Chapter 24: It's Not Me

1.1K 72 16
                                    

Dedicated to MilisenGArmadoMill, jasmineraut1996, jecelleannoca, MarianneMolleno and to YnaJoyLigat thank you po sa pagbabasa ng story ko. 😊😘💖💞

Special Mention and Dedication to kiekyla, playboykookie, KylaDelaCruz440, AriaFernandez, Poppy_fox03, mhadelabalos, and to JD_RoLexis

Max's PoV

"Okay, just ask him. Sorry but I can't tell you anything yet. Ako malalagot kapag sinabi ko. Sorry." Sabi ni Taron.

Pigilan niyo ko! Konting-konti na lang makakatikim na 'tong si Taron saken!

Buti na lang at nanghihina ako ngayon kung hindi talagang nasapok ko na siya!

Pumikit na lang ako at bumuntong hininga.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

Ang sakit ng pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko, nilalagnat pa yata ako.

Ughh! Sobrang saket ng ulo ko!

Sinandal ko ang ulo ko sa upuan.Napapikit na lang ako ng mariin at napakagat sa labi ko.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Taron.

"Ye-yeah. I just want to go home and need some rest. Sa-salamat sa pagkain." hinang-hina kong sabi.

Feeling ko anytime babagsak na ang katawan ko kaya't tumayo na ko para makauwi na, ayokong magka-utang na loob kay Taron.

Tumalikod nako kay Taron pero hinawakan niya ang pulsuhan ko kaya't napalingon ako sakanya.

Nanlaki ang mga mata niya. "A-ang init mo."

Bumibigat na talaga ang pakiramdam ko, kasabay nito ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.

Tumayo si Taron at hinawakan ang dalawa kong balikat.

Hinang-hina na talaga 'ko...

Ngunit bago pa man ako matumba, may nakita akong pigura ng lalaki.

Taron's PoV

"Maxine!" nagulat na lang ako ng biglang bumagsak si Maxine sa dibdib ko. Biglang bumilos ang tibok ng puso ko at nakaramdam ng matinding kaba dahil sa kalagayan ni Maxine.

Kasabay din nito ang pag-dating ni Third.

Tumakbo siya papunta samin.

"Napano siya?! a-anong nangyare?!" alalang-ala niyang tanong.

"Bro, so-sobrang taas ng lagnat niya kaya na-nabinat siya." sabi ko. Napapaluha na 'ko, nyeta ano bang nangyayare saken?! Bakit ganito na lang kung magalala ako para kay Maxine?!

Parang inaapoy sa init si Maxine, at pinagpapawisan na siya ng sobra. Natataranta na 'ko at hindi ko na alam ang gagawin ko.

"A-ano?!" dali-dali niyang kinuha saken si Maxine at binuhat niya ito.

"Sandali lang Third!" sigaw ko dahil bigla-bigla na lang siyang tumakbo.

Sumunod nako kay Third palabas.

I Stole the Badboy's Heart || On-GoingWhere stories live. Discover now