Chapter 20: Someone is Jealous

1.2K 74 5
                                    

Dedicated to ripcurrents, thank you for making my book cover! Luv it! 😍😘💕
~~~~

Chapter 20:

SOMEONE IS JEALOUS

Maxine
Napapikit na lang ako ng mariin ng lalo niya pang ilapit ang mukha niya.

Nag-hintay ako ng labing lalapat sa labi ko ngunit wala, kaya't dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita si Third na nakayuko at malayo na ang mukha niya sa'ken. Ganun pa ren ang posisyon namen.

Saglit na namayani ang katahimikan samin.

"Ha-halika na. Hinihintay na nila tayo sa loob." Sabi niya at tuluyan ng lumayo sakin at bumaba na sa kotse.

Habang ako naiwang nakatunganga dahil sa muntikan ng eksena.

Bakit parang nanghinayang akong hindi yun natuloy? Bakit hindi ko siya tinulak tulad ng ginawa ko noon sa gym? Bakit ganito. Bigla kong hinawakan ang dibdib ko at malakas pa den ang kabog nito, walang nag-bago.

Nabalik lang ako sa katinuan ng may kumatok sa bintana ng kotse.

"Ay kalabaw!" Para akong malaglagan ng puso sa sobrang gulat at napatalon pa ako ng kaunti sa upuan ko. Sino ba kasi 'to?!

"Hoy wala ka bang balak bumaba?" Tanong niya saken habang nakapamulsa at nakatungo sa bintana.

"Ha? Ah-ba-baba na." Nauutal kong sabi. Kahit kelang kausap ko 'tong si Third palagi akong nabubulol. Tch.

Binuksan ko ang kotse at biglang sumigaw si Third.

"ARAY!!" Sigaw niya kaya't ako napatingin sakanya at nakitang nakahawak sa noo niya't nakapikit ng mariin.

Sheteng! Natamaan ko ba siya?! Oo nga pala nakadungaw siya, kaya siguro nauntog siya.

"So-sorry!" Sambit ko at nilapitan ko siya, at hinawakan ko yung parteng natamaan siya, sa ulo ah! Sa ulo yon!

"Wait lang kase bitawan mo." Sabi ko at binitawan naman niya.

Ghad! Wala namang bukol eh!

"Wala namang bukol oh! Oa mo lang." Sabi ko.

"Gotcha." Sabi niya at ngumisi at ang loko, kinindatan pa 'ko, kinilig tuloy ako ng slice :")

(weeeh? Slight lang?)

Oo nga ott!

Dahil sa ginawa niya, piningot ko siya sa kaliwang tenga niya.

"A-aray, aray! Ano ba?!" Reklamo niya at hinampas niya ang braso ko. Sobrang lakas kaya naman muntikan nakong masubsob, habang humahagalpak naman siya sa tawa. Tawa ka lang diyang demonyo ka, gaganti ako!

"Araaay!" Sigaw ko at hinawakan ko ang braso kong hinampas niya at namilipit kunware sa sakit.

"Ma-maxine?!" Natataranta niyang sabi at umupo hinawakan niya yung braso kong pinalo niya.

"So-sorry napalakas." Sabi niya at hinawakan niya ang pisngi ko.

Natigil ako sa ginagawa ko ngunit ganun pa ren ang posisyon ko at napatitig sakanya, halata mo sa mga mata niya na naga-alala siya sa'ken. Ayoko mag-assume pero yun yung nakikita ko sa mga mata niya habang tinitigan ko siya.

Pero, bakit siya maga-alala? Why would he care? Siguro kahit na mamilipit ako dito sa daan dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko hindi siya magaalala eh, oo tutulungan niya 'ko, pero magalala? That's strange knowing that we're best enemies. Knowing na, he's a badass since then.

I Stole the Badboy's Heart || On-GoingWhere stories live. Discover now