Chapter 27: FAMILY BONDING

58 16 4
                                    

>>SAMANTHA's POV<<

Mag isa ako'ng naglalakad ngayon palabas ng school. Naging maayos naman ang laro namin at nagustuhan nila ang performance ko as a coach. Hindi naman sa nagmamayabang ako dahil marunong ako'ng mag basketball pero grabe lang yung mga girls. Gusto ko'ng ihampas sa mukha nila yung buong court at ipakain sa kanila yung bola. Wala nainis ako dahil, handa sila'ng ipatalo yung game. Naaawa lang naman ako sa section nila, syempre hindi magiging maganda yung performance nila kung lagi lang ipapasa ng mga girls sa kalaban. Tapos yung mga girls na nakalaban ako, grabe gusto ko'ng isubsob sila sa sahig dahil sa ginawa nila! Imagine, hawak ko yung bola pero bigla ako'ng hinampas at inagaw yung bola. Hindi lang yun... kekembot kembot pa silang tumakbo at ipinasa sa kalampi pero inagaw ulet at niyakap ang bola. Grabe lang, puro offensive and personal foul natanggap nila. Naginit talaga ang ulo ko nung may babae'ng binatukan, tinadyakan, sinabunutan, at sinampal ako makuha niya lang yung bola. As in, watdaa?! Ano sa tingin nila ang ginagawa nila? Buti nakapagpigil ako at sinabi ko'ng wag patalsikin sa laro ang team nila. Dahil kung sinagad niya ang pasesya ko, ipapalamon ko talaga sa kanya yung bola. Grabe sikat na talaga ko. Pati picture ko hinihinga na. Puro sila pa-picture sakin. Hindi ko alam kung mukha pa ba ako'ng tao sa mga picture na yun. Kahit na madami na ako'ng ka-close at halos lahat sila mabait na sakin hindi ko magawa'ng magdiwang. Gusto ko masaya muna siya sa nangyari bago ako maging masaya.

Nasa labas na ako ng school. Nakalimutan ata ni Kuya na walang maghahatid sakin kaya umuwi na siya. Paano na ako ngayon? Mag-co-commute na lang ako. Nakakahiya naman na sumabay pa ako kay Talukmoy.. Edi ang kapal kapal na ng mukha ko nun. Nakatungo ako'ng naglalakad habang nakahawak sa strap ng bag ko. Madami ako'ng kasabay sa paglalakad ngayon. Naglakad lang ako ng naglakad nung biglang may tumigil na kotse sa harap ko. Di ako pwede'ng magkamali. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko na parang wala'ng napansin, walang nakita at wala'ng pakealam. Nakita ko na bumukas ang pinto ng passenger seat.

Hindi ako tumigil. Pasasakayin niya ba ako? Nagliwanag ang mukha ko dahil sa naisip. Siguro nga pasasakayin niya ako at ihahatid samin. Nakangiti ako'ng Bumalik sa kinatatayuan ng kotse at sinilip siya.

"Hays! Sige na nga! Hindi na ako magpapapilit! Sasakay na ako okay?! Pasalamat ka hindi kita matiis---"gusto kong mawala na lang nang parang bula dahil sa nakita ko. Lumabas siya ng kotse at may kasama siya'ng girl. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para ako'ng sira ulo na naestatwa. Gusto ko'ng umiyak at bigla na lang siya'ng yakapin dahil sa ginawa niya. Magkahawak sila ng kamay nung girl at nilagpasan niya lang ako. Ni-hindi niya man lang ako nagawa'ng tingnan. Na parang wala siya'ng narinig. Na parang hindi niya ako nakita. Na parang w-wala siya'ng pakealam.

Nakarecover lang ako nung may kumapit sa balikat ko. Hinigit niya ako at biglang niyakap. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin din siya.

"B-bakit ganun siya?"nakakainis siya! Bakit kelangan niya ako'ng saktan ng ganito? W-wala naman ako'ng ginagawa sa kanya ah? "S-sabihin mo nga sakin Kuya Justin! Ano'ng problema ng hayup na kaibigan niyo?! Wala ako'ng ginagawa sa kanya pero kung saktan niya ako parang pinatay ko naman siya! Oo ganun kasakit yung ginagawa niya! Ipaintindi niyo nga yun sa kanya! Please.. Ganun na ba kakitid ang utak niya para hindi mapansin na may tao'ng nasasaktan sa ginagawa niya?? Isampal niyo sa pagmumukha niya na wala akong ginawa sa kanya para pahirapan niya ako ng ganito! Pakisabi sa kanya na.. simula ngayon ayoko ng magkrus pa ang landas namin.."wala ako'ng pakealam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao. Basta ang alam ko lang nasasaktan ako. Tumakbo ako palayo sa lugar na yun. Tumakbo lang ako ng tumakbo at namalayan ko na lang na nasa park ako. Humiga ako sa damuhan at tumingin sa kalangitan.

"Ang unfair niyo! Bakit ang tahimik niyo ngayon? Kausapin niyo naman ako Sky and Cloudyy oh. Kailangan ko kayo ngayon eh.. Buti pa dati kinakausap niyo ako. Sky pwede ba'ng padilimin at paulanin mo ngayon?? C-cloudy.. pwede bang patamaan mo ng kidlat yung nagngangalang Mikey? Ayoko sa kanya. A-ayaw niya rin naman sakin ehh."napakalma ako ng kalangitan. Dati kinakausap nila ako. Oum! Promise. Kasi dati kapag may problema ako kinakausap nila ako. Tuwing titingin ako sa kalangitan parang may mga letters na nabubuo tapos babasahin ko yun. Wala'ng katao-tao sa park kundi ako. Naalala ko yung tree house nila dito sa park. Umakyat ako dun at halos malaglag ako sa hagdan dahil andun siya at natutulog. Tatalikod na sana ako pero nahagip ng mata ko ang isa'ng kumot. Kinuha ko yun at ibinuka. Marahan'g ikinumot ko yun sa kanya at nilagyan siya ng unan sa gilid. Hinawakan ko siya sa may buhok niya at tinitigan siya.

The More You Laugh, The More You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon