Chapter 23 : Half

444 7 3
                                    

Chapter 23 

I take the blade and run it gently against my skin, it cuts in deeper and deeper, the blood bursts out and slowly runs down my arm then it stops and the pain goes away. 

"Dude! Help me! Ipit na ipit na'ko sa sitwasyon ko ngayon!" Inis kong sabi kay Grey habang yung kamay ko ipinanghihilamos ko sa mukha ko. Ina! Hindi na'ko nakatulog, kakaisip sa text na yon! 

"Putspa naman dude! Ginusto mo yan eh! Bahala ka sa buhay mo!" Nice. Gandang sagot. 

"Dude naman! Anong gagawin ko?" 

"Pakamatay ka na, habang may oras pa." Takte namang sagot yan oh! 

"I'm serious here!" sigaw ko dito. Humarap ito sa'kin at tiningnan ako ng masama. Masisisi ko ba 'tong kumag na 'to? Wala din 'tong tulog eh. Mas lalo naman kaya ako! Kasalukuyan kasi siyang natutulog sa may couch. Ginising ko lang. Kaya medyo badtrip. Kung kanina nakahiga siya, ngayon naka upo na siya.

"Ang tanga-tanga mo dude! Mag-mamahal ka na nga lang, dalawa pa? Isa lang puso mo! Hindi dalawa o tatlo! Kung nahihirapan ka...mamili ka lang ng isa! Oh, eh di ba, paghihiganti lang naman ang gusto mo kay Shayne? So ano pang sense no'n kung siya yung sasamahan mo? Eh si Naomi? Hindi ba't may gusto ka sakanya? Eh di siya nalang ang samahan mo! Edi tapos!" Seryoso nitong sabi sa'kin. Pag kasi yan seryoso, galit na yan o badtrip. Sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising. 

"Dude..."

"Oh kung ayaw mo no'n, edi half ang gawin mo!" 

"Half?" 

"Samahan mo sila pareho. Its up to you kung sino ang gusto mong unahin sakanila. Pero kung ako sa'yo? Si Naomi muna ang uunahin ko, tapos si Shayne." 

"Hindi ba pwedeng, si Shayne muna tapos si Naomi?" 

"Gago! Saan ka nakakita ng fireworks display na ipinalabas eh umaga?" Natawa naman ako dun sa sinabi niya. Loko ng kumag na 'to! Binabara ako! Pasalamat siya badtrip siya, kung hindi baka kanina ko pa napatay 'to! Tumayo ako at saka lumapit sakanya. "Dude! Salamat ah! Laking tulong mo talaga sa'kin! Kaya mahal kita eh!" Kasuka. Hindi ako bakla ah! Sadyang...sweet lang talaga ako. Awtsuu. 

Tinulak ako nito at saka humiga ulit. "Kadiri ka dude! Dun ka nga!" Pagtataboy nito sa'kin. "Kadiri daw? Pero deep inside, sobrang kilig yan! Yieee." Haha. Gayshitt. 

Kinabukasan... 

Putspa. 3 hours lang naitulog ko! Tapos istorbo pa 'tong alarm clock na 'to! Kauma. Bumangon na'ko at saka inayos yung pinaghigaan ko. Pagkatapos ay agad na'kong pumasok sa banyo para maligo. Kasalanan ko ba kung matagal akong maligo? Masyado kasi kong gwapo kaya ganun! Anong connect? Pagkatapos kong maligo ay agad ko ng isinuot yung  yellow roll-up denim jeans, blue washing denim jacket and a shirt completing the urban denim style. 

[See the picture at the right side] 

Agad na'kong bumaba and I saw Grey eating something na ikinagutom ko. Grabe. I almost forgot na...hindi pa nga pala ako kumakain. Lalapit sana ako dito ng bigla siyang nag-salita. "Sige, dude! Subukan mong humingi. Makakatikim ka sa'kin ng isang malupit-lupit na suntok!" Pagbabanta nito sa'kin. Grabe 'tong kumag na lalakeng 'to! "May date ka! Kaya libre paglamon mo! Alis na!" dagdag pa nito. Baka nga date yun? Sapakin ko tu'y! 

Lumabas na'ko at agad na pinaandar yung kotse ko. 

8:59 na ako nakarating sa Starbucks na sinasabi ni Naomi, pumasok na ako at may nag assist naman sa'kin agad. Inihinto ako ng girl na nag-assist sa'kin sa table ni Naomi. Nakatalikod siya, kaya hindi niya alam na nandito na'ko. 

His Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon