Long gone

475 10 0
                                    

May mga taong dumadaan lang sa buhay natin. Mga tao na naging bahagi ng ating paglalakbay. Lahat naman tayo iisa lang ang paroroonan, sinong hindi mamamatay? Sa ala-ala? Sa libro? Mga bahagi ng nakaraan na isinulat,ipinasa o na memorya.

"Hindi ko talaga alam ang buong detalye Thad. Kahit sa akin hindi nagsasabi si Athena."
Hanggang ngayon ay pinipiga pa din ako ni Thaddeus sa nalalaman ko tungkol kay Sireya, sinabi ko ng lahat ng alam ko. Isa itong con artist, mapagbalat kayo, magnanakaw. Bukod sa naging sila ni Athena ay wala na akong alam. Hindi ko din alam kung bakit sila nag hiwalay. Nadulas lang naman sa akin si Athena ng magpakalasing ito isang araw at paulit ulit na banggitin ang pangalan na iyon, the rest ay inalam ko na. Kung kinailangan ay sinundan ko ito mapa Ground Zero (Gangster/Yakuza Lair) hanggang sa mga illegal na aktibidad na pinag gagawa ng pinsan ko. Isang beses ko lang nakita si Sireya, hindi ko alam kung maidedetalye ang muka nito o makikilala kapag nakaharap ko.

Bumuntong hininga ang nasa harap ko, hinigop ko naman ang kape na hawak at inilibot ang paningin sa shop sa tapat ng ospital.

"Hindi na kita kukulitin, ako nalang ang gagawa ng paraan." His upright behavior is on again.

"Alam mo Thad, dapat sinabi mo nalang kay Atheng ang nararamdaman mo. You're so upright, maybe, but one can see what inside is hiden. One can not only guess but feel what is overflowing. Akala mo ba hindi namin alam?" Makahulugan kong sabi bago humigop muli at matamang nakatingin sa kanya. His jaw twitched. Without saying anything he walk out the café.

Hindi talaga ito nagbago, makalipas ng ilang taon. Bagamat matanda sa amin ng ilang taon ay nanatili ang ugali nyang iyon. Parang isang container na pinupuno nya ang sarili. Hindi ko alam kung kelan sya sasabog but I want to witness it. Napangisi ako sa sarili.

Nabaling ang atensyon ko sa pag vibrate ng aking cellphone. Napangiti ako ng mabasa kung sino ang tumatawag.

My Dragon Calling...

"Namiss mo ko?" Bungad ko dito. Rinig ko ang bigat ng paghinga sa kabilang linya. Napasandal ako sa glass window sa aking kaliwa at hindi mapigilan ang ngiti. Nakailang beses ba na tumatawag si Ryu sa akin sa loob ng dalwang araw? Lima? Anim?

"Alam mo naman ang sagot jan Megami." Namamaos nitong tugon.

"Malalim na ang gabi diyan, bakit hindi ka pa matulog?" Tanong ko.

"Alam mo naman na hindi ako makakatulog pag hindi ka naririnig. Nahihirapan na nga akong hindi ka makita." His frustration is very evident. Napakagat ako ng labi.

"Kakavideo call lang natin kanina ah." amusement laced in my voice.

"Hindi ko na kaya Aphrodite, pupuntahan na kita diyan!" Nakarinig ako ng kaluskos at kalabog. Narinig ko pang pagpigil nila Ai sa kanilang prinsipe na matigas ang ulo.

"You clingy not so little prince, umayos ka at makinig kila Ai. Isang linggo lang ako dito. Please. Kahit mas dalasan nalang natin ang video call. Marami ka pang dapat gawin."
I want to see him too, pero may mga bagay na kailangan namin pagtuunan ng pansin sa ngayon.
Base sa oberbasyon ko, may mga pag ibig na nagiging lason sa isat isa. Meron din namang pagibig na nagiging rason ng pag grow ng parehong nagmamahalan. I want ours to be the latter. I want to grow with him until we get old and our hair turns grey. I want to be our children role model. I want this love to take full responsiblity. I accepted him as he is, his responsiblity along to his country.

"Ryu, Aishiteru." The rustle and bustle in the line went dead. Hanggang sa naririnig ko nalang ang bigat ng kanyang hininga.

"Ilove you most. Ilove when you're saying you love me." Ramdam ko ang ngiti at saya niya gaya ng nararamdaman ko.

Makakahanap pa ba ako ng ganitong lalaki? Am I that special? God gave me this perfect imperfect man. Hindi ako madaling mahalin. Marami ang nakaakigid sa akin, when he's jelous hindi siya nagpapakita sa akin. He says that he don't want his feelings to take over the matter, at may mga tao naman daw na kikilos para sa kanya (his friends will take action). He is patient, kind, most loving person I've ever met, yet he is possessive in his own way without choking me. This man is one of a kind. He waited for me a long time up to this day that I will love him deeply.

Nahulog ako sa malalim na kaisipan ng marinig ko ang silya sa aking harapan. I looked up to who might be sitting there.

My smile waver until it dropped. My eyes widen and to my shock. Richard Evangelista is sitting there with his passive expression.

 Richard Evangelista is sitting there with his passive expression

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"You seem happy, why is that?" He cocked his head side ways. Pinapormal ko ang aking itsura. I sense different in him, long gone was the Chad who've made my heart flutter.

"Do we know each other?" I asked formally.

(c. Brant Daugherty)

Goddess in Distress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon