Chapter 12
I just like playing games with people, I always hope there'll be someone smart enough to see through me but you're all so stupid.
"What dare?" I asked her.
"I dare you to....Love him." ― Aimee
"WHAT!? WHO'S HIM?"
"Edi sino pa? Edi yung 'Long Time Stalker Mo'!" ― Leena
"Girl, katuwaan lang. Since, natalo ka kanina. Kailangan mong gawin yung dare. Kahit na labag sa loob mo, gagawin mo pa din."
"Fine!"
"HA-HA. Can't wait! Simulan na natin bukas! Try to seduce that stupid-nerd-jerk guy!"
"Eww. Seduce? Are you out of your mind? Naiisip ko pa lang, nasusuka na'ko!"
"Ah-ah-ah! Kailangan mong gawin yon! Kasama yon sa plano."
...
"I-I'm sorry but, I-I don't love you..."
"S-shayne..."
"URGH!" napasigaw ako at nagising.
Why?
B-bakit bumabalik nanaman yung mga alaala na yon? Ayoko ng maalala pa ulit yon! That's my worst nightmare!
Gusto niyo bang malaman kung anong nangyari sa Past ko? Ayoko mang sabihin sa inyo, pero, I think kailangan niyong malaman 'to― Yes. Inaamin ko, nagkaroon ako ng 'boyfriend' ― 5 years ago...There was a guy na palaging sunud ng sunod sa'kin. Kahit saan ako magpunta, nandoon din siya. Syempre, sa'kin. Ang creepy nung guy na yon. Isipin niyo? Minuminuto, oras-oras, lagi siyang nakasunod sa'kin? Except nalang dun sa pag-punta sa CR.
Pa'no ko ba idi-describe yung guy na yon....
Hmmm. Payat, Naka-suot ng salamin, maala-pugad yung buhok sa kapal. Yan lang yung natatandaan ko.
Sa school namin, tawag sakanya― 'nerdy'― 'shit guy'― 'jerk'― 'beggar'― At kung anu-ano pa. Nung una, hindi ko nalang pinapansin. Sabi ko sa sarili ko―'I don't care. Sumunod siya hangga't gusto niya! Sino ba ang mapapagod? Ako?'
Yung guy na yon, hindi pa din tumitigil sa kakasunod sa'kin. Hanggang sa nalaman nina Aimee at Leena yung tungkol doon. Naisipan nilang I-Dare ako! What dare? Mahalin ko daw yung guy na yon. Hindi totally na MAMAHALIN ko, as if naman? da ba? Parang...Trip-trip lang na pagmamahal. Meron ba nun? Ay! Basta.
So, ayun nga. Hindi naman ako makatanggi. Kaya ginawa ko nalang yung gusto nila. One day...Nilapitan ko yung guy na yon, Timmy Cruz daw pangalan. Syempre, nag-pakyut ako. Seduce daw eh! Malay ko ba sa word na 'seduce'―'seduce' na yon!
"Hi." sabi ko sabay abot nung virgin na kamay ko. Eww lang.
"H-hello." nauutal nitong sagot at marahan na inabot yung kamay ko. Sheez. Ewwness Overload. Feeling ko, gusto ko ng sumabog! As in BOOM!
Next day...
"SHAYNE!" nagulat ako ng biglang may sumigaw. Pag-tingin ko sa pinto, si T-travon? What's he doing here? Hindi siya umuwi? So, talagang pinanindigan niya yung sinabi niya? Na samahan ako?
Nag-tatakbo ito papunta sa'kin, at chineck ako. "Ayos ka lang ba? Anong nangyari?" sunud-sunod na tanong nito. Marahan ko siyang tinulak at sinabing, "Psh. Ayos lang ako. N-nanaginip lang ako. Tama, panaginip yon.." kahit hindi naman.
BINABASA MO ANG
His Sweet Revenge
Teen Fiction“Revenge is my GAME, LET THE FLAMES BEGIN!” ― Travon Gael