Chapter 17

40 18 0
                                    

>>SAMANTHA's POV<<

Tatlo'ng linggo. Tatlo'ng linggo na ang nakakalipas pero sa loob ng tatlo'ng linggo, isa lang ang topic namin. Sino yung mga sumugod sakin, ano'ng dahilan nila, bakit nila ako gusto'ng patayin, SINO ANG NAG UTOS. Bago lang ako dito pero may tao agad na gusto'ng ipapatay ako?? Hindi ko maisip na nangyayari 'toh. Malabo'ng malabo kasi. Nananahimik ako pero may tao'ng galit sakin? Imposible. Sabagay, noon pa man, marami na ang may gusto'ng mamatay ako. Hahaha hindi niyo rin maisip 'noh? Yup! Nasa Japan pa lang ako marami na ang nagtangka sa buhay ko. Hahaha ano naman ang lusot nila sakin?? Anjan ang grupo ko eh. Hindi ako natatakot. Hindi ako nagsusumbong dahil para samin laro lang namin 'toh.


Tama ang basa niyo, isa'ng malaking laro lang para sa amin ang lahat. Kaya yung mga adik jan na gusto'ng sugurin ako? Isipin niyo na lang na patayan ang gusto nila pero para sakin pakikipaglaro lang yun. Sinasabi ko na sa kanila... Wala sila'ng alam tungkol sa nakaraan ko kaya wag sila'ng pakalat kalat. Dahil mga basura sila na isa'ng araw lilimutin at itatapon ko na lang. andito ako para makalimot. Para baguhin ang buhay ko kaso hanggang dito may nagtatangka sa buhay ko. Pustahan, yung gusto'ng magpapatay sakin ay kilala'ng kilala ako. Kilala kung sino at ano ako.

Wala pang ideya at alam ang TOP6 kung sino ako. Kahit si Kuya, wala siyang alam. Nanahimik lang ako sa mga usapan nila. At ngayon, alam ko ang mga plano nila. Alam ko'ng susugod sila gaya ng ginawa nila sakin. Hindi ako nagsalita dahil baka sa ka-daldalan ko may masabi pa ako.

Nagsisimula pa lang ako pero gusto ko nang sumuko. Saan ba ako matatahimik?? Saan ako makakahanap ng lugar na tahimik. Sa langit. Pero hahahahha! Hindi pa ako handa! Ako na ang nagsabi diba?? Nagsisimula pa lang ako at gusto ko'ng tapusin 'toh.


Sa loob ng tatlo'ng linggo hindi ko sila makausap ng matino dahil tuwing kakausapin ko sila, bigla na lang sila mag oopen ng topic about dun. Si Talukmoy na lang ata ang nakakausap ko ng hindi inoopen yung topic about dun. Buong Special Section alam ang nangyari. Pinagalitan pa nila ako dahil nakuha nila ang cctv footage. Nakita nila lahat ng nagyari. At ang huli I'M DEAD.

oh Pano ba yan?? Dinaig niyo pa si Kuya dahil may alam na kayo about my deadly creepy past. Hahaha mag-ingat kayo, baka mamaya kayo ang unahin dahil may nalalaman kayo. Hahah de joke lang. Oo nga pala nasa park ako ngayon at kasama ko si Talukmoy.

"Biruin mo ikaw na lang talaga ang hindi nag oopen sa topic na yun. Sawa'ng sawa na ako. Ako na lang lagi ang tinatanong nila eh hindi ko nga sabi kilala ang mga yun. Kung kilala ko edi sana nakabawi man lang ako kahit isa'ng mega sapak lang."

"Hahahah. Baka ma-stressed ka sa topic na yun. Wala ka na nga'ng makausap tapos dadagdag pa ako."sagot niya habang kumakain ng ice cream.

"Tara na, hapon na rin. May pasok pa tayo bukas."

"Ge hatid kita."sabi niya at tumayo rin. Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil kanina pa ako inaasar na iiwan niya daw ako at hindi pasasabayin.

"Malamang. Niloloko mo ba ako? Nakita mo nang hindi ko na nga dinadala yung kotse ko dahil sa NAPAKA PROTECTIVE na kuya ko."

"Hahahha tss. Oo na mahal na prinsesa. Baka 'pag hindi kita naiuwi sa inyo eh mauna pa ako'ng ma-deds kesa dun sa mga sumugod sayo."sabay kaming natawa dahil sa sinabi niya. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat. Umupo na ako dun at sumandal sa may bintana.
"Bakit kasi hindi ka sumasabay sa Kuya mo?? At talaga'ng hatid, sundo pa kita sa inyo. Alam mo sayang yung gas."dugtong niya kaya nakataas ang kilay ko nung tingnan ko siya.

"Naman! Tss. A million times, uulitin ko pa ba yung sagot jan sa tanong mo? Sayang yung gas? Sa yaman mo walang sayang, barya lang yan kaya go na ihatid mo na ako."natawa lang siya at umiling. Si Talukmoy lagi ang sumusundo at naghahatid sakin. Simula kasi nung nangyari yung pagsugod sugod sakin ng mga hinayupak na yun eh bawal na daw ako mag drive. Bawal lumabas ng walang kasama. Bawal na lahat! Sinabi na lang ni kuya na bonding daw. Tss. Batuhin ko siya jan eh. Hindi ako sumasabay kay Kuya dahil pa uli ulit lang na 'OH SAM, MAG INGAT KA NA LAGI. BAWAL LUMABAS NG WALANG KASAMA. BASTA ALAM MO NA YUN. YUNG MGA SINASABI KO SUNDIN MO KUNG AYAW MONG MADEDS NG EARLY' hays paulit ulit na lang syempre naririndi din naman ako.

Maya maya lang nasa bahay na kami. Hindi na siya pumasok dahil tinatamad daw sya. Nakakatuwa lang nuh? Sarap sapakin.

"Oh baby Sam, si Mikey bakit di mo kasama? Umuwi ka ba'ng mag isa? Akala ko sabay kayo?"as usual si Kuya.

"Hindi na pumasok, tinatamad daw bumaba. Sige na kuya sa kwarto muna ako. Tawagin mo na lang ako pag dinner na. Uhm si Mommy??"

"Ahh kasama si Yaya nag grocery. Pabalik na rin yun."sabi ni kuya at humilata sa sofa. Umakyat na ako at dumeretso sa kwarto. Naligo muna ako at nagbihis na ng pantulog. Binuksan ko ang bag ko at ikinalat ang mga assignments na sobra'ng dami. Tapos ang dami ko pang ipi-print para sa activities and experiments para sa presentation ko sa lahat ng subject bukas. Tapos dapat pagka-pasok ko bukas deretso dapat ako sa principal office para papirmahan yung mga paperwoks na binigay sakin nung mga teachers. Pumunta ako sa may study table at binuksan ko yung computer. Nag search ako ng about cells at ng lahat ng topic ng subject bukas. Ginawa ko'ng powerpoint lahat. Kinuha ko yung usb at isinave na. Isa'ng usb na lang gagamitin ko. Nakakapagod kapag tig isa pa lahat.

Pagkatapos ko'ng gawin lahat, humiga na ako at nagpahinga sandali. Bumangon ako at umupo. Ang sakit ng ulo ko hays. Nakakapagod. Isinuot ko ang headphone ko at nakinig ng music. Nakakagaan ng pakiramdam. Maya maya lang ay tinawag na ako ni Kuya at kumain na ng dinner. Nagkwentuhan lang kami nila mommy about sa mga ginawa ko ngayon. Kinuwento ko naman at sinabi lang ni mommy na 'WAG PURO ARAL DAHIL DAW NAKAKABALIW' umakyat na ako at humiga. Hay sa wakas. Gusto ko ng tumulog. Gusto ko pag gising ko, ok na lahat. Ayos na ang lahat. Wala'ng problema. Wala'ng gulo na iniisip. Tumingin ako sa kung saan.


Kailan matatahimik ang buhay ko?? 'Pag patay na ako? Patagal ng patagal. Sikat na sikat na ako. 1 1/2 months na rin ako dito. Ano'ng patutunguhan ng buhay ko.

ii yoru dono...demo ichi.

---**----

A/N: interesting ang buhay ng minamahal nating bida. Konti pa lang ang alam mo pero mag ingat ka na. Pano na lang pag alam mo na?? Hahahah just kidding. By the way, sorry maikli. Tamad si author eh. Paganda na po ng paganda nag nangyayari wahahahha. Promise maganda na po ang mga susunod na mangyayari. Kaya abangan niyo lang. hope you like it! direktorjoewil @clerynielle. God bless.

The More You Laugh, The More You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon