Chapter 31

49 12 2
                                    

>>SAMANTHA's POV<<

Pero tiningnan lang nila ako.

"Tara na kasi, nagugutom na ako. Bahala nga kayo jan.."dumeretso na ako sa pinto at binuksan yun. Agad kong naisara ng marahan ang pinto nung andun siya! Tsk! So kakausapin ko siya?!! Nilagyan ko ng siwang ang pinto at sinilip siya. Nakaupo siya sa lapag at nakasabunot sa sarili habang... umiiyak. Sinara ko na lang ulet ito at pumikit. Umupo ako sa lapag at sumandal sa pinto. Halos tumalon ang puso ko dahil lahat sila nakatingin sakin. Tumungo na lang ako at nilaro ang daliri.

"Magkalayong agwat, gagawin ang lahat 🎶
🎶 mapasayo lang ang pagibig na alay sayo
Ang awit na toh ay awit ko sayo 🎶"agad naman akong napatingin kay kuya na kumakanta habang nakasilip sa bintana. Nagtuloy tuloy ang kanta niya at hindi ko alam kung nang aasar ba siya o ano. At nung nag chorus binuksan nila ng konti ang sliding window hanggang sa mangalahati. Lintek, ang dami pa naman tao sa labas!!

"Dito, naghihintay.. gusto kang kasabay, 🎶
🎶 ang mundo natin ay sobrang awkward na..
Aking nararamdaman, kahit kelan hindi ka iiwan..
Ngunit kahit na anong mangyari.. balang araw ay magiging akin ka... 🎶"sabay sabay na kanta nila! At talagang iniba pa nila yung lyrics ah??  umugong sa labas ang 'sandamakmak na tili at nakikichismis. Puro 'LQ' ang sinasabi nila. Tss.

"Hey, stop!!"sigaw ko dun sa mga babaeng hindi tinigilan sila kuya sa katatanong. Agad naman na silang umalis. Narinig ko naman sa kabila ang mga 'ok lang yan..' 'maghanap ka na kasi ng iba' 'sasaktan ka lang niya, andito naman kami eh..' tss.. mga galawan talaga ng mga babae ngayon, nakakapanginit ng ulo! I'm pertaining to everybody but to those girls. Alam kong nakasandal ngayon sa pinto yung mga higad kaya ako?? Ayun BINUKSAN ko! At ang lagay nung mga higad?? Ayun lumangoy na sa dagat.. Dapat lang! Dahil baka mapatay ko sila kapag hindi sila bumalik kung saan sila nararapat.

"WTF?!! HEY!!!!!"sigaw sakin nung tatlong babae, tiningnan ko lang sila at naglakad ng isang hakbang pero hinigit nila ng sabay sabay ang buhok ko kaya napasigaw ako! Eh kung pasabitin ko sa electric fan yung buhok nila?! Payag ba kayo?!

"Hoy!"sigaw ng mga kaklase ko at agad na hinigit yung tatlong babae. Nagulat pa ako nung itulak nila ang mga ito. Tss. Hindi ko sila inutusan ah?! "Anong karapatan niyo para ganunin niyo ang prinsesa namin, ha?!!"halos mapaatras yung tatlong babae. Pasimpleng lumapit sakin yung dalawa at sinampal ako! Ipinikit ko ang mata ko para makapagtimpi.

"Ang harot mo kasi.."malambing na saad nung dalawa! Sam.. timpi lang okay?? Timpi lang muna. Dahil konti na lang, sasabunutan ko na tong mga toh!

"Bagay lang yan sayo.."taas kilay na dagdag nung isa at talagang sa mukha ko pa nag-flipped hair!! SAM!! Magtimpi ka na lang okay?! Dahil ako na ang magsasabi sayo na patayin mo na yang mga yan!!

Wala namang magawa ang mga kaklase ko dahil babae nga sila. Umayos yung tatlo na parang lalayas na ata sa classroom namin. Sandali pang tumigil sakin yung tatlo. Tumalikod ako sa kanila dahil ayokong makita ang mga mukha nila!! Masyado kasi nilang pinapanindigan ang pagiging hipon.. nagulat ako nung bigla nila akong itulak!! At dun na nila itinulak ng itinulak yung tatlo. Ugh! Ang sakeett!! Sa door knob tumama yung ilong ko tapos napasubsob ako ng malakas sa pader sa labas!!

Nagtinginan sakin ang mga tao kaya umayos ako ng upo. Halos gusto kong manapak nung biglang may tumulong sugo sa dalawang butas ng ilong ko at at sa gilid ng labi ko!!! Umugong ang ang malalakas na bulungan. Agad akong tumayo pero pagbalik ko sa loob hawak nila yung tatlo at hawak ni Talukmoy yung braso nung mga tumulak sakin.

The More You Laugh, The More You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon