PChapter 35

42 7 0
                                    

>>Samantha's POV<<

Katatapos lang namin kumain at lumabas na para pumasok. Maaga pa lang ay umalis na si kuya dahil sabay daw silang papasok ni Ate Allyson. Gusto ko sila na hanggang dulo.. bagay na bagay sila. Ako kaya? Kailan ko mahahanap ang lalaking magmamahal sakin kahit sino pa man ako? Yung tanggap ang nakaraan ko??

Mahal na mahal ni kuya si Ate Allyson at alam ko yun. Gusto ko ng kagaya ni kuya..

"Mikey.."

"Hmm?"lumingon ako sa kanya at lumingon din siya sakin.

"Maglakad na lang tayo papunta sa school.."tumango siya at inakbayan ako. Sumandal ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya na nakasabit sa balikat ko.

Madilim pa lang ngayon at mga street lights ang nagsisilbing ilaw sa daan.

"Ayos ka lang?? Ang tahimik mo.."bahagya naman akong natawa sa sinabi niya.

"Hindi ka nagsasalita eh."tumawa naman siya at mas hinigit ako papalapit sa kanya. "Bakit ako..?"hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naitanong.

"Anong bakit ikaw?"

"Hahaha ibig kong sabihin, ikaw, almost perfect ka na. Gwapo, mayaman, mabait, maalalahanin, lahat nasa iyo na. Ako?? Hahaha kapag sinabi ko para ko na ring nilait yung sarili ko. Tingnan mo naman yung itsura ko.. wala sa postura ko ang magugustuhan ng isang tulad mo."natawa siya at sumandal sa ulo ko na nakasandal sa kanya.

"Nasa'yo na nga lahat eh. Everything is the exact word for you."napangiwi na lang ako sa hangin. Paano kapag nalaman mo yung nakaraan ko?? Iiwan mo ba ako? EVERYTHING pa rin ba ang maitatawag mo sakin?? Baka maging NOBODY na lang ako. Hindi na ako nagsalita at tahimik lang kaming naglakad.

Nakarating na kami ng school. Nyeta, pagod na pagod na ako. Dumeretso kami sa classroom at kagaya ng nakasanayan bumati kami sa mga kaklase namin.

"Mikey, tara sa locker?"ilalagay ko lang yung ibang gamit ko. Tumango siya at lumabas na kami. Nang makarating kami ay binuksan ko agad ang bag ko at inilipat ang ibang gamit pati na rin ang mga damit na dinala ko para sa practice ng DT mamaya.

"May practice kayo ngayon?"

"Oo, mamaya. 5-ss7pm. Hihintayin mo pa ba ako??"tanong ko matapos ilagay ang mga gamit.

"Oo, masyadong gabi na yon."sabagay gabi na nga iyon at wala pa akong sasakyan kung mag isa lang ako.

Naglakad na kami pabalik. Lumipas ang mga oras at oras na dapat ay simula na ang klase. Pero kagaya lang kahapon, walang klase. Busy lahat ng teachers dahil may mga visitors na dadating kaya busy rin ang DT para sa paghahanda ng sayaw. Sawaf

Hindi ko alam pero ako yung tao na ayaw ng walang klase. Minsan naiinis ako kapag walang klase. Hindi kasi ako sanay sa buhay ko ngayon. Iba ako noong nasa Japan pa ako. Iba'ng iba. Malayo sa Samantha Pascual ngayon.

Laging binabago nila Gerard ang arrangement ng upuan tuwing walang klase. Nakapalibot ang mga up yan kaya sobrang laki ng space sa gitna. Kaming magkaklase lang ang tao dito. Lahat sila may kanya kanyang mundo at ako naman, nakatulala lang at nakatingin sa labas.

Noong unang araw ko pa lang dito sa Pilipinas, gustong gusto kong bumalik sa Japan. I don't know why.. At noong bago pa lang ako dito sa KHU, gustong gusto kong ibalik ang dati kong buhay na lagi kong ginagawa sa Japan. Gusto kong gawin ulet ang mga nakasanayan kong gawin dati pero alam kong malaking HINDI NA PWEDE. I have a choices and it's my decision what am I going to choose. Kahit na gustong gusto kong ibalik ang nakaraan, hindi ko pwedeng itanggi na mas gusto ko na ang kasalukuyan. Mas gusto ko yong ngayon.

The More You Laugh, The More You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon