Chapter 21: Mistaken Couple

1.1K 82 1
                                    

[A/N: Sorry for the long wait. I'm doing my very best para makapag-ud ako. Pakibasa na lang po yung otor's note.]

Chapter 21:

MISTAKEN COUPLE

Third Person

Flashback

Palaging magkasama sina Basti, ang batang babae at ang kaibigan nito.
Masaya sila. Walang araw na hindi masaya kapag magkakasama sila.

Pero...

May nabubuo na palang malalim na nararamdaman ang bawat isa sakanila.

At may nabubuo ring inggit...

Matalik na magkaibigan sina Peppa at ang magandang babae.

Para na silang magkapatid.

Palaging tinutukso si Peppa dahil mataba siya. Nerd. Panget.

Pero nandiyan lagi ang kaibigan niya para ipagtanggol siya...

Kabaliktaran sila.

Si Peppa, mahirap, panget, walang may gusto sakanya...

Pero ang kaibigan niya. Maganda, mayaman, gusto ng lahat.

Noong mga bata pa sila, malapit sila sa isa't-isa. Magkasangga. Palaging nagtutulungan. Waka pa silang pakielam sa kung anong sabihin ng iba.

Pero habang lumalaki sila, may nabubuong inggit sa pagitan nila...

Naging totoo ba sila sa isa't-isa?

Palaging masaya si Peppa dahil malapit na sila ni Basti. Pero ramdam nito na kakaiba ang ngiti ni Basti kapag nakatingin sa kaibigan niya.

'Palagi na lang siya yung gusto niyo.'

Ramdam nito na napipilitan lang si Basti na makipagkaibigan dito...

***

Masayang nagha-habulan si Basti at ang babaeng gusto niya sa park kung saan palagi silang magkakasama. Ngunit ngayon ay sila lang dalawa.

"Bleeeh! Di mo ko mahahabol." Pangaasar ni Basti sa babae.

"*hingal* tama- tama na. *hingal* pagod na ako." Umupo na ang babae sa damuhan at tumabi sakanya si Basti.

Pareho nilang hinahabol ang kanilang hininga. Pagod dahil sa ilang oras na paglalaro.

Nang makapagpahinga. Nagsalita si Basti.

"Hindi ko na kayang magpanggap. Ikaw talaga ang gusto ko. Maghihintay ako hanggang sa pwede na kitang ligawan." Malungkot na sabi ni Basti sa magandang babae.

"Napag-usapan na natin to diba? May cancer ang kaibigan ko... Anytime pwede siyang mamatay. Ang hiling niya saken ay yung mapansin mo siya.Please Basti, alam mo bang kapag napapasaya mo ang kaibigan ko, napapasaya mo na rin ako. Bata pa tayo kaya di kapa sigurado sa feelings mo. Once na nag-mature ka na, alam mo na kung sino talagang gusto mo." Saad ng babae.

Napabuntong hininga si Basti.

"Hayy. 1 year left.." Bulong ni Basti.

"One year left?" Kunot-noong tanong ng babae.

Magsasalita na sana si Third ng bigla silang nakarinig ng hikbi mula sa hindi kalayuan kaya't sabay silang napatingin ng babae doon.

End of Flashback

I Stole the Badboy's Heart || On-GoingWhere stories live. Discover now