Chapter 26

57 19 18
                                    

>>SAMANTHA's POV<<

Habang naglalakad kami sa hallway hindi ko maiwasan marinig ang mga bulungan nila.

'Guys, alam niyo ba yung nangyari kay Samantha?? Nakakaawa siya."

"Oo nga eh.. Kahit ako nung nakita ko siya kahapon, grabe lang yung awa ko jan."

"Dapat lang na maparusahan yung gumawa neto 'noh."

"Basta! Nung nakita ko siya awa'ng awa ako sa kanya."

"Ang bait kaya ni Samantha. Minsan ko na siya'ng nakasalubong. Tapos alam niyo napakamatulungin niyan. Tinutulungan niya lagi ang top members at ang Special Section. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila.. Nakakainis lang dahil hindi man lang nila tinulungan si Samantha."

"Oo nga eh. Sarili'ng kapatid hindi man lang natulungan tapos sila pa nga yung hinahanap ni Samantha eh."

"Mabait naman kasi si Samantha kaya ayun. Parang mas kampi na ako sa kanya kesa sa top members."

Hindi ko na lang pinansin kahit alam ko'ng totoo ang mga sinasabi nila. Aba himala! Mga girls na yan ah. Totoo na yan alam ko yun. Aba pag usapan ba naman ang top members eh kasama ko yung isa. Ewan ko na lang kung nagpapapansin lang. Napailing na lang kami at dumeretso na sa classroom. Kumunot ang noo ko nung makita na mga nakasandal sila sa pader at nakaupo sa sahig na parang may hinihintay.

"Oh? Bakit kayo mga nakaganyan?"parang mga naluge ang mga mukha nila.

"Princess bakit mo ginawa yun? Dapat lang na parusahan sila.."

"Wag kayo'ng mag alala. May tiwala naman kayo sakin diba?"ngumiti na lang sila sakin.

"Sorry Princess.. Wala kami nung kelangan mo kami. Hindi ka namin natulungan. Wala kami'ng kwenta."

"Pasensya na talaga, Princess. Lagi ka'ng nanjan para samin pero kami naman 'tong wala nung time na kelangan'g kelangan mo kami."

"Kayo talaga. Wag niyong alalahanin yun. Ok na po sakin yun huh? Punta nga kayo dito."umupo rin ako sa sahig lumapit naman sila sakin. Umakto agad ako na hinihingi ko ang yakap nila. Yumakap naman sila sakin.

"Ako di mo yayakapin?"natawa naman ako sa tanong ni Talukmoy. Tumayo naman ako at lumapit sa kanya.

"Ikaw talaga yung yayakapin ko dahil ikaw yung lagi kong kasama.."niyakap ko naman siya ng sobrang higpit. Sakto'ng pumasok si kuya at yung top 4. Ngumiti naman agad sakin sila kuya.

"Kung yun ang desisyon mo, sige suporta kami."bungad agad ni Kuya nung makalapit sakin. "May tiwala naman kami sayo eh. Alam ko may dahilan kung bakit mo ginawa yun."ngumiti at tumango naman ako. Kumapit si Talukmoy sa balikat ni Kuya.

"Mabuti sila'ng tao.."napailing na lang si Kuya. Pumunta na kami sa kanya-kanya namin'g upuan. Every Friday wala palagi'ng klase dahil maghapon pwede'ng P.E lang. Depende sa mapeh teacher yun kung kelan siya dadating. Dumating ang teacher namin sa Math para i-announce ang score namin.

"Brylle-Calvin>12, Kiro-Gerard>7, Topher-Andrew>9, Rick-Ren>10, Blue-Francis>10, John-James-Jaspher>14, Sam-Mikey>14. By the way, Sam, you got 15 but you said that the low score will recorded."yun lang at umalis na si ma'am. Tumingin naman sakin si Talukmoy.

"Sorry.."nakatungo niya'ng sabi. Hinawakan ko siya at dahan dahan na iniharap sakin.

"Ok lang yun.."ngumiti ako at tumayo na. "Talukmoy, tara na."break time na. Kasama ko ngayon si Talukmoy, James, at Jaspher. Dumeretso kami sa room nila Kuya. Ang ingay. Nagbabatuhan ng papel. Nagsisigawan. Naghahampasan. Grabe. Sumilip ako. Nakita ko naman si agad si Kuya. At gusto ko'ng matawa dahil irita'ng irita na siya. Ang dalawa'ng daliri niya ay nakatakip sa tenga niya at masama ang tingin sa mga kaklase. Agad na may lumapit sakin na dalawa'ng lalaki.

The More You Laugh, The More You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon