Chapter 34

35 9 0
                                    

>>SAMANTHA's POV<<

Nasa school ako ngayon at kasalukuyan na nagpapalista sa mga club. Kailangan na kasi yon dahil sunod sunod na rin ang mga events na gaganapin ngayong katapusan ng July at first week ng August. Ang bilis ng panahon noh? Next week, August na.

Magkakasama kaming top7 ngayon at nagkahiwa-hiwalay kami dahil humahanap kami ng magandang club na sasalihan. Halos lahat na ata ng club pinuntahan ko kaso hindi ko maramdaman na gusto ko ang club na nilalapitan ko.

Tumigil ako at sumandal sa ilalim ng puno. Tirik na tirik ang araw at sobrang init. Hindi na nga ako makapaglakad ng ayos dahil pagod na pagod na ako. Maya maya isa isa ko silang natanaw. Malayo pa lang sila kitang kita ko na ang mga inis na inis na mukha nila.

Biglang lumingon si Kevin kaya ngumiti ako. Nakita ko pa na may sinabi siya sa mga kaibigan namin at lumapit na sila.

"Oh, bakit hindi maipinta ang mukha niyo?"bungad ko at isa isa rin silang umupo sa ilalim ng puno.

"Napagod kami katatakbo para matakasan ang mga humahabol na babae sa'min. At dahil 'don hindi kami nakahanap ng club. Ikaw? Anong sinalihan mo?"tanong sa'kin ni James.

"Wala nga eh. Tara na. Meron pang natitirang isang club na hindi natin napupuntahan."pag aaya ko at pumayag naman sila. Sayang kasi toh. Opportunity rin toh para mas tumaas ang performance sa grades.

Maya maya nakarating na kami sa pinakadulong tent. May girl na nakaupo don pero natutulog.

"Ate excuse po??"nagising naman yung babae at ngumiti sa'min. "Ano pong club toh?"tanong ko pa.

"Ayy! Hindi na club toh. Hiring kasi ang banda ng school kasi nawala na ang mga dating members. Oh kayo?? Baka gusto niyong sumali? Saktong 7 ang kailangan dahil dalawa para sa vocals at guitarist."nakangiting tugon nang babae. Nagpalista na kami at lead vocals ako. Kami na lang ni Talukmoy ang magkasama ngayon dahil hinabol na sila kuya nang mga girls. Tumago kasi si Talukmoy sa likod ko eh.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa gitna nang mainit na araw! Ang init tapos wala pa kaming dalang payong! Ligong ligo na ako sa sariling pawis tapos wala naman akong panyo.

"May panyo ka?"

"Wala nga eh. Grabe, sobrang init!"sagot naman niya. Pinagmasdan ko naman siya. Sa sobrang init, hinubad niya ang polo niya at ang natira ay t shirt niya. Hinawakan ko siya sa likod. Grabe basang basa!

"Basa ka na ng pawis oh. Bakit kasi hindi ka nagdadala ng towel?? Lapit ka nga dito!"hindi siya lumapit sa'kin kaya ako na ang lumapit sa kanya.

"Tss, basa ako ng pawis kaya wag ka dumikt sa'kin.."

"Ayos lang,"sagot ko at hinigit siya. "Kuya, pahiram muna neto ah??"sabi ko sa isang lalaki na may towel sa balikat. Ngumiti siya at tumango.

"Sige lang, malinis yan."sagot naman nung lalaki at umalis na. Hinawakan ko 'yung towel at tumiad para mapunasan ko ang mukha niya. Grabe ang tangkad naman niya kasi! Ang sakit na ng paa ko dito! Habang pinupunasan siya nakatapak ako ng bato na naging dahilan ng pag-out of balance ko! Mabilis niya akong hinawakan at inalalayan.

"Wew, salamat. Ikaw naman kasi, ang tangkad mo! Talikod ka na, pupunasan ko 'yung likod mo."

"Hindi na, ayos lang ako. Mas kailangan mo yan."sagot niya at nginitian ako.

"Mas kailangan mo 'toh, okay? Ayos lang ako."ako na ang lumapit sa likod niya. Grabe, parang may gripo sa likod niya sa sobrang basa! Pinunasan ko ang likod niya hanggang sa matuyo. Nang matuyo ay inilagay ko na iyon sa likod niya.

The More You Laugh, The More You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon