong mata lalo na sa pilipinas. Purong mga griyego Si Lolo Zeus at Lola Ana. Napadpad ang Lolo dito sa pinas. Pinag aralan nya ang kultura at wika hanggang nag migrate sila dito. Nag tayo ng mga business, tumulong sa mga taga Encarnacion at sa kung sino man ang nangangailangan kaya nakilala ang 'Aurora'. Mayaman ang angkan na pinagmulan ni Lolo. Hanggang sa mag kaanak sila ng tatlo at dito na pinalaki. Nitong huli na pumasok sa pulitika si Dad ay umuwi sila Lola sa Athens. Masyadong magulo ang pulitika at matatanda na sila.

Naalala ko pa ang sinabi sa akin ni Lola kapag nadodown ako at hindi naman maiiwasan na may mambully sa akin dahil sa kaibihan ko.

"We are special that's why we're different. Every person are different from one another and special in their own ways."
Nangingislap ang mga mata ni lola. Ang kanang mata na bluegreen at kaliwa na abuhin. Tuwang tuwa ako dahil para akong nananalamin. Kaya mula noon yon ang sinasabi ko sa tuwing may natatakot sa mga  mata ko at hindi nila ito  naiintindihan.

Unti-unting natutunan ko ang ibig nyang sabihin. Na sa halip ma down ay intindihin ang iba na natatakot sa akin. Because as human, we fear changes and uncertainty. And we believe in a certain paradigm. Masyado na tayong sanay na takot na tayo sa pagbabago.

It all made sense to me now. What Lola want me to see and what Ryou made me realized. Hindi ako dapat matakot sa pagbabago. Hindi ako dapat matakot sa consequence na tumayo sa sarili ko at gawin ang gusto ko. Because at the end of the day sabi nga ni Dad, ako parin ang mag didisisyon at gagawa ng sarili kong kinabukasan.

Goddess in Distress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon