Epilogue

1.1K 14 1
                                    

Mataas ang sikat ng araw. Yun agad ang napuna ko unang pagtapak ng mga paa sa labas ng Ninoy Aquino International Airport. Binilang ko sa isip ko ang mga gagawin sa bansang ito. Adventure, yun agad ang naisip ko. Aminado akong masyado akong lagalag at hindi mapirmi sa isang lugar. I also love to do things that I want, sumasakit ang ulo ng Crown Princess at kanyang esposo sa akin. I refuse to live in their residence kaya ng mag sampung taon ako ngayong taon, mas pinili kong umuwi ng pinas kung saan tumira si Mama mula pagkabata.

Ang akala kong buhay ko dito na puno ng adventure ay biglang nabali. Strikto si lola, ilang taon ako nagtiis sa bahay at eskuwela na routine hangang sa mag labing tatlo ako ay kina Zeke na ako nakituloy. Doon ko sya unang nakita sa butterfly garden. Maganda ang Encarnacion. May iba rito na wala sa kinaklakhan kong lugar maging sa mga napuntahan ko na noon. Nang makita ko syang tumutugtog ng violin, ng marinig ko ang kanyang musika at ng makita ang kakaiba nyang mga mata. Doon ko narealize, kung bakit iba ang Encarnacion sa lugar na mga nakita ko na.

Ang unang pagkikita namin na iyon ay tumatak sa isipan ko. Kung hindi lang namayapa ang lola at hindi ako pinabalik ng Japan, mas nakilala ko sya ng husto.

Ilang taon pa ang lumipas, tinahak ko ang sa tingin kong larangan na maari kami uli na magkita. Music Industry. Hindi nagtagal umusbong ang banda naming Kaizer.

"Ryouji, check this band out. The lead vocalist have bewildering mitchmatched eyes." Untag sa akin ng katabi kong isang miyembero ng sikat na Jrock genre band. Noong makita ko ang video, napangiti ako. Andaming views at mukang sikat na sikat sila kaya naman dalidali kong hinugot ang cellphone ko at nag search ng tungkol sa 'The Under Zeus' that's their band name. Nabasa ko sa isang article sa internet ang impormasyon tungkol sa kanila ngunit sa isang tao lang napokus ang aking pansin, kay Aphrodite Aurora.

Sobrang pasasalamat ko na active sya sa social media. I followed her youtube account and other multi media accounts too. Highschool ako ng sumikat sila noong magcollege saka ako nakahanap ng rason na bumalik sa Pilipinas. Ilang taon ding nagtiis ako na sa social media ko lang sya masilayan. Gumawa pa ako ng minion account sa youtube just so I can interact with her. Ibang saya ang naramdaman ko noong next video nya ay tugtugin nya ang narinig ko sa kanya noong nasa butterfly garden kami. She even mentioned the name I used as per request.

When I saw her in Heaven's. That was really a pure coincidence. Hindi ko alam na pupunta sila ng Batangas, wala syang recent post sa social media. Matagal din silang natigil sa pag tugtog ng banda nilang magpipinsan, noon ko napansin na nakauwi na pala si Athena Aurora.

I get a chance to get close to her so I didn't wasted anytime. I was surprised too when she suddenly tease me on eating salad.
' For a guy, seriously you eat grass for breakfast? ' she said.

I became her bestfriend, sinusundan ko sya. I act cool para hindi mapaghalataan na stalker na nya ako.

"Sire, sigurado ka ba dito ? You've been following her for years, hanggang ngayon ba na may gusto na syang iba?" Hindi na siguro nakatiis ang madaldal na si Kento, oo nga naman at hindi magandang tingnan sa isang Prinsipe na mag asal 'stalker'. Kahit sabihing hindi nya nahahalata, nasukol nga ako ni Athena. Minsang makasalubong ko syang magisa sa Hawkings Acad ay binalaan ako nito.

"Manhid ang isang iyon pero kami ay hindi. Isang tao lang ang nakikita nya ngayon alam mo kung sino, diba." Bigla nitong pahaging, isang sulyap lang ang ibinigay nito sa akin at dumiretso na ng lakad samantalang ako ay nahinto at tila nag ugat ang paa.

Kapag naalala ko ang mga kabaliwan ko para sa kanya, napapangiti nalang ako sa ngayon.

Hindi naging madali ang lahat. Nasaktan ako ng mga panahon na may mahal syang iba at ako, nasa tabi nya nakikinig sa kanya. Masakit din ang katotohanan na naduwag ako, iba ako, may tungkulin ako sa bansa na pinagmulan at kailangan balikan. Ayokong ikulong sya sa resident area ng royal bloods. Nakulong na sya sa kanyang sariling pamilya. She love adventure as much as I do, nag sisimula palang sya samantalang ako ay pabalik na. Free time is over ika nga ni Ai.

Tinanggap ko ang mga katotohanang iyon. Nasa malayo ako, iniwan ko si Zeke sa tabi nya para kahit wala ako ay may magbantay sa kanya. Hindi ako pakaka sigurado, noong iwan ko sya ilang taon na ang nakakaraan sa butterfly garden, nakidnap sya. Ngayon, kaya man nya o hinding protektahan ang sarili nandito pa rin ako. Secretly watching over her.

Akala ko wala ng sasakit pa sa makita at malaman mong masaya sya na napansin na sya ng taong mahal nya. Pero mas masakit ang makitang umiiyak sya ng dahil sa taong iyon. Mas masakit ang makitang nagdurusa sya sa pagkawala ng mama nya. Mas masakit na nagbago sya simula ng mangayari ang araw kung kailan muli syang ikinulong ng tadhana at kailangang magtago.

I offered our aid with her Brother and Thanatos. Ipinagkatiwala ko ang sikreto ko sa kanila. I offered our country. I'm risking big for her. Gusto man sigurong magsalita ng mga kaibigan ko ay wala silang nagawa. They are my bodyguards, friends and family.

I stayed with her. Trying to make her smile, sharing her burden hanggang sa isang araw it's all worth it. She sees me. She loved me. Accepted me wholeheartedly.

Hanggang sa araw na to, facing her with our traditional beautiful red dress, ang araw kung saan masasabi kong akin na sya. It really seems surreal. Kahit okay na ang lahat, kahit pwede na syang bumalik sa dati nyang pamumuhay na walang threat ng isang DeCrescenzo ay pinili nyang manatali sa tabi ko at sa aming kultura. Ngayong kaharap ko sya, bagay na bagay ang pulang kasuotan sa kanya. Her mismatch eyes that captivated me shone brightly like the first time we met, when there was no complicated things have happened. She shone in my life like the sun, and like a deity of all love and beauty, I found in my heart to love my staying here in residential area of royal bloods with her beside me as my wife.

"Let's start our Happy ever after here my Megami (Goddess)."

-Wakas

Thank you for making it this far. May inihanda akong special chapter para sa team Chad.
xoxo little devils.

Goddess in Distress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon