Chapter 20 : Photoshoot

385 6 3
                                    

Chapter 20 

But its ironic because that's how I live my life. I smile on the outside, and everyone thinks I'm doing fine but I'm always dying inside, always one step away from the edge you know? I can't be happy to be who I am because I don't know who I am anymore.

Papunta na kami ngayon sa studio para sa Photoshoot. And I'm really excited kasi first time kong makakatrabaho si Naomi. Yeah, I know na siya ang Partner ko. Bali nga si Shayne eh, kaso sabi ko ayaw ko. Si Naomi nalang. Nung una ayaw nilang pumayag. Pero sabi ko, kapag hindi nila pinalitan si Shayne, Hindi ko gagawin yung Photoshoot. Syempre, sino ba naman ang mag-babaliwala sa isang Travon Gael? Na isang sikat na Writer? Model. Dati yon. 

"Dude! Para kang tanga diyan! May pangisi-ngisi ka pa diyan. Ano bang iniisip mo?" Panira ni Grey. Haha, wag kayo! Driver ko yan ngayon, sabi ko kasi ihatid niya ako sa SStudio. Ayaw pa nga ng mokong eh, pinilit ko lang! Sabi ko madaming chix doon, which is ikinabuhay ng dugo niya. Manyakers talaga. Tsk. 

"Iniisip ko lang kung anong mangyayari mamaya..." 

"Bakit, may show ba?" 

"OO! MAY SHOW! DAHIL MAMAYA, PAPATAYIN NA KITA!" sigaw ko dito. 

"Easy lang dude! Hahaha. Ano ba meron mamaya?" 

"Basta..." 

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa SStudio. Pag-pasok namin ay sinalubong kami kaagad nung Manager ni Shayne. 

"Travon Gael!" 

Nakipag-shakehands naman kami sakanya. 'KAMI' kasi nga kasama ko si Grey. Dinala ako ng Manager ni Shayne sa Dressing Room para ayusan ako. Pag-pasok ko. Nakita ko sina Shayne with her True Friendship. Tapos si Naomi naka-hiwalay sakanila. Mag-isa lang siya dun sa may couch at mukhang busy sa pag-babasa. 

"Ms. Naomi, nandito na si Travon." Yung Manager ni Shayne. Tumingin sila sa'kin, as in silang lahat. I saw Shayne na para bang nabuhayan at ngumiti sa'kin. I smiled back. Si Naomi? Poker face. Tumayo na ito saka maarteng lumapit sa'kin. 

"20 minutes ka ng late. Kaya bilisan mo diyan. Wag kang paimportante. Naiinip na'ko." cold na sabi nito sa'kin at saka ako nilagpasan at lumabas na. Sungit ah? Wala naman akong ginagawa sakanya. 

"A-ah, don't mind her Mr. Gael, meron ata kaya ganun!" Tumango lang ako. 

Pagkatapos kong ayusan, umakyat na'ko sa Stage upang kunan ng picture. First pose namin, dapat ipakita namin doon na 'Real Couple' talaga kami. Pa'no kaya namin gagawin yon? Eh kung ganito yung Partner ko? Parang binagsakan ng langit at lupa? Tss. Anytime, pwede siyang kumain ng tao. I saw Shayne sa may bandang dulo, nakatingin ito sa'min. I wonder kung nag-seselos siya? 

Tama! 

Lumapit ako kay Naomi. Hinawakan ko ito sa may bewang niya na ikinagulat niya. Tumingin ito sa'kin at tinignan ako ng masama. "Tatanggalin mo yan o..." Hindi ko na siya pinatapos at sinabing, "Can you do me a favor?" 

"What kind of favor?" 

"Let's make her jealous..." 

[Naomi's POV] 

"Thank you." Nilingon ko si Travon. Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ko. 

"Wala yon." tipid kong sagot dito sabay upo sa tabi niya. 

His Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon