Chapter 29

39 14 2
                                    

>>SAMANTHA's POV<<

Sino ba talagang may kasalanan?! Si Glenn na pinuntahan ako at nag confess na naging dahilan ng pagiging malamig na naman ni Talukmoy?! Or si Talukmoy na hindi mo maintindihan kung anong nangyari sa taong yun at biglang nagkaganun or AKO?! Ako na wala namang ginagawa at sinabi lang ang totoo?! Eh ngina naman!! Wala naman talaga akong gusto sa kahit isa man sa kanila! WALA! Pero bakit parang sa pagiging honest ko, dalawang tao agad ang nasaktan ko?! Eh kaysa naman sabihin ko na gusto ko si Mikey kahit hindi naman at the same time nakasakit pa rin ako. Eh kung sabihin ko naman na gusto ko si Glenn edi masasaktan pa rin si---teka sino nga ba?? Ako! Edi masasaktan ko lang yung sarili ko?! Sinasaktan ko na, niloloko ko pa.

Hindi ko namalayan na nasa village na ako. Kapapasok ko nga lang eh. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nung biglang natapilok ako. Ayyy gag*!! Nakatungo lang ako. Hays pagod na ako.. kasi naman! Huminto ako at lumapit sa isang parang box na kahoy pero may butas. Umupo muna ako saglit. Pero umuuga uga kaya agad naman akong tumayo at sinipa sipa yun. Tsk! Tumalikod na ako pero may narinig ako.

"Argrrr! Wrof! Wrof!!!"nangatog ang tuhod ko at hindi alam kung saan tatakbo! Habang hindi pa ako nilalapitan, tumakbo na ako ng sobrang bilis!

"Waaaaaaahhhh!!! Ngina naman, lumayo ka! Huhuhu! Maawa ka please!!!"halos mangiyak ngiyak na ako sa pagtakbo pero hinahabol pa rin ako ng aso!!!

"Wrooff! Wrooffff!!!!!"

"NGINA MO!! HAYOP!! GAGO!!"mas binilisan ko pa ang takbo! Halos mabaliw na ako dahil malapit na malapit na siya sakin as in! Aso pa naman ang kinatatakutan ko sa lahat ng hayop!!! Huhuhu! Jusko! Hanggang sa may malaking gate akong nakita!!! SA ABOT NG AKING MAKAKAYA AY INAKYAT KO YUN NG BUONG PAWIS DALA ANG TAKOT AT KABA!!! Jusmeh! Kakatayin ko toh pag hindi tumigil!! May kataasan pa naman yung gate! Huhuhu! If I'm not mistaken.. nasa 10 ft. Yun, Promise hindi ako nagbibiro! Paano ko nalaman na mga 10 ft. Ganun kasi kataas dati yung pool na nilanguyan ko! Mabuti at ang design nung gate is parang selda kaya may matuntungtungan! HUHUHU! Tulungan niyo ako!!!

Para akong unggoy dito sa gate dahil nakabitin ako dun!!

"Wroff, wroff, wroff!!!!"

"LINTEK KA GAGO!! HINDI MO PA DIN AKO TINATANTANAN EH NOH!!"

"Grr, wroff!!!"parang baliw na tahol nung aso!!

"Huhuhu!! PUNYETA KA!! LUMAYAS KA NA KUNDI KAKATAYIN TALAGA KITA!!!"

"Aroooooooff!"

"WAHHHHH!! JUSKO LORD TULOOOOOONG!!!"hindi ko maiwasan ang lumuha dahil mukhang ulol yung aso!! Mas natakot ako at halos mapabitaw ako nung tumulo ang laway niya na parang wala pa atang anti rabies!!!!

"Arooooooof!! Arooooooof!! Arooo----"

"NGINA MO TALAGA!!! GAGO MAMATAY KA NA! HUHUHUHU!!!! PUNYETA KA GAGO LINTEK!!"

"Hey!"

"AYYY NGINA TALAGA! HAYOP NAGSALITA SI ULOL!!"

"Hey miss beautiful, It's not the dog who's talking. Im over here, what are you doing in my gate??"tiningnan ko kung saan nanggaling ang boses na yun at nakita ko naman siya sa loob ng gate.

The More You Laugh, The More You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon