Chapter 25

60 18 11
                                    

>>SAMANTHA's POV<<

"Eh yun na nga ho! Mas matanda kayo! Kayo na ang nagsabi na mas alam niyo ang tama at mali kesa samin.. Then, show it!"iiling iling na umalis yung matanda na para bang sinasabi na 'hindi ako mananalo sa bata na 'toh.' Napabuntong hininga ako nung makita na wala na yung matanda. At nagulat ako nung bigla sila'ng pumalakpak. "Uyy, bata ayos ka lang??"

"Ayos lang po.. Salamat ate ah??"umalis na yung bata. Sumakay na kami.

"Grabe ka.. Natakot ako sayo kanina."basag niya sa katahimikian.

"Naaawa lang talaga ako dun sa bata. Nakita mo naman yung itsura niya diba? Nakakaawa. Pero nasan na nga kaya ang mga magulang niya 'noh??"hindi na siya sumagot. "Hooy! OO NGA PALA! MAY ATRASO PA KAYO SAKIN! LALO KA NA!"

"Luh? Inaano kita?"taka'ng tanong niya kaya agad ako'ng lumapit sa kanya at inilagay ang kamao ko sa may panga niya.

"Sumagot ka ng maayos ah.."maangas na tanong ko. "Bakit ang tahimik mo kanina?? Bakit hindi mo 'ko pinapansin?? Bakit hindi niyo 'ko pinansin?? At ano yung mga sinasabi mo?? Kung sana pinansin niyo ako kanina at hindi nilagpasan, edi sana hindi 'toh nangyari! Bahala kayo, naiinis ako sa inyo!! Sa Top6!! From now on.. Hindi na ako kasali sa grupo niyo! Nakakainis kayo! Kung kelan kailangan ko kayo tsaka kayo wala?!! Edi sana hindi ako naghihirap ng ganito!! Edi sana hindi ko nararanasan 'tong sakit na 'toh! Nakakainis talaga kayo! Hmp! Bahala kayo, hindi ko kayo papansinin!!"nagulat ako nung bigla siya'ng tumungo. Pag tunghay niya seryoso na naman siya. Hayst! "Ngumiti ka nga! Yang kilay mo ah! 'Pag di mo yan inayos naku! Ngumiti ka! Hindi ako sanay na serious mode ka lagi eh.."tiningnan niya lang ako. Grabe gusto ko siya'ng sapakin! Gusto ko'ng manapak ngayon! Pwede ba siya? Pero ayoko masaktan yan. Nagulat ako nung ihinto niya ang sasakyan at pinaandar ulet. Pero hindi na siya way pauwi samin. Itinigil niya yun at dali-dali'ng bumaba. Pinagbuksan niya ako at inalalayan ako makababa. "Asan tayo?"ngumiti lang siya. Inalalayan ako makaupo sa isa'ng trunk na nakatumba dun. Mula sa kinatatayuan namin ay tanaw na tanaw ang maganda at payapa'ng dagat. "Ang ganda.."

"Mas maganda ka jan.."seryoso'ng sabi niya pero ang dating sakin is biro. Inakbayan niya ako at payakap na inilapit sa kanya. Sumandal siya sa balikat ko.

"Uyy, ano ba?? Bakit ka ba nagkakaganyan? Ang weird mo na lagi nito'ng mga nakaraan. May nangyari ba?? Ano'ng problema? Makikinig ako pramis."pero yakap lang ang ginawa niya. Niyakap ko na lang rin.

"Inlove ata ako eh.."nagulat ako sa sagot niya. Agad ako'ng kumalas pero niyakap niya pa rin ako. "Kaso.. ayaw niya sakin. Yun ang masakit eh. Ang sakit malaman na hindi ka gusto ng mahal mo."nakayakap lang rin ako sa kanya at hinahaplos ko ang likod niya. Baka mamaya, umiyak pa 'toh dito.

"Ahh siguro hindi niya lang napapansin yung mga efforts mo.. pero mahal mo na agad??"naramdaman ko ang pagtango niya. Masaya ako para sa kanya. Ewan, pero masaya ako para sa nararamdaman niya.

"Mahal na mahal.."

"Hahaha.. Inlove ka na nga talaga. Masaya ako para sayo. Ipakita mo lang na mahal mo siya. Pwede ko ba siya'ng makilala??"

"Soon. Nasasaktan ako. Bakit ako nasasaktan ng dahil lang sa ayaw niya sakin..?"

"Mahal mo talaga siya kung ganun. Pero 'pag sinaktan ka niya ulet.. Ako ang bahala sayo. Bubugbugin ko kung sino man yun.. Wala'ng pwede'ng manakit sayo 'noh. Ako nga hindi kita sinasaktan eh heheheh.."natawa siya at napailing.

The More You Laugh, The More You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon