Chapter 22

48 24 0
                                    

>>SAMANTHA's POV<<

Bumaba muna ako. Dala ko yung cellphone ni Talukmoy at cellphone ko.

"Hi mom, kuya."bati ko kay Mommy at kuya.

"Oh, hello baby."bati naman sakin ni Mommy kaya ngumiti ako.

"Hello baby Sam. Tinuturuan ako ni mommy mag bake. And, it's awesome."kumunot ang noo ko sa sinabi ni kuya. Kailan niya pa nahiligan ang pagluluto? Eh ang alam lang naman niyan kumain. Ngumisi ako.

"Wag lang din sana over cook yan 'noh?? Uhm, Mommy, alis po muna ako. Naiwan po sakin ni Taluk---M-Mikey yung cellphone niya. Ibabalik ko lang po. Baka kasi may mga emergency calls na tumawag eh."

"Sige lang baby, ingat ah."sagot ni Mommy habang busy pa rin sa ginagawa. At si kuya, tutok na tutok ang paningin dun sa bine-bake. Lumabas ako ng bahay. Ang sarap ng simoy ng hangin. Naglakad lang ako ng naglakad. May mga dumadaan rin dun. Yung iba, mother with her child. Yung iba, mag asawa. Pero karamihan mga bata na nagba bike. Maya-maya lang nasa tapat na ako ng bahay nila. Never pa ako'ng nakapasok dito. Ang alam ko lang dito yung bahay nila. Nag door bell ako.

"Uhm, sino po sila?"banggit ng isa'ng maid na nasa 50's na ata. Ngumiti ako.

"Sam po, friend ni Tal--Mikey po. Anjan po ba siya??"grabe nasanay na talaga ako na Talukmoy yung tawag ko sa kanya. Eh kasi naman. Kailangan pala sanayin ko rin na tawagin siya as Mikey kapag mga related sa kanya yung kaharap ko. Napangiti yung si manang. Ano'ng meron??

"Ahh, ikaw ba si Sam? Oo andito siya. Sige, pasok ka, ija."sabi niya sabay ngiti. Ngumiti na lang rin ako. Tss. Naku maba-batukan ko 'tong hayup na 'toh eh! Siguro kinekwento niya ako dito 'ke manang at siniraan ako. Wag ko lang malaman laman na puro paninira yung mga sinasabi niya dahil ililibing ko siya ng buhay.

Pinapasok niya ako sa loob. Wow! Grabeee. Ang ganda ng bahay nila. Hindi ko maiwasan mamangha. Sa labas kasi, oo maganda. Pero pag pasok mo, napakaganda. Umupo ako sa sofa nila.

"Ah, ija Sam jan ka na muna. Maghahanda lang ako para sa inyo. 'Wag ka mag alala, pababa na yun. Sa mga ganito'ng oras sandyang bumababa yun. Oh siya sige, maiwan muna kita jan."sabi nun ni manang at umalis na. Mabait naman siya kasi panay ngiti siya sakin. Sumandal ako sa sofa at inilibot ang tingin sa kabuuan. Grabe ang ganda talaga. Madami na ako'ng na-encounter na bahay na mala-palasyo. Mas magaganda pa dito. Pero kasi ang attractive eh. Ewan ko kung sa mata ko lang yun. Maya-maya nalaman ko na lang na nakahiga na ako sa sofa nila. Ang tagal naman nun. Kinuha ko yung pillow na nandun.

Yung isa niyakap ko, yung isa nasa ulo ko at yung isa nasa mukha ko. Tinakpan ko yung mukha ko dahil nasusulo ako sa liwanag. May narinig ako'ng footsteps mula sa hagdan. Siguro si manang yun. Ang bagal eh. Parang ang bigat ng paa.

"Oh? Ba't andito ka? Tss. Makahiga talaga 'noh."tanong ni Talukmoy. So, siya yung bumaba sa hagdan. Agad ako'ng bumangon at hinarap siya.

"Cellphone mo."sabi ko at itinaas yung cp niya. Inihagis ko sa kanya at kamuntik-muntikan na hindi niya masasalo. Buti na lang nahawakan ko agad. Tinawanan ko siya kaya napakamot siya sa ulo niya. Lalambot lambot talaga 'tog lalaki'ng 'toh. Siguro kapag nakipagbakbakan ako dito eh baka tumakbo. Tumayo ako pero agad niya ako'ng hinawakan sa braso.

"Aalis ka na??"

"Hinde ah. Kararating ko lang pinapaalis mo na ako? Hmm, dito muna ako hehehe."sagot ko sa kanya at humiga ulet ako dun sa sofa kaya tinawanan niya ako.

"Ano gusto mo gawin? Boring eh,"

"Hmm wala. Kapag naman ganito'ng oras eh nag aaral ako. Ikaw? Ano'ng ginagawa mo??"

The More You Laugh, The More You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon