May mga taong hindi alam kung paano ipagtanggol ang sarili nila. Minsan, marahil alam ng isip nila pero pag nasa actual na sitwasyon ay na tutuliro at napapangunahan ng kaba. May ibang tao naman na ayaw makasakit ng iba kahit sila ay nasasaktan na.
Isang linggo, mula ng umalis si Athena. Matagal ko na ring pinag isipan ilang buwan na rin noon kung dapat ba akong umalis sa poder ng pamilyang Hibara. Nang magtapat si Ryou noong nakaraang linggo, napag isip isip ko na kailangan kong mabuhay ng normal. Mas maayos ng maging commoner sa bansang ito. Napakagat ako ng ibabang labi dahil sa realisasyon.
Ginagawa ko ba ito dahil isang prinsipe si Ryou ?
Magsinungaling man ako ay hindi madadaya nito ang tunay na aking saloobin. Sa ngayon ako lang si Megami Aurora, isang ulila. Half Japanese-Filipino. Nag aaral ng Medisina. Iyon ang profile ko sa bansang ito at sa maraming tao.Napatingala ako sa langit. Umuulan na ng nyebe. Napangiti ako sa madilim na kalangitan na pumapatak ang ulan. Mag hahanap ako bukas ng trabaho. Hindi na ako pupunta ng Hibara Manor at hindi na ako magpapasustento. Kelangan ko din matuto maging independent. Hindi na nga pala ako bata.
"Okiru! Anata wa tawagoto!" Get up! You piece of shit !
Naulinigan ko ang sigaw at tawanan sa madilim na kanto. Malayo-layo na din ito sa kabahayan.Nangunot ang noo ko ng makitang pinag tutulungan ng limang binata ang isa. Naka uniporme pa ang mga ito. Highschool.
"Anata wa nani o yatte iru to omoimasu ka?"
What do you think your doing huh?Napalingon ang mga ito sa gawi ko. Nagsitaasan ang mga kilay at nagsitawanan.
"Yah, Chotto kawaī, sore wa anata no dare mo bijinesu janai."
Hey pretty, it's none of you're business.Napaingos ako at lumakad papalapit. Kunot na kunot ang noo ko ng makita ang binata na nakalupagi sa kalsada duguan. Kita ko ang lagay nito mula sa mapusyaw na ilaw ng streetlight malapit doon.
Hinawakan ako ng isa sa braso at walang alinlangang ibinalibag ito bago ayusin ang jacket ko. Gulat naman ang itsura ng apat. Sinubukan akong irestrain ng dalawa ngunit parehas kong sinuntok ang sikmura nila bago tisudin ang mga tuhod at mapaluhod sa sahig. Ang huli ay sinuntok ko agad sa muka bago makapalag.
Mga daing nila at ilang mura ang narinig ko bago kumaripas ng takbo bitbit ang isa't isa.Kung meron man akong natutunan this past three years, yun ay lumaban at magkaroon ng sense of justice. Manggagamot man ang napili kong propesyon, hindi ko ipagkakait sa iba na matutuhan ang kanilang leksyon. Napahilamos ako sa muka. Mukang ito ang naging impluwensya ni Athena sakin, mas maiksi na ang pisi ng pasensya ko ngayon kesa dati o ako lang talaga ang nagbago? Marahil ayoko ng maapakan ng nino man. Marahil ayoko rin makita ang iba na inaapakan ng sino man lalo na ang di marunong lumaban. May mga tumolong din sa akin dati kaya bakit ko ipagkakait sa iba ang tulong na kaya kong ibigay?
Pinasan ko ang binata, halos mahirapan ako dahil matangkad din ito. Dinala ko ito sa ospital at hinintay magising.
"Anatahadare?" Who are you?
"Kankoshi no shitsumon ni kotae, ryōshin ni renraku shite kudasai."
Answer the nurse question and contact your parents.Bago pa ito makapagtanong sa akin, inulan na sya ng tanong ng kadarating lang na nurse. Lumabas ako doon para bumili ng maiinom.
Binukasan ko ang can at tumungga ng tumunog ang cellphone ko.
"Megumi asan ka ?" Nag aalalang bungad ni Ryou sa akin.
"Ospital." Maikli kong tugon at nag simula ng lumakad pabalik sa ward ng binata dala ang club sandwich na nabili ko at tubig.
"Anong nangyari? Bakit ka nanjan ng ganitong oras?" Napangisi ako ng mataranta ito, narinig ko pa sa background na pinakakalma siya nila Ai at Kento. Pagkarating ko sa ward ay wala na ang nurse. Ibinigay ko sa binata ang plastic na may lamang pagkain at tubig. Nag alinlangan man ay kinuha nya parin ito.
"Chill, may dinala lang ako dito. Okay lang ako."
"Papatayin mo ako sa kaba sa mga pinag gagawa mo. Kahapon kinausap mo si Saito Hibara ngayon naman hindi kita madadatnan sa bahay mo." Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses nito. It amaze me everytime I see this childish side of him. Lagi kasi siyang pa cool.
"I'll see you tomorrow Ry." Naiiling kong ibinaba ang tawag.
"Pinay ka ?" Napaangat ang tingin ko sa binata. puro pasa ito at may benda ang kaliwang kamay. Hindi ko inaasahan na marunong din ito magtagalog dahil wala sa itsura nya.
"Yeah. Ako nga pala si Megumi. Nakita ko yung nangyari kanina." Napayuko naman ito. Hindi ko alam kung anong rason kaya nangyari sa kanya ang bagay na iyon. Bugbog talaga ang inabot ng katawan nya. Naawa man ay hindi ko iyon pinakita.
"Dapat matuto kang lumaban. Hindi sa lahat ng pagkakataon suswertihin kang may magliligtas sayo. Dapat kaya mong matutong ipaglaban ang sarili mo pati ang mga bagay at tao na mahalaga sayo." With that I left him there, kailangan ko na ring umuwi.
BINABASA MO ANG
Goddess in Distress (Completed)
Fiksi UmumI am the apple of the eye. The beauty. The obedient child. I'm not brat or spoiled. I'm not the typical flower, I discovered I also have thorns. I Aphrodite Aurora an eye candy. Loved . Full of happiness,positivity and love was broken by the man wh...