Chapter 8 : Unexpected

706 8 8
                                    

Chapter 8 

Sometimes people come into your life for a moment, a day, or a lifetime. It matters not the time they spent with you but how they impacted your life in that time

Travon Gael

Travon Gael

Travon Gael 

Paulit-ulit yan sa utak ko. 

Jusmiyooo. Hindi ko talaga siya matandaan! Oo, aaminin ko, madami akong na-meet na  BOYS sa Korea. And take note! Lahat ng yon kabisado ko pa ang pangalan. Flirt ba? Edi gawin niyo din! Pero, wala talaga sa Memory ko ang name na 'Travon Gael' I don't know...

Tama nga siya! 

Bakit sa lahat ng mga lalakeng nakilala ko doon, siya pa yung hindi ko matandaan? Ang GWAPO niya para makalimutan ko lang ng basta-basta. Hindi lang gwapo, ang HOT niya pa. What the eff? Erase that thought! 

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang nag-ring yung phone ko. Tss. Istorbo naman oh!

"ANO!?" sigaw ko. 

Bitch, easy ka lang! Yan nanaman yung 'bida' mong bunganga. 

Whatever. So, ano nga!? Istorbo ka! 

Gusto ko lang itanong kung anong nangyari sa DATE mo! Ano sinagot mo na? Kayo na ba nung gwapong Ghost? 

What the hell are you talkin' about? At tsaka, anong DATE ang pinagsasabi mo diyan? Okay ka lang? 

Bitch ka talaga! 

Alam ko! 

Urgh! Bahala ka nga! BITCH! BITCH! BITCH! 

Wow ha? 

Bastusan lang? Pinatayan ako? Ang GANDA ko para patayan lang! What the eff? 

I threw my phone on the bed and got up. Lalabas na sana ako ng kwarto ko para uminom o kumuha ng tubig ng biglang may nahagip yung mata ko, Napansin ko yung Bouquet na ibinigay kanina sa'kin nung Travon. Agad ko namang kinuha iyon, at pinagmasdan. 

Pangatlong Bouquet na 'to. Pero miski isa dun, wala man lang akong itinago. Lahat ng yon, pinatapon ko. Yung chocolates? Ayun, pinakain ko sa dalawang Gaga! Tuwang-tuwa nga eh. Alam niyo yon? Parang first timer lang makakain nun? 

Back to reality, 

 Ang ganda naman nito. I think it's expensive. Habang pinagmamasdan ko yung mga bulaklak, napansin kong may yellow paper na nakasuksok doon. Agad ko namang kinuha 'yon at binasa. 

Note: 

O ano, itatapon mo ulit 'to? Fine. Pero isa lang ang masasabi ko, itapon mo man lahat, hindi pa din ako mag-sasawang bigyan ka nito. Masayang man ang pera ko, ayos lang. Basta para sa'yo. Gano'n kasi kita―Kamahal? Oo, mahal kita. Bilang kaibigan. Pero sana. SANA, hindi lang kaibigan. Higit pa sa kaibigan. Because you know what?― You are the reason why I have sleepless nights. You’re the reason why I tend to hold my pillow tight. It’s you that I’m thinking of when I lay down at night. 

 ―Travon. 

So kikiligin na ba ako? 

Ang gwapo niya na nga, ang sweet niya pa? He's perfect. Pero kahit anong gwapo pa ang meron siya, still..Hindi pa din ako mag-titiwala. He's a stranger for me, since hindi ko pa siya maalala. Hindi naman sa bitter ako. Pero alam niyo naman sa panahong ito, madami na ang 'manloloko' Kaya dapat hindi pa din tayo mag-tiwala. 

His Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon