Chapter 13

45 21 0
                                    

>>SAMANTHA's POV<<

"A-ano'ng nangyayari??"banggit ko ng makarating sa taas. Pero hindi nila ako sinagot. Bumukas ang isang pinto at bumungad si kuya. Natataranta siya'ng lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Andito ang top 6. Si Talukmoy yung sumusunod sakin kanina pa.

"Sabihin niyo sakin! Ano'ng nangyari?? A-ano'ng nangyayari?? Kuya?? Please tell me..."

Umiling lang sila'ng lahat... Ano ba kasing nangyari?? Putek na mga 'toh ataw pa mag si-imik.

"Wala ako'ng naiintindihan kahit isa! Natulog lang ako sa classroom pagising ko wala na lahat at ako na lang mag isa!"

"Baby Sam, No... Where have you been before lunch break??"seryoso'ng tanong ni kuya! Ano ba'ng nangyayari??

"Huh? Hindi na ako nakakain kasi natulog ako. Nung break time pumunta ako ng garden pero hindi ako nagtagal dun! Tapos pagbalik ko wala na sila Talukmoy. Kaya ayun... Natulog ako tapos kagigising ko lang kanina---"

"What??!!!"sabay sabay na tanong nila.

"Ano'ng what?! Eh nagsasabi naman ako ng totoo ah?!"

"P-pero chanuno wala ka sa classroom kanina nung bumalik ako..."nagtataka'ng sagot ni Talukmoy...

"What?! W-wait... Paano'ng wala ako dun?? Eh maghapon ako'ng tulog sa upuan ko??"

"Insan... San ka ba nanggaling??"seryoso rin'g tanong ni Kevin. Putek! Hindi ba sila naniniwala sakin?! Damn! Why this things are happening?!

"Pero natulog lang talaga ako..."

"Pinauwi ni Principal ang lahat dahil wala na din naman daw gagawin pa dun..."paliwanag ni James.

"Tapos bumalik ako dun para kuhanin yung gamit ko eh wala ka na. "Dugtong ni Talukmoy.

"Imposible naman na natulog ka or nandun ka talaga kanina pero hindi ka nakita ni Mikey."dugtong rin ni Jaspher.

"O kaya naman bakit hindi ka ginising ng Special Section?? Kung nandun ka talaga, gigisingin ka nila."si Justin.

"Ang kelangan natin malaman. Asan ka nung mga sandaling yun. Oh sige sabihin na natin na andun ka talaga pero bakit kahit isa wala'ng nakakita sayo??"seryosong tanong sakin ni Kevin.

"Aba naman insan, tulog nga ako eh diba?? Alangan naman'g ako pa ang makaalam. Malamang kayo yung may alam."

"Ang importante ligtas ka..."nag aalalang sabi ni kuya at niyakap ulit ako. "Salamat talaga brad. Salamat hindi mo pinabayaan si Baby Sam. Salamat binalikan mo siya."sabi naman ni kuya kay Talukmoy.

"Wala yun... Bumalik ako dun kasi naramdaman ko'ng may mali. Imposible'ng umuwi si Sam ng hindi man lang natin nakakasama or nakikita. Kaya bumalik ako dun dahil ramdam ko na may tao pa rin dun. At swerte ko dahil siya talaga yun. Sinundan kita. Sinundan kita hanggang makababa ka. Dahil alam ko na pag nakita mo ako, pauulanan mo ako ng mga tanong at makakagawa ka ng ingay. "Sabi niya sakin.

"W-wait, what?? Hindi ko talaga maintindihan eh. Kuya, sabi mo ang importante ligtas na ako?? Oo ramdam ko nanganganib yung buhay ko kanina. Pero bakit mo nalaman na hindi ako ligtas?? Paano mo nalaman na hindi ako magiging ligtas??"

Nagtinginan sila'ng lahat. Pero may kakaiba sa mga tinginan nila. Para'ng may sinasabi sila at nag uusap sa mga tingin na yun. Kumunot ang noo ni Kuya at tumango ang lahat.

The More You Laugh, The More You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon