Chapter 10 : Just A Dream

493 8 2
                                    

Chapter 10

I quit, I give up, nothing's good enough for anybody else, it see... when I’m all alone its best way to be. When I'm by myself nobody else can say good-bye. Everything is temporary anyway.

Rise and Shine! 

Saturday morning, isa sa umagang nakakatamad bumangon. Bago ako bumangon at mag-kikilos, tiningnan ko muna yung oras and I saw, it's 9:30. Takte! Ang aga pa pala eh. Kaso hindi ako pwedeng gumising ng tanghali. Remember, my plan pa'ko na dapat tapusin. 

I want to surprise, Shayne Morgan. 

Bumangon na ako sa kama ko at tumayo. Kinukusot ko pa yung mga mata. Kinuha ko yung tuwalya ko na nakasabit dun sa pintuan at dumiretso na sa banyo. Pagkatapos kong maligo, ay agad na'kong nag-bihis. Bumaba na ako para kumain. 

Dahil sa tamad akong mag-luto at gumawa ng gawaing bahay. Ayan! Puro di-inet ang pagkain ko! Puro di-microwave. Like, pizza. Minsan nga, nag-papadeliver nalang ako. Alam niyo...

Gusto kong ma-experience kumain ng 'Homemade Food' ― Yung feeling na, pagkagising ko, may nakahanda ng pagkain? Na-miss ko tuloy bigla yung mga luto ni Mama. Chef kasi si Mama. Kaso hindi niya na napagpatuloy gawa nga ng may sakit siya. 

'tong mga iniisip ko...

Gusto ko baling mangyari sa'min ni Shayne. Yung tipong, kada umaga, pagkagising ko― sasalubingin niya ako ng yakap at halik? Tapos ipagluluto niya ako, sabay kaming kumain. 

You know the song― 'Just A Dream?' 

I was thinking about HER―Thinking 'bout ME―Thinking bout US ―What we gonna be?―Open my eyes,.....

It was only just a dream...

Yung 'Future' na gusto ko, na-basura. 

Enough, Travon! 

Pagkatapos kong kumain. Sumakay na ako ng kotse ko at dumiretso na sa SMstudio's. Pinark ko na yung kotse ko at bumaba na.  Out of the corner of my eye, guess what, I saw a couple fighting, and arguing with each other. Dahil sa curious ako―Pasimple akong naki-chismiss, and all I heard was, "Prove it! Kung mahal mo talaga ako, pupunta ka." sabi ni―Aimee? 

Si Aimee. Yung 'TUNAY' na kaibigan ni Shayne. 

"But―" yung lalake. 

"No Buts!" maarte nitong sabi at iniwan na yung lalake. Poor guy. Sa tono pala ng boses ng babaeng yon, halatang―Hindi siya sincere! I smell something fishy...

Yung guy, paiyak na ewan. Yung totoo? Bakla ba 'to oh ano? Iyak agad? Ayoko ng ganitong eksena. Nangyari na 'to! At ayoko ng maulit pa. Tumalikod na yung lalake at akmang aalis na, ng bigla ko siyang tinapik ng malakas sa balikat, na siya namang ikinahinto nito. 

"Kung ako sa'yo, hindi ako pupunta." sabi ko. Humarap ito sa'kin at sinabing, "H-huh? Narinig mo?" tanong nung lalake. Bakas sa mga mata niya ang 'lungkot' at 'sakit' 

"Sa tingin mo ba pipigilan kita kung hindi ko narinig?" 

"P-pero, kapag hindi ako pumunta....Magagalit siya sa'kin." Fuck. Para siyang ewan na bakla. 

"Edi hayaan mong magalit! Hindi siya kawalan." 

"P-pero...M-mahal ko siya.." 

Dahil sa naiinis na'ko, kinuwelyuhan ko siya! 

"TANGA KA BA!?" Mas lalo kong hinigpitan yung pagkakahawak ko sa kwelyo niya. "SA TINGIN MO BA MAHAL KA NIYA!? PARE! GUMISING KA! HINDI KA NIYA MAHAL! SA MGA SALITA NA BINITIWAN NIYA SA'YO, SA TINGIN MO BA SERYOSO SIYA DO'N!?" sigaw ko dito. 

His Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon