Chapter 29: Past or Nightmare?

1.1K 62 30
                                    

[A/N: Annyeong! Salamat sa mga nag-hintay ng update! Sana magustuhan niyo 'to. Kamsahamnidaaa~]

Dedicated to BlareHarisson, ChelzyBolotaolo, Ollyearl_08, cute_lengzi14, KelleyRiveral, ChelzyBolotaolo and to MaryJelyn7 salamat sa votes and comments niyo guys! Lab y'all!😘

RATED SPG KUNO (aminin mo, na-excite ka nuh? Bwahaha!)

Third Person's PoV

"T-Third san mo nakuha ang pilat sa ilalim ng tenga mo?" Takot man sa maaring isagot ng binata, itinanong pa rin ni Maxine ang tungkol sa pilat ne'to.

"Hu-huh?" nauutal na sambit ni Third at humarap kay Maxine, Third was caught off guard.

Nagkati-tigan langmang ang dalawa, namayani ang ilang segundong katahimikan habang nagi-isip si Third ng palusot para hindi mahuli ang totoo nitong katauhan.

"Ahhm.. Ano.. Kase.." hindi halos makapagsalita si Third. Hindi niya alam ang kanyang isasagot. "Bakit ba kasa-kasama mo yung lalaking yun? Hindi mo ba alam na masamang tao yon, playboy tsaka manyak yon! Isa pa, may girlfriend na 'yon! Hindi ka non magugustuhan, sasaktan ka lang non!" pagi-iba na lang niya ng kwento

"Third ano bang pinagsa-sabi mo? Ni hindi nga ako nililigawan non eh. Tsaka, ikaw din naman ah, badboy, bully, at playboy. Diba?" Maxine said that made Third speechless.

"Aisht! Ewan ko sa'yo. Akala ko ba gusto mo 'ko?! Pero nakikipag-kita ka sa ibang lalake? Pinagse-selos mo ba ako kasi kinindatan ko si Amber kaninang umaga? Okay sige lalayuan—" hindi na natapos ang panga-asar ni Third sakanya ng biglang mag-salita ang dalaga

"Third pwede ba?! Kakasabi ko lang sa'yo, hindi kami nagde-date ni Tyler. Okay?!" naiiritang sambit ni Maxine dahil hindi siya komportableng pag-usapan ang nararamdaman niya sa binata.

"Pero... Hindi mo tinatangging may gusto ka sa'ken, diba?" sabi ni Third habang nakangiti ng nakakaloko kaya natahimik si Maxine.

"Gusto mo ba i-kiss kita? Hihihi." sambit ni Third na parang bata na pinanlaki naman ng mata ni Maxine.

"A-ano bang pinagsa-sabi mo?" biglang sumeryoso ang mukha ng binata at tinitigan si Maxine sa mga mata. Napalunok si Maxine at along bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"Bakit? Ayaw mo ba." sambit ni Third na para bang nanga-akit, nginisian naman niya si Maxine na hindi makapag-isip ng matino.

Lumapit sakanya si Third.

Linapit pa niya ang kaniyang mukha sa dalaga hanggang sa mag-tama na ang hulihang bahagi ng mga ilong nila.

"Gusto mo ba?" sabi ni Third ng nakangisi na para bang nanghahamon.

Hindi naka-sagot si Maxine at tila ba napako siya sakanyang kinauupuan.

"Silence means yes.." akmang hahalikan na siya ng binta ng ilihis ni Maxine ang kayang ulo sa kaliwa habang nakapikit ng mariin.

Natawa naman ang binata sa naging reksyon neto.

"Pfffttt!! HAHAHAHAHAHA!" tawang-tawa ang binata at napahawak pa ito sakanyang tiyan.

Nainis naman ang dalaga sa panga-asar sakanya ni Third. Sinamaan niya ito ng tingin.

**

Ken's PoV

I Stole the Badboy's Heart || On-GoingWhere stories live. Discover now