Chapter 24

57 19 0
                                    

>>SAMANTHA's POV<<

Agad niya ako'ng binuhat. Maya maya nasa room na kami. Andun sila lahat. Si Sir naman andun rin at may itinatype sa laptop niya. Patay! Agad naman ako'ng binitawan ni Talukmoy sa may pinto.

"PUTEK KA UNGGOY KA TALAGA! BAKIT MO AKO BINITAWAN! TUTULUYAN MO NA ATA AKO EH! TSS LALO ATA NABALI YUNG PAA KO! HOY HAYUP KA TULUNGAN MO AKO!"hindi ko napigilan ang sarili ko'ng sumigaw dahil sa sobrang sakit. Dahil dun naagaw ko ang atensyon nila.

"""Oh my! Sam, ija anong nangyari?!"aligagang tanong ni Sir at halos pumatak na yung laptop niya. Agad sila'ng lumapit sakin. Inilock nila ang pinto at iniladlad ang kurtina. Nahiga naman ako sa sahig at sumandal sa pinto.

"Sino may gawa niyan sayo?!"

"Damn! Sam sinong gumawa neto sayo?!"

"Fuck! Wag sila magpapakita dahil papatayin ko sila! Baby Sam, tell me. Sino gumawa niyan?!"hindi ko sila nasagot. Agad ako'ng napahawak sa kamay nang kung sino man at humigpit ang hawak ko.

"Sam, anong masakit? Saan?!"natataranta na sabi ni Talukmoy at hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Puteekk! Uhggf! Bigla ako'ng napabangon at hinawakan ang binti ko. Para siya'ng kinuryente eh!!

"Kuya, yung paa ko! Kuyaaaaaaa!!"

Agad ako'ng niyakap ni Kuya at binuhat. Lumaglag ang luha ko dahil sa sobrang kirot na naramdaman ko. Halos hindi ko na sila marinig. May humawak sa braso ko,

"Putek ka insan! Wag jan!"halos magulat ang lahat nung may kumalat na dugo sa kamay ni Kevin. Hindi na kami magkarinigan dahil lnaramdaman ko ang mas matinding sakit. Ipinikit ko ang mata ko. Marami ako'ng narinig na bulungan. Hanggang sa makarating kami sa clinic. Halos lumuwa ang mata ko dahil andun si principal at ang mga faculty teachers. Gusto ko'ng magpahinga. Gusto ko munang matulog.

*****

Nagising ako dahil sa kirot at sakit. Sakit sa likod, binti, at braso. 'Pag tingin ko sa braso ko may mga benda sila. Pati na rin ang binti at likod ko. Masakit pa rin. Mas masakit nga lang yung kanina. Ayos na ang damit na suot ko. Kung kanina halos lumabas ang katawan ko. Ngayon okay na. Suot suot ko pa rin yung polo uniform ni Talukmoy. Iginala ko ang paningin ko. Halos mapatalon ako kung sino-sino ang mga nandun. Buong Special Section at top members ang nandito. Lahat sila tulog. Nasa isa'ng kama ako. Sa may bandang kanan ko andun si Kuya at insan Kevs. Tapos sa kaliwa ko andun si Talukmoy. Tss. Siya lang yung nakahawak sa kamay ko.

Hinawakan ko rin yung kamay niya. Naramdaman ko ang pag hawak niya at tumunghay niya. Pinunasan niya muna angmukha niya na parang nanlalabo ang mata. Tiningnan niya ako. Nginitian ko siya. Pero hindi niya ibinalik sakin ang ngiti at nataranta na kumilos. Mabilis siyang kumuha nung fresh milk at apple.

"Uhm ano?? May kaylangan ka ba?? May masakit pa ba sayo?? Sige lang sabihin mo. Ano, nagugutom ka ba? Eto may pagkain ako'ng binili dito. Gusto mo kumain? Subuan na lang kita. Uhm gusto mo ba bumangon? Oh sige tulungan kita.."natataranta niyang sagot na parang hindi pa alam ang uunahin at gagawin. Natawa ako sa kanya. Para siya'ng baliw ahaha. Hinawakan ko siya gamit ang isa kong kamay.

"Uyy, okay lang ako.. Maupo ka muna."umupo naman siya. "Bakit kayo nanjan lahat. May klase pa diba."

"Wala sila'ng magagawa sa gusto namin. Pare-pareho naming gusto'ng bantayan ka dito kaya ayun hindi kami pumasok."nakaramdam ako ng kung ano dahil sa sinabi niya. Nakonsensiya ako. Dahil pa tuloy sakin, ang dami'ng subjects ang hindi nila pinasukan. "Naiintindihan naman kami ng mga teachers eh. Lalo na si Brian. Naiintindihan nila siya dahil kanina pa 'tong hindi mapakali at hindi alam ang gagawin. Halos ayaw niya na mawala ang paningin sayo mula pa kanina. They consider this as a excuse."

The More You Laugh, The More You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon