[A/N: Eto na po UD ko. Sorry po sobrang natagalan, 5 days po kasing intrams eh. So, enjoy po]
Dedicated to cyeshinn22 gleMeraPurple cgxxkn jamiedeguzman_03 nyellahblue_08 Gorgeous_Gelly Alyssa15Nicole Starthatfallforyou AcilegnaNada crazygurl008 JadeRaposas zhinamaenidoy
Chapter 12:
MOVE-ON
Keinne
Ilang days na rin akong hindi pumapasok, buong araw nasa bahay lang ako, nagmu-mukmok at umiiyak, hindi pa rin ako makapag-move on sa break up namin ni Chelsie. Hindi ko alam kung paano at kailan ko siya makakalimutan.
Mahal na mahal ko siya. Unti-unti na namang tumulo ang mga luha ko, hanggang kailan ako mag-durusa ng ganito?
Hindi ko alam, kung may mamahalin pa akong iba katulad ng pagmamahal ko kay Chelsie, kasalanan ko rin ang pag-durusang nararanasan ko, kase ginago ko siya, kase niloko ko siya, kaya hindi ko siya masisisi kung nakipaghiwalay siya sakin.
Galit ako sa sarili ko, I betrayed her, I cheated on her, I cheated on someone I know will never hurt me for a purpose. And now, I'm being punish, I'm paying all of it.
*You can be the peanut butter to my jelly, you can be the butterflies I feel in my belly---*
I didn't answer it. For sure si Max yung nagca-call, everyday nagca-call siya, alam kong naga-alala siya.
Maya-maya, may nag-doorbell. Wala akong nagawa kung hindi tumayo sa kama, at lumabas ng kwarto ko para buksan yung pinto, oo lumabas ako kahit ganito itsura ko. Kahit kilo-kilo na eyebags ko kaka-iyak, at kahit hindi pa ako naliligo.
Pagka-bukas ko ng pinto, bumungad sakin si Maxine.
"Hi Ken." Nakangiti niyang sabi. Pero ako, pokerface lang.
Agad akong tumalikod para hindi niya mapansin ang mukha ko.
"Pasok kana." Sabi ko at dumiretso sa kusina at nagsimulang maghugas ng pinggan, para hindi ko siya makaharap. Ayaw kong makita niya mga pasa at sugat ko.
Sumunod siyang pumasok at umupo sa sofa.
Araw-araw siyang dumadalaw dito, para kamustahin ako.
"Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?" Tanong niya sakin. Pero hindi ko siya sinasagot.
Kahit nakatalikod ako, alam kong tumayo siya at lumapit sakin.
"Ken." Wala pa rin akong kibo at patuloy sa paghuhugas ng mga plato.
"Hindi mo ba talaga ako papansinin?"
Bigla niya akong hinawakan sa balikat at sinubukan niya akong iharap sakanya.
"Ken ano ba! Araw-ara--" nagulat siya ng makita niya ang mukha ko.
"Ken?" Naluluha niya tanong. Naawa nako kay Maxine, kaya ako ganito sa harapan niya kase ayokong makita niya akong mahina, at umiiyak.
YOU ARE READING
I Stole the Badboy's Heart || On-Going
OverigHighest Rank Achieved: No. 234 in Teen Fiction✨ _____________ Minsan, may darating sa buhay natin, na hindi natin inaakala. Hindi inaasahan. Unexpected. May mga taong, bigla na lang darating sa payapa't tahimik nating buhay, na akala mo'y para gulu...