Chapter 27
Nag-pahatid ako sakanya sa SMstudio's dahil tinawagan ako ng manager ko. Ayoko bali dahil pagod na'ko pero hindi ko matatanggihan ang manager ko. Tahimik lang kami sa buong byahe. Siguro pagod na din sya kaya hindi nya na ako kinausap pa. I-pinark nya yung kotse sa parking lot ng SMstudio's at saka ito bumaba para pag-buksan ako.
"Thank you," and he nodded. "Drive safe okay?" I said at kumunot ang noo nya sa sinabi ko. "What?" I asked. "Pinapaalis mo na ako." nakasimangot nitong sabi. I smiled, kahit nakasimangot, ang cute nya pa din. Lumapit ako dito at hinawakan ang dalawang kamay nya. "Hindi naman sa pinapaalis kita. I know you're tired, kanina mo pa ako sinasamahan. Kaya sige na, mag-pahinga kana. May bukas pa." I said.
"No, hindi ako uuwi hangga't hindi kita kasama at naihahatid sa inyo. I'll wait for you." pagmamatigas nito. I sighed. Ano pa bang magagawa ko? "Baka may photoshoot kaya ako ipinatawag. Medyo matagal 'yon, okay lang ba sa'yo?" He nodded. Tumango nalang din ako at hinila na sya papasok sa loob.
Pagpasok namin, agad na bumungad sa'min sina Leena, Aimee at Naomi na nag-kukwentuhan. Kitang-kita sa mga mukha nila na masaya ang pinaguusapan nila, lalong-lalo na si Naomi na ngayon ko nalang ulit nakitang ngumiti at tumawa nang ganyan. Pero agad din naglaho ng makita kami ni Travon.
Our hands intertwined, and I'm sure, doon sya nakatingin.
"Shaynee!!!" sigaw ni Leena at Aimee saka lumapit sa'kin at niyakap ako. Napabitaw ako sa kamay ni Travon dahil malapit na akong mamatay sa higpit ng yakap ng dalawang 'to! "A-ano ba! H-hindi ako m-makahinga!" pilit ko silang itinutulak, pero wala pa din. "Oh god! Anong nangyari sa'yo? Bakit pumayat ka ata?" si Leena habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
"Naomi! Halika dito! I know, miss mo na ang Bithchy friend mo!" si Aimee na sinesenyasan si Naomi na lumapit sa pwesto namin. Pero hindi nya pinansin si Aimee, sa halip ay tumayo ito at pumasok sa loob ng Dressing Room. Napailing nalang ako, at hindi ko inaasahang mapatingin kay Travon na habol tingin kay Naomi.
"Girl! Mag-kwento ka bili! Wag mong pansinin yung Naomi na 'yon! Meron ata kaya ganyan!" Si Leena. "Bipolar nya ha!" sabat naman ni Aimee. Hindi ko pa din inaalis yung tingin ko kay Travon. Kitang-kita sa mukha nya na ang pag-aalala. Concern sya kay Naomi? "Huy, girl!" nabalik nalamang ako sa katinuan ko ng alugin ako ni Leena.
"H-ha?"
"Ano ba! Lutang ka kamo! Ang sabi ko, mag-kwento ka about sa inyo ni Travon! Hindi ba?" sabay tingin kay Travon. Bahagyang ngumiti si Travon at agad din nawala iyon. "Mamaya nalang. Nasaan si Manager?" tanong ko.
"Nadun sa office nya," I nodded. Lumayas ako sa tabi ng dalawa at lumapit kay Travon. Hindi ko pa din makalimutan kung paano nya tingnan si Naomi kanina. Parang gusto nyang lapitan ito pero hindi nya magawa dahil sa'kin. Yun ang nakikita ko kanina sa kilos nya at tingin. "Hey, are you sure na hihintayin mo pa din ako? I have a photoshoot, medyo matagal din 'yon. So?"
"I'll still wait for you," I nod.
Pagpasok ko, busyng-busy sa pag-aayos si Manager at mukhang hindi nya ako namalayan dahil sa sobrang daming ginagawa nito. "I'm here!" I said. "Oh, Shayne, glad you came. Akala ko hindi mo ako sisiputin."
"Ikaw pa ba? Basta ikaw! Alam mo namang hindi ako makakatanggi sa'yo." I said and fake a laugh. May kinuha syang white paper at tiningnan iyon, "So you have two photoshoots today. Of course, you're not alone!"
"So you mean, may kasama ako today?"
"Exactly!" Bigla naman akong na-curious kung sino yung makakasama ko sa photoshoot. "Sino yung makakasama ko? Babae ba o Lalake?" tanong ko. "Babae, and her name is Naomi Lynn. Happy?" I slowly shook my head in disappointment. "Paki ayusan na nga si Shayne. We'll be starting photoshoot in 10 minutes." sabi ni Manager sa personal make-up artist ko.
BINABASA MO ANG
His Sweet Revenge
Teen Fiction“Revenge is my GAME, LET THE FLAMES BEGIN!” ― Travon Gael