Chapter 20

46 19 0
                                    

>>SAMANTHA's POV<<

Goodmorning guys. Mabilis ako'ng nag ayos at naligo. dumeretso ako sa harap ng kwarto ni kuya. Sakto, lumabas siya. Tapos na rin siya.

"Sorry Kuya hindi na tayo nakapag usap kagabi. Natulog na ako eh. By the way, goodmorning kuya."sabi ko at agad na niyakap siya. Kiniss niya ako sa pisngi at niyakap din ako ng mahigpit.

"Morning din Baby Sam. Tara na sa baba. Yung plano mo ah? Sa school mo na sabihin para sama sama tayo."nakaakbay sakin si kuya at nakahawak naman ako sa tagiliran niya. Bumaba na kami.

"Kuya, oo nga pala? Bakit parang hanggang ngayon wala pa rin yung uniform ko?"

"Oo nga noh. Ewan. Siguro malapit na."tumango lang ako. Umupo na kami. Wala si mommy, nasa kitchen siguro.

"Goodmorning babies."bati agad ni Mommy at inilagay ang mga pagkain sa mesa.

"Goodmorning Mommy, 'Ya."

"Goodmorning Mom, Yaya."sagot naman ni kuya.

"Magandang umaga rin sa inyo. O siya kumain na muna kayo."si Yaya. Nagsimula na kami'ng kumain.

"Uhm, Baby Sam, how school? Ang tagal na rin natin dito. Masaya ka ba this fast weeks?"tanong ni Mommy.

"Super."sagot habang ngumunguya. Agad naman ako'ng inabutan ni Kuya ng tubig. Ininom ko yun at ngumiti kay kuya. Tumawa lang siya.

"Uhm, Baby Sam, Kuya Brian? Babalik na ako sa Japan para asikasuhin at palaguin ang business natin dun. Hindi na daw maa-asikaso ng Tita niyo dahil busy na rin siya sa business niya. Okay lang ba sa inyo yun?"agad ako'ng nasamid sa sinabi ni mommy. Huhuhu! Whaaat! Sabihin niyo mali yung rinig ko please!!

"M-mom..."sabay na ungot namin ni Kuya. Huhuhu! No please!

"Please?? Mga anak, para rin 'toh sa inyo. Para din 'toh sa future niyo. Let me do it, okay?"

"I understand Mom. Pero si Sam."agad na tumingin sakin si Mommy at Kuya.

"Mommy, naiintindihan ko din po. Wala naman po ako'ng karapatan na pigilan kayo dahil para din po sakin yan, samin. Sige mommy."

"Wag kayo'ng mag-alala. 2days pa bago ako umalis. Bonding muna tayo."si mommy at lumapit samin. Niyakap kami ni mommy ng sobrang higpit mula sa likod namin. Iniyakap ko kay mommy ang isa kong kamay. Maya-maya, natapos na kami kumain. Nagpaalam na kami. Lumabas na kami ni kuya. Halos mapatalon ako sa gulat nung may bumagsak sa paa ko. Tiningnan ko kung sino yun.

"T-talukmoy?"

"Oh bakit anjan yan?"tanong ni kuya. Hindi ako gumalaw dahil babagsak siya sa lupa kapag lumakad ako. Nakaupo siya sa damuhan namin sa labas ng gate. Mukhang tulog na tulog talaga 'toh. Nakayakap siya sa sarili niya. Haysst. Ano ba naman 'tong tao'ng 'toh. Pwede naman na sa loob na lang siya ng kotse niya eh. Agad ako'ng umupo ng dahan dahan.

"Sige na kuya, mauna ka na. Ako na bahala sa kanya."tumawa si kuya at tumango. Ano naman'g naisipan ng lalaki'ng 'toh at natulog dito. Nang makaupo ako ay hinawakan ko ang likod niya at isasandal ko sana sa may gate kaso nadulas sa kamay ko at napahiga siya sa may leeg ko. Grabe 'toh ang bigat.

"Psst, uyy."tinapik ko siya ng mahina sa pisngi. Payat payat pero ang bigat. Niyakap ko siya at isinandal sa may gate. "Huy, gising.."hindi pa rin siya nagigising. Inilapit ko ang labi ko sa pisngi niya. Nagpakawala ako ng mahinahon na hininga at nagawa nun na gisingin siya. Hahaha.

The More You Laugh, The More You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon