Chapter 9
Someone misses you so much, its not your family nor your relatives. Its not even your best friend nor your closest pal. Its just the simple ordinary me, who misses the extraordinary.
"Naomi...Lynn?" Hindi siya sure. Pero pa'no niya nalaman? Nag-kakilala na ba kami? DATI?Hindi eh. Ngayon ko lang siya nakita, at nakilala, kaya imposible mangyari yon.
"Y-yes. B-but...How did you know?" I asked him instead.
"Naaalala mo pa ba yung time na nasa Ospital ka?..." He asked. Tumango lang ako. " Sa maniwala ka man o sa hindi. Ako yung nag-dala sa'yo doon." he said and looked down on his lap.
Siya?
Yung lalakeng, nagdala, at nag-bantay sa'kin?
Siya...
Yung lalakeng iniisip ko, kung magkikita pa ba kami o hindi.
Siya...
Yung lalakeng hinihiling kong makita, makilala, at makausap.
And now, mukhang natupad na yung hiling ko. Na makita siya. Gusto kong mag-pasalamat sakanya. "Alam kong mahirap mag-tiwala sa taong ngayon mo palang nakilala, o nakita. Pero, sinasabi ko sa'yo, ako yu―" Hindi ko na siya pinatapos. "I believe in you.." I said and gave him a sweet smile.
"And...I just wanna say, thank you for taking me to the hospital. And thank you for taking care of me." dagdag ko pa. Ngumiti ito sa'kin, na siya namang ikinatalon ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ano kaya 'tong nararamdaman ko? Ito na ba yung sinasabi nilang crush at first sight?
"Hey, what happened to you? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" sunud-sunod niyang tanong. Lumapit ito sa'kin, as in sobrang lapit. Napa-isod naman ako, hanggang sa, na-realize ko na wala na pala akong iisudan.
'Shit! A-anong ginagawa niya?' sabi ko sa isip ko. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Basta ang alam ko lang, sobrang lapit niya na sa'kin. He lean closer to me, at automatic napapikit ako.
Wut the eff?
Akala ko pa naman, hahantong 'to sa line na―'his lips met mine...'
Pero hindi eh! ― 'His hands met my forhead.' His touching my forhead, maybe he's checking my temperature. "Ano ka ba! Wala akong sakit!" I said and slapped his hands away. He was way to close..
Bumalik na siya sa dati niyang position, tapos narinig ko siyang tumawa. "Anong tinatawa-tawa mo diyan?" I asked.
"Ikaw kasi eh! May papikit-pikit ka pa diyan' nalalaman. Anong akala mo? Na haha―" I cover his mouth using my hands. Oh anong akala niyo diyan? "Shut up!" I said. Inalis ko na yung kamay ko sa bibig niya at pinunas yung kamay ko sa damit niya! Haha.
"O-oyy!" sigaw nito. Binelatan ko lang. "Hayaan mo na, bibig at laway mo naman 'to." sabi ko habang patuloy pa din siyang pinupunasan. "K. Fine, do whatever you want..."
Ng matapos ko na siyang punasan. Nagulat ako ng bigla niyang hinubad yung... d-damit niyang suot! Oh-my-oh-so-virgin-eyes― at ibinato sa'kin. Bastos na bata. "What the hell?" I said. Tapos kinuha niya yung jacket niya na nakapatong sa balikat ko. Psh. Pinahiram, hiram niya tapos kukunin din naman pala niya?
BINABASA MO ANG
His Sweet Revenge
Genç Kurgu“Revenge is my GAME, LET THE FLAMES BEGIN!” ― Travon Gael