Sakit

521 6 0
                                    

Isang linggo. Sa loob ng panahon na yon sobra akong nag aalala para kay Chad. Lagi ko syang tinatawagan at tinetext pero hindi niya sinasagot. Bukod sa huling mensahe nya ng gabing dumating ako mula italya ay wala na akong narinig mula sa kanya.

Im fine, Please take care of yourself. Be observant, be brave and know how to protect yourself. I cant say this to you face to face but I love you. I really do.

Kumabog ng husto ang puso ko ng mga oras na nabasa ko iyon. Pakiramdam ko nag papaalam na sya.

"Kuya, can you do me a favor?" Kumapit ako sa braso nito na naitigil ang pagbabasa sa kanyang cellphone at bumaling sakin.

"Ano?"

"Kailangan kong malaman kung saan ang bahay ni Chad." Kumunot ang noo nito.

"Why?"

"Please." Pag susumamo ko. I'm desperate to know how he is. Hindi ko na kayang magantay.

STANDING outside this spanish style mansion. Mas na realize ko kung gaano kamalihim na tao si Chad, he's so mysterious. I knocked in the wooden double doors.

Nahigit ko ang aking paghinga ng unti-unti itong bumukas. His blue eyes slightly widen bago kumunot ang noo nito.

"What are you doing here?" Lumingon ito sa paligid at hinigit ako papasok.

"Are you out of your mind? Tumakas ka?" Madilim ang anyo nito. Napalunok ako at inangat ang kamay para hawakan ang muka nya na may mga pasa at galos.

"A-anong nangyari sayo?" Nilunok ko ang nag babadyan luha.

"I'm fine." Iniwas nito ang muka nito.

"Why are you here ? You shouldn't be here !" Tumaas nanaman ang boses nito.

"I wanna check on you. I'm worried!" Hindi ko maiwasan na sumigaw din. Ilang segundo kaming nag titigan bago nito bawiin ang tingin.

"You already saw me so please, don't ever come here again." Matigas ang tinig na sabi nya. It hurts, itinataboy nya ko. Bago ako umalis ok naman kami bakit ganito na ?

"Why?" Pilit kong nag iisip ng mga rason.

"Why you say ? May I remind  you, you are not my girlfriend! Bakit ka pupunta dito ? Anong karapatan mo magtanong ? Didn't you hear it from your Dad ? Hindi na ako nag tatrabaho sa inyo. Wala na akong koneksyon sa inyo. Sa iyo." Hindi ko na napigilan ang aking luha sa pagkakataong iyon. Oo nga pala hindi kami. Nag assume lang ako na baka kailangan nya ako. Ako lang pala yung umamin na mahal ko sya, wala naman syang sinabi na mahal nya ako, maybe he's playing on me. Sa text lang na nabasa ko doon ko lang nakita ang I love you nya. Masakit talaga marinig ang katotohanan. He's good. Pinakita nya sakin na may pag asa ako, na may nararamdaman sya sakin tapos itataboy lang nya ako ng ganun lang.

"Stop crying and get out ! And by the way please wag mo kong tawagan o itext, hindi mo ba nakukuha ang hint na ayoko na makipag usap sayo kaya nga hindi ko sinasagot ang tawag mo!"
Napapikit ako. Akala ko gawagawa lang nila yung mga nababasa ko sa nobela na parang tinutusok ang dibdib, na masakit ito pero ngayong nararamdaman ko saka ko lang napatunayan.

"I'm sorry ! I guess I've assume too much. I was so naive and guillable dahil nag pauto ako sa actions mo at sa sinabi mo na gusto mo ako. Akala ko kasi totoo, minahal lang naman kita. I knew about your reputation. Natakot din naman ako para sa sarili ko na maging isa sa mga babaeng umiyak dahil sayo. I should have been contented watching you from afar. I shouldn't have let myself be close to you. I'm sorry for bothering you."

That night, I cried myself to sleep. Hindi na ako kumain. Hindi ako nakipag usap kahit kay kuya ng kumatok ito sa pinto ng kuwarto. Hindi ako martir. Hindi ako tanga, nag mahal lang ako. I will cry all this hurt I'm feeling to the night and I will be okay tomorrow. Hindi hihinto ang mundo para sakin. Hindi ako mamahalin ni Chad kapag nag mukmok ako hanggang mawala ang sakit. Hindi maibabalik ang oras kanina na kinausap ko sya, the words can't be swallow after spitting it.

Goddess in Distress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon