Chapter 17 : Superman― daw?

417 6 3
                                    

Chapter 17

I was lost. There was nobody for me to talk to about all that you were troubling me with. So I sat alone, with everything inside, and cried myself to sleep.

Hindi ko alam kung saan ko ba siya dadalahin, sumama siya sa'kin. Gusto daw niya sa lugar na tahimik. Gusto daw niya akong kasama. Kung sa park naman, nakaka-sawa naman din. Ah, alam ko na. Sa groove. Pumupunta kami ni Grey dun minsan. Kapag may problema yon, dun niya lahat inilalabas yung sama ng loob niya.

Habang nag-dadrive ako, hindi ko maiwasan hindi tumingin sakanya. I don't know, maybe...Nadadala din ako sa feelings niya ngayon. Labo mo naman, dude eh. Lumingon ako dito, and I saw her sleeping habang naka-sandal dun sa window. Mukhang napagod siya sa kakaiyak. Buti nga't tumahan na.

After 20 minutes ng pag-bibyahe narating ko din yung Groove, which is, medyo malayo. Pinark ko na yung kotse sa parking lot na kalapit no'n. Pinatay ko na yung makina. Ang himbing na ng tulog niya. Wag ko na kayang gisingin at iwan nalang siya dito? Hindi eh. Gisingin ko na nga lang.

I poke her face slightly. Pero hindi padin siya nagigising. "Shayne, we're here." I whisper in her ears. As far as I know kasi, malakas ang kiliti niya sa tenga. Pero wala pa din. She's still sleeping.

Sleeping beauty? I know that. Yung hinalikan nung Prince si Aurora ba yun? Tapos nagising. Kung yun lang ang sagot, edi gagawin ko. Eeyy. Kidding. Ayoko nga! Ano siya, chix? "Shayne.." I whisper again on her ears. Aba't! Naknang. So I just did it, kiniliti ko siya sa tagiliran niya, which makes her wake up.

"Nandito na tayo." I said. Umayos naman ito sa pag-kakaupo at saka kinusot ang mata. "Gabi na pala?"

"Yep, it's 6:00 pm."

"Saan tayo?"

"Groove. Tahimik dito."

Tahimik lang kami habang nag-lalakad. Tumingin ako dito, still. No expression. Umupo kami sa may damuhan. Hindi pa din siya nag-sasalita. "Sorry, Shayne." I said. Lumingon ito sa'kin, "For what?" she asked. "Sorry kung hindi man lang kita tinulungan agad kanina. Kung hindi ka pa tumingin sa'kin, wala akong gagawin."

"Wala yon, tsaka ano ka ba! Ako dapat ang mag-sorry dahil sa katangahan ko, nadamay ka pa."

"Well, kung may problema ka, problema ko na din." Ngumiti ito at saka nag-salita, "Thank you, Travon, for saving me." she said. I smiled.

"Buti nalang talaga at pumunta ka. Pa'no nalang kaya kung wala ka? Ano na kaya ang gagawin ko, di ba?"

"Haha. Kaya dapat maging thankful ka na, may kaibigan kang katulad ko."

"Thank you, Lord. Happy now?" sabi niya, tumango lang ako.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, ay biglang tumunog yung phone niya. May tumawag ata. "Sagutin ko lang ah?" Tumango lang ulit ako.

"O, Leo, napatawag ka?.....Mmm, Ayos lang ako.....Sunduin? No, wag na.....Kulit, ayos nga lang.....Safe na safe! 100% sure.....I don't care. Hindi sila kawalan, basta ako maganda pa din." Natawa naman ako bigla dun sa sinabi niya, pero syempre, hindi ko ipinahalata. "Oh, sige na! Napasarap ka naman ata.....Char. Sige na! Babush....Haha, gagi ka Leo! Bye na nga." Ibinalik niya na yung phone niya dun sa bag niya at saka ulit humarap sa'kin.

"May boyfriend ka na pala, hindi mo man lang sinasabi sa'kin."

"Boyfriend?"

"Bakit, hindi mo ba 'boyfriend' yung Leo na yon?"

His Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon