Chapter 30

54 13 2
                                    



>>SAMANTHA's POV<<

Tatlong araw na. Tatlong araw na rin ang nakalipas nung araw na nagpaka-lasing si Talukmoy. Never naming napagusapan ang tungkol dun. Malamang ay wala na talaga siyang maalala. Kagigising ko lang.

Friday 4:00AM. Mabilis ako'ng naligo at inayos ang sarili.

Tok..tok..tok**

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad sakin si Talukmoy.

"Kakain na."malamig na sabi nito sakin. Hindi ko alam dahil bigla na lang siyang nagkaganyan mula kahapon. Wala naman akong ginagawa. Anong masama kung inihatid lang naman ako ni Glenn kahapon dito pauwi? Sabagay kasalanan ko naman eh...

>>FLASHBACK<<

Hapon na nung matapos ang klase. Nakakapagod grabe. Lumabas na kami ng classroom pauwi nung hilahin ako ni Glenn. Hindi ko alam ang gagawin dahil kasama ko si kuya. Sinabi niya na layuan ko nga diba? Mabilisan niya akong niyakap sa harap ng Top6 at Special Section. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko dahil alam kong gulat na gulat sila at galit na galit na si Kuya.

Lumayo ako dahil hindi ko na kinakaya ang mga tingin nila. Tumingin ako kay Kuya.. umiiling lang sya at tumungo. Ang pagtapik ni kuya sa balikat ni Talukmoy ay hindi nakaligtas sakin. Naalala ko tuloy na umamin siya na gusto niya ako. But still, I have no feelings for him. Ang samang tao ko na ba? Sinabihan niya rin ako na layuan si Glenn pero si Glenn tong lapit ng lapit sakin. Kung kelan kami magkakasama, dun sya sumusulpot at bigla na lang akong yayakapin.

Lumapit ako kay Talukmoy pero tumalikod na siya at naglakad palayo. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil isa isa silang tumalikod nung sinundan ni Kuya si Talukmoy. At ngayon, mag isa na lang ako.

"S-sorry.."

"Ahahaha.. hayaan mo na lang sila."hindi ko na pinansin kung pilit lang ang mga ngiti ko. Hindi ko akalain na ganun na lang yun.

"Hatid na kita.."tumango na lang ako. Nanghihinayang ako dahil kanina lang lunch break, nangako ako kay Talukmoy na lalabas kami ngayong hapon.

End of flashback**

Kasalanan ko ba?? Kasalanan ko ba na sumama kay Glenn at magpahatid dito sa bahay? Hindi ko naman alam na naghintay si Mikey sa parking lot eh. Hinintay niya pala ako dun dahil nga nangako ako sa kanya. Hindi daw porket, tumalikod siya eh galit na siya. Hindi lang daw niya kinaya na niyakap ako ni Glenn kaya nauna na siya sa parking lot habang umaasa na tutupad ako sa usapan. Pero hindi.. lumabas na ako at nakita ko siyang hinihintay ako sa gilid lang. naglakad na siya nung makalabas ako kaya bumaba na din ako. Kahit si Kuya galit din ata sakin. Nakaupo na sila dun. Napangiti ako dahil nakaupo din si Led dun.

"Good morning Ate Sam."

"Good morning Led.. ang aga mo ngayon ah??"ngumiti si Led kaya ngumiti din ako kahit sobrang pilit lang.

"Science Quiz bee po kasi namin ngayon. Bakit po ang lungkot mo Ate Sam?"ngumiti ako ng pilit kasunod nun ang pangingilid ng luha ko. Tumungo na ako para hindi niya makita ang mga luhang nagbabadya ng tumulo. Laking gulat ko nung ilantad niya ang palad niya sa may lap ko na kamalas malasang saktong pumatak ang luha ko. Mabilis akong tumayo at dumeretso sa kitchen. Dinala ko yung baso ko na walang laman para hindi sila mag isip kung anong gagawin ko sa kitchen. Nilapag ko ang baso at humarap sa ref. Kinuha ko yung pitsel at naglagay ng tubig. Bago ko pa mainom yun ay may yumakap na sakin sa likod. Agad ako'ng humarap at niyakap din sya.

The More You Laugh, The More You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon