Napakahiwaga

749 8 2
                                    

Hanggang ngayon hindi pa rin ako halos makapaniwala na inilabas na ang unang album namin. It's been 4 months simula ng makapirma kami ng kontrata sa Red Label. Nakikita ko in actual ang Neon Notes kapag may practice o recoding silang ginagawa. Hindi maitatangi na hanga ako sa kanila. Sinong hindi makakakilala sa mga pogi at talented na limang lalaki na iyon. Nag uumpisa na din makilala ang banda nila International. Yon ang pinaka pangarap ko, libutin ang mundo at tumugtog kasama sila kuya at mga pinsan ko. Marami din ako nakikitang mga artist, singers and such na nasa Entertainment Industry.

"Aph, serve mo na." Pukaw ng mga kasama ko, nag papractice parin ako ng volleyball pag hindi busy. Yun nga lang ay hindi ako makakapag laro kapag may mga schedule kami. Bukod kasi sa band practice na halos four times a week meron din kaming mga guestings. Marami na agad kami fans at mas lalo kaming nakilala sa pinas. Maraming naintriga sa aming mga Aurora.

Naalala ko pa nga ang interview/guesting namin sa isang morning talk show.
"Anong reaction ni Gov. Ares sa pag pasok nyo ng tuluyan sa showbiz."
Yan agad ang tanong ng host sa akin. Sinagot ko naman ito kung gaano ka supportive si Dad lalo na si Mom, noon ay ayaw ni Dad na pumasok ako sa mundong ito. Si Mom ang nag pipilit na kahit sa mga Beauty Contest ay isali ako. Ngayon naman si Mom ang nag aalala dahil di naman linggid sa kaalaman ng lahat na masyadong magulo ang showbiz at halos wala ka ng privacy.

Pagod na pagod ako ng matapos ang practice. Nakaupo akong tinatanaw ang basketball practice nila kuya. Alam ko naman na magaling si kuya dito. Nasorpresa din ako sa galing ng Kaizer sa basketball. Sabagay sabi nga nila sa akin na halos dito na sila lumaki sa pinas.

Hindi ko maiwasan na mapadapo ang tingin kay Chad. Sa palagay ko ay sya ang pinaka matangkad. Ilang cintimetro lang siguro ang tangkad nya kay kuya pero kakaiba ang tindig at aura nito. Parang sinasabi na watch me closely. Yung tipo na hindi mo maputol ang paningin sa kanya, clean cut ang buhok nya ngayon at kitang kita ang perkpektong panga na umiigting kapag idinidrible ang bola. Tanaw ko din ang tangos ng ilong nya dahil nakasideview ito sa kinaroroonan ko. Naginit ang pisngi ko ng magawi ang tingin nya kung saan ako nakaupo. Nag iwas ako ng tingin at napunta ito kay kuya Eros na nakatingin din pala sa akin ng may nanguuyam na ngisi.

Nagkanda kumahog ako papasok ng locker room namin. Sinampal sampal ko ang sarili ko ng makapasok ako ng shower room. Ganito nalang ba palagi ? Na totorete ako pag nakikita ko sya. Oh my gulay Aurora ! Napapadalas na talaga kung pagalitan ko ang sarili ko. Hindi ko naman ito maiiwasan lalo na halos tabi lang naman ang court namin dito sa gym.

Ganito ba talaga pag naiinlove ? Inlove? Really Aphrodite ? Pano mo nasabi na love yan ? Napakahiwaga talaga ng feelings ng tao, kahit ang taong unang beses makadama ng pagibig hindi na kailangan ng experience. Masasabi mong nagmamahal ka.

"Tapatin mo nga ako babygirl, may gusto ka ba kay Evangelista ?" Hinawakan ako ni kuya Eros sa braso bago pa man makapasok sa mini studio ko. Good Gracious! Hindi talaga ako makakatakas sa tanong nito.
Sa amin parang sya na ang magulang ko. Masyadong protective ito sa akin. Hindi ito nakikipag away. Si kuya yung tipo na 'Goody two Shoes'. Pero iba sya magalit. Nakakatakot. Mas nakakatakot kaysa kay Daddy.

"Obvious talaga ?" Tumango ito
"As in Kuya ?" Ngumisi ito at tumango uli.

"Napapansin ko na yan eh. Pasulyap-sulyap ka pa kunwari. Kapag naman tumitingin sayo hindi ka magkandatuto kung paano itatago yang mapulang muka mo." Natatawang iminuwestra pa nya sakin ang nag iinit kong pisngi.

"Ehh, bakit masaya ka pa ?" Napalabing tanong ko.

"Lahat naman nag kaka crush, at ito ang unang beses kong makita kung paano ka magkagusto sa lalaki. Palagi mong pinangingilagan ang ganitong sitwasyon, pero darating ang panahon na hindi mo inaasahan at di mo mapipigilan." Makahulugan nyang sabi bago ako iwan.

Goddess in Distress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon