Chapter 32

47 12 11
                                    

>>SAMANTHA's POV<<

Nagising ako dahil naramdaman kong may nakayakap sakin. Iminulat ko ang mata ko at nakita ko si kuya sa tabi ko. Bumangon ako at sinigurado ko na hindi ko siya magigising. Agad kong binuksan ang lampshade dahil masyadong madilim. Hindi naman sobrang dilim dahil may konting liwanag pa rin na nagmumula sa ilaw sa labas.

Kinusot ko ang mata ko at tumingin sa paligid. Nakita ko si Talukmoy sa lapag. Nakahiga siya sa isang bed sheet. Agad akong tumayo at kinuha ang kumot na nasa tabi niya. Inayos ko yun at ikinumot sa kanya. Maya maya bumalik na ako at humiga na ulet. Hayst. Ang lamig naman. Aantukin pa ba ako?? Kasi kung hindi na, bababa na lang ako at magluluto ng breakfast. Ayyt tangeks! Ni-hindi nga ako marunong magbukas ng gas stove, magluto pa kaya?? Hahahah, jusko naman.

Bumangon ulet ako at tiningnan ang oras. 5:00AM na naman pala eh. Dumeretso ako sa pinto at binuksan. Halos mapatalon ako nung may umakbay sakin. Tiningnan ko siya at nginitian.

"Morning.."

"Mm, goodmorning."bati niya din at tiningnan ako. "Bababa ka na? Maaga pa ah.."

"Hindi na ako inaantok eh. Tara samahan mo 'ko sa baba. Nauuhaw ako."ngumiti siya at tumango. Naglakad na kami at bumaba. Inalis niya lang ang pagkakaakbay niya sakin nung nasa kitchen na kami. Dumeretso ako sa ref at kumuha ng tubig. Naglagay ako sa baso at agad na ininom yun. Naka-tatlo na akong baso at iinom pa sana ako kaso pinigilan na niya ako. "Hm?? Ah-water?"tumingin siya sakin at umiling. Inalis ko yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko at iinom na sana ulet kaso hindi na naman natuloy dahil pinigilan niya ako. Ano bang problema neto?? "Nauuuhaw ako at gusto ko pang uminom. Please, let and allow me."niyakap niya lang ako kaya nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

"Tama na, okay? Naka-tatlong baso ka na at maaga pa. Okay lang sana kung hindi malamig yung iniinom mo kaso with ice cube pa. Ayan nga oh.. nginunguya mo pa yung yelo."ngumuso naman ako sa sinabi niya. Sanay naman na kasi ako na laging umiinom ng malamig na tubig pagkagising. Tumango na lang ako kaya bumitaw siya sa pagkakayakap. Nung saktong pagtalikod niya, dinampot ko agad yung baso at ininom yung tubig. Nginuya ko ulet yung yelo.. Ang sarap promise! Mm, mm. kaso ang sakit sa ngipin. Nagulat ako nung bigla akong dumighay na dahilan ng paglingon niya sa direksyon ko. Gusto kong manliit dahil tumingin siya sa baso na hawak ko na nasa may bandang tiyan ko. Ngumiti agad ako at mabilis na tinago sa likod ko yung baso. "Ahehe.. t-tara na bumalik sa taas??"

"Hays! Ang kulet kulet naman eh!"agad siyang lumapit sakin at inilahad ang kamay sa may bibig ko. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti na parang nahihiya. "Sige na, iluwa mo na.."tumingin ulet ako sa kanya at sinupsop muna yung yelo na nagpapabukol sa pisngi ko.

"J-jan sa kamay mo? I-iluluwa ko?"tanong ko sa kanya kaya bahagya naman siyang natawa. Tumango siya at dahil dakilang mabait at masunurin ako.. edi iniluwa ko. Kung lang sana hindi seryoso yung mukha niya baka nilunok ko na yun. Naghugas siya ng kamay dahil masyadong malamig yung yelo.

"Anong gusto mo kainin??"nakangiting tanong at napaisip ako. Ano nga ba??

"Sige, kahit ano na lang. T-teka.. marunong ka ba magluto?"ngumisi siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ang yabang neto. Sige nga! Tingnan natin kung makakapagyabang ka pa kapag natikman ko ang luto mo! Kapag yan hindi masarap, uubusin mo yun sa loob lang ng sampong segundo! Deal?!"hayst! Ang yabang talaga! Nginisian lang ako?! Kapag talaga lasang panis yung luto niya, nakuu!! Umupo ako sa upuan at pinanood siya sa ginagawa niya. Kinuha niya yung apron at sinuot yun. Inihanda niya lahat ng gagamitin tapos nagtatanong siya kung nasan yung mga ingredients. Nakakainis nga eh! Naitanong niya lahat ng ingredients sakin pero hindi ko mahulaan kung anong lulutuin niya! Hindi ko na siya tiningnan at tumingin sa daliri ko. Halos maduling ako nung bigla akong nahilo. Naging dalawa kasi yung isang kamay ko. Hays.. inaantok ako. Umub-ob ako sa lamesa at sinimulan ng ipikit ang mga mata.

The More You Laugh, The More You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon