Chapter 42: You're Safe

360 17 8
                                    

CHAPTER 42:

YOU'RE SAFE

Third Person

Nagising si Third at nakita si Maxine na natutulog. Nakaupo ngunit nakapatong ang ulo sa kama, habang hawak-hawak ang kamay ni Third.

Napangiti siya kahit na may dinadamdam na sakit sa katawan.

Hinaplos niya ang mukha neto. Naluha siya ng makita ang mga galos at pasa ni Maxine.

"Hindi ka na dapat nadamay pa... I'm sorry..."

Biglang umungol si Maxine habang napapailing-iling.. Nagsimula na rin itong umiyak at humagulgol.

"Maxine!" tarantang sambit ni Third.

"Wag! Please wag!"

Pagwawala naman ng dalaga na.

Napa-upo agad si Third at hinawakan ang ni Third ang maka-bilang braso ni Maxine at niyugyog ito.

"WAG! Tama na!"

Hinawakan pa niya ng mahigpit ang braso ni Maxine ngunit iwinasiwas niya lang ito habang humahagulgol pa rin.

"Maxine ako 'to! Si Third!" niyakap niya na lang si Maxine ng mahigpit habang naiiyak na rin dahil sa kalagayan ng dalaga.

Dahan-dahang kumalma si Maxine ngunit hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak.

"Maxine... I'm sorry." pilit na pinipigilan ni Third na pumiyok.

HInarap niya si Maxine sakanya't pinunasan ang luha neto.

"Ako 'to, si Third."

"Third... Natatakot ako, natatakot ako.."

Niyakap ulit siya ni Third at pinatahan.

"Shh... Andito lang ako... Wala ka na dapat ikatakot." Pilit niyang pinapatatag ang babaeng mahal niya, pero pati siya'y takot pa rin sa nangyare. At natatakor siyang maulit 'yon.

Yumakap din pabalik si Maxine.

"Wag mo 'kong iiwan ah? Please... Third..."

"Pangako Maxine, hinding-hindi na kita iiwan ulit, pangako... Mahal na mahal kita."

Hinarap niya si Maxine at hinawakan ang mukha, hinalikan niya ito sa noo.

"Thi-Third, si Taron nga pala..."

"What happened to Taron? Si Ken kamusta? Si Karlo?"

"Ayos lang si Ken, pero si Taron... Third, naka-coma si Taron, he's in a very critical condition." napayuko na lamang si Maxine.

Nagsimula na namang mabuo ang mga luha sa mata ni Third.

"Where is he?" wala sa sariling tanong niya habang paalis na sa kama ngunit pinigilan lang siya ni Maxine,

"Hindi ka pa magaling. Makikita mo naman siya, magpa-galing ka mu-"

"Hindi! Maxine, please, dalhin mo 'ko kay Taron. Gusto ko siyang makita." umiiyak na sambit neto kaya't di magawang maawa ng dalaga. Napa-buntong hininga na lamang siya.

---

Halos magkarera na ang luhang umaagos sa mukha ni Third nang makita ang kalagyan ng kaibigan.

Umupo siya sa tabi ni Taron at hinawakan niya ang kamay nito.

"Ka-kasalanan ko ang lahat... I'm so sorry Third." maluha-luhang sambit ni Maxine.

Lumingon sakanya si Third at umiling, "Wala kang kasalanan."

I Stole the Badboy's Heart || On-GoingWhere stories live. Discover now