Chapter 28

54 17 2
                                    

>>SAMANTHA's POV<<

Monday, 4:30AM. Tapos na ako maligo at magbihis kaya bumaba na ako para kumain. Nakita ko naman agad si Kuya na nakaupo na.

"Goodmorning kuya, yaya."ngumiti naman sila at tumango. Bread, egg, bacon, hotdog, tuyo and pancit canton. Hindi ako nagkakanin kapag umaga. Oo nga pala ang pinaka-favourite ko'ng pagkain ay Pancit canton at tuyo (isda po ah._.)Ang sarap kaya!! Nagsimula na kami'ng kumain. Nung matapos ako ay kumain ako ng apple at uminom ng fresh milk. Nakita ko naman na kinuha ni yaya ang mga pinagkainan namin kaya tinulungan ko na siya.

"Salamat, hija."nakangiti naman ako'ng tumango bilang sagot. Inayos ko lahat ng gamit ko at sumunod kay kuya dahil lumabas na siya. Binuksan ko yung gate dahil nauna ako sa kanya.

"Ayyy Palaka!!! Jusko Lord!"

"Oh ano'ng nangyari sayo??"nag aalala'ng tano'ng ni kuya at agad na lumapit sakin.

"Luhh. Hayst! Bakit ba hindi siya nagdo-door bell at lagi na lang natutulog dito sa labas. Padalawa na niya toh kaya pustahan may patatlo pa toh."

"Tsk tsk tsk. Lakas talaga ng tama. Alam ko naman na hindi at hindi ka niyan matitiis. Buhay nga naman oh. Sige ikaw na bahala sa kanya. Una na ako. Ingat ah??"ano'ng trip nun?? Umalis na siya kaya agad naman ako'ng umupo at inalalayan siya'ng umayos. "Woi.."hindi pa rin siya nagigising. Tinapik ko siya sa pisngi pero ayaw pa din magising. Hmm?? Yayks! Agad ako'ng umayos ng tayo at hinipan siya sa pisngi.

"Oh? Anjan ka na pala.. Ang tagal mo naman. Kanina pa ako dito eh."

"Eh bakit kasi hindi ka kumatok? May door bell naman kaya pwede'ng pwede mo yan pindutin."napakamot na lang siya sa ulo niya at sumakay na kami. "Talukmoy, sino yung girl??"

"Girl? Sino??"tanong niya na tumingin muna sakin bago nagbalik ng tingin sa daan.

"Tss, yung girl,"

"Sino ba kasi? Madami naman ako'ng girl na nakakasama eh."natigilan ako sa sagot niya. Mas pinili ko'ng hindi na lang magtanong. Tumingin ako sa labas at dun na lang ibinaling ang tingin. "Uyy.. Sam? Sino'ng girl? Sino sa kanila? Ang dami naman kasing girl---"

"Manahimik ka."hindi na siya nagsalita pa at napa buntong hininga na lang. lumipas ang mga minuto at nangibabaw ang nakakabingi'ng katahimikan.

"Hey, are you mad??"hindi ko siya sinagot. "Wait, are you jea---"

"Tatahimik ka o baba ako?"

"Tatahimik na nga eh."

"Hoy, t-totoo ba yung sinabi mo na boku no koibito ni natte kure?"

"Ah yun? Ano ba'ng meaning nun? Narinig ko lang yun kaya sinabi ko sayo. Alam ko kasing half japanese ka kaya maiintindihan mo yun. Ano nga palang ibig sabihin nun?"nakahinga naman ako ng maluwag.

"A-ah yun ba? Nakakainis ka alam mo ba yun?! Ang meaning nun is 'a-ang panget mo!' Oo nga pala! May isusumbong ako sayo kasi sinabihan niya ako ng panget. Ang pangalan niya is Mikey."tumawa naman siya at napakamot sa ulo.

"Hahaha sorry. Nung sinabi kasi yun nung lalaki sa isa'ng anime na palabas is lumuluha. Pwede ba yun?? Sinasabihan mo ang isa'ng tao ng panget habang lumuluha?"natawa naman ako at agad na tumango. Muntik na ako dun ah. Maya maya ay nasa school na kami. Naglakad na kami papasok ng campus at pumunta sa room. Andun na sila'ng lahat. May naghahampasan, nagtatawanan, natutulog, nagse-cellphone at nagbabatuhan.

The More You Laugh, The More You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon