May mga bagay na ginagawa tayo para sa kapakanan ng mahal natin. Alam man natin o hindi man tayo sigurado sa outcome, ginagawa pa rin natin yung akala natin ay makakabuti.
Ang sabi ng ilan walang tama o maling desisyon. Kailangan mo lang harapin ang consequences ng ginawa o nasabi na.Kanina pa ako tumitingin-tingin, kailangan ko ng makahanap ng trabaho. Bukod sa pagkanta, pagtugtog at pakikipag buno sa gang ay wala pa akong naiisip na pwede kong pasukin. Lumalamig na din kaya naisipan kong pumasok sa cafe na nakita ko, wala pa man din akong jacket o scarf na dala. I just wore jeans and a floral long sleeves. Humahaba na rin pala uli ang buhok ko na nakukulot na sa pagkakatali so today I just let it down.
Tumunog ang chime pagkapasok ko. Inilibot ko ang paningin at nasiyahan din naman ang mga mata ko sa nakita. Maraming paintings at artworks. Makulay ang sahig ng may pattern na bulaklak. Ang dingding ay kulay krema na pinintahan ng mga dahon kung saan nakasabit ang ilang paintings na naroon. Medyo maraming tao. Sa unahan ay may makeshift stage. May mga instrumento doon at isang upright piano. Sa kaliwa ay ang bar counter kung saan humahalimuyak ang kape. Malaki laki rin ang café na ito.
"Ohayō, ogenkidesuka?"
Good morning ma'am, what's your order?
Nakangiting bungad ng binata na nasa likod ng cashier. May katabi din itong binata na nakayuko at mukang may inaayos sa gilid."Flat White." Ngumiti naman ito at tumango. Kinausap ang binata sa tabi nya at ng magangat ito ng tingin ay gulat itong nakatingin sa akin.
"Megami-senpai!" anas ng binata.
"Nani?" What? Kunot noo kong tinitigan ito.
"Si Yujin ito, yung dinala mo sa ospital nung isang linggo." Nakangiti nyang paliwanag.
"Oh. Kumusta? Pero pwede yung Flat White ko muna." Nakangisi kong tugon. Napakamot naman ito sa noo at tumango-tango.
"SO, Barista ka dito?" Tanong ko sa kanya pagkaraang makaupo namin sa may tabi ng bintana. Humigop ako ng kape at nasiyahan ako dahil gusto ko ang lasa. Parang gawa ni Ai.
"Mama ko ang may ari nito. Rumerelyebo lang ako sa kanya. Siya ang nagbabarista. Yun ang hilig nya kaya nagtayo ng coffee shop." Napatango ako.
"Bakit wala sya?"
"May inaasikaso. Ka reresign lang kasi ni Kajo, yung barista na ka tuwang nya."
Napataas ako ng kilay at bahagyang umangat ang gilid ng labi."Kailangan nyo ng barista?" Dahan dahan naman itong tumango. Doon ako napangiti.
"Mag apply ako." Napatapik pa ako sa lamesa.
"Marunong ka ?" Nagdududang tingin nito sa akin.
"Oo, may kaibigan akong chief. Tinuruan nya ako tungkol sa beverage, pag barista, pati nga pag gawa ng tyaa." Nakangiti kong tugon. Ramdam kong nabubuhay ang dugo ko. Magagamit ko ag natutunan ko kay Ai. One time kasi ay nakita ko itong mag flaring at gumawa ng drinks nina Ryou. Akala ko noon ay pagluluto lang ang alam nito. Sabi sakin ni Ryou, bata palang ay nahilig na ito sa pag babarista. Inaral din nito ang pag gawa ng kape, pati ang tyaa.
"PWEDE ka ng mag simula bukas." ani Sofia, ang ina ni Yujin. Pinay siya kaya naman mabilis na nawili ito sa akin. Matapos makita ang nga kaya kong gawing kape ay tuwang tuwa ito, giliw na giliw sa akin lalo na ng sabihin ng anak na ako ang nagligtas dito. Madaldal ito at kung ano ano ang tinatanong. Limitado lang naman ang naisasagot ko. Namiss ko tuloy si mama. Nang maalala ko siya ay sunod-sunod na. Kumusta na kaya si Dad? si kuya? si Lolo at Lola? Matagal ko na din silang hindi nakakausap. Hanggat maari iniiwasan ko silang tawagan. Nakikitawag lang ako kay Ryou. Hindi safe kung palagi ko iyong gagawin baka matunton ako ng kalaban na syang pilit naming pinakaiiwasan.
"Iha, iha okay ka lang ?"
untag ni Aunt Sofia, yun daw ang itawag ko sa kanya."Ay opo, namiss ko lang ang mama ko." Binigyan ko ito ng maliit na ngiti na ibinalik nya din ng bahagya.
"Siya nga pala Auntie, bakit may makeshift stage sa harapan? May tumutugtog din bang live band dito?"
"Oo, 24 hours ang café natin. Sa gabi ay may mga tumutugtog, pwede kang magrequest, pwede din naman makitugtog lang. Minsan ginagamit sa okasyon o kaya sa proposal nakakadagdag din kasi sa popularidad ng café." Mahabang paliwanag nito.
"That's great." Maganda talaga ang concept. Nagmula din ako sa pamilyang may mga negosyong hinahawakan kay nakita ko ang potensyal ng café, di na din kataka-taka kung bakit malago ito.
Ibang-iba na talaga ang buhay ko ngayon. Namuhay ako noon na parang isang maharlika. Nasa tuktok ng kasikatan. Ngayon, sobrang na mimiss ko na ang pamilya ko, kelangan ko pang magipon para sa tuition sa susunod na sem.
So ganito na talaga ang buhay ko ngayon, I'm learning to live with it.
In just a snap, pwedeng magbago ang buhay and turn into upside down. you just have to adopt with the changes and accept it. In that way, makakapagisip at makakagawa ka ng paraan para umangat sa kinasasadlakan.
BINABASA MO ANG
Goddess in Distress (Completed)
General FictionI am the apple of the eye. The beauty. The obedient child. I'm not brat or spoiled. I'm not the typical flower, I discovered I also have thorns. I Aphrodite Aurora an eye candy. Loved . Full of happiness,positivity and love was broken by the man wh...