Chapter 11 : I Don't Want An Ending

499 8 4
                                    

Chapter 11 

No more joy - No more sadness - No emotion - Only madness. I can't see. I don't feel. I can't touch. I don't heal.

Dahil sa mainit ang ulo ko― Isama niyo pa 'tong mainit na panahon. Naisipan ko munang mag-mall para kumain ng Ice Cream. Madalang nalang akong mag-punta dito. Hindi naman kasi ako 'palabas' na tao. Hindi ako 'gala' na tao. Pero mahilig akong mag-bar. Yun lang. 

Pagdating ko sa mall. Agad ako ng pag-punta sa Ice Cream House. Pumunta ako sa may cashier at umorder ng paborito kong cookies and cream. Gusto ko nga bali nung Banana Split kaso, ang boring. Wala akong kasabay kumain. Gusto ko din nung Lover's Delight, kaso sino kasalo ko? Pang dalawahan na tao yun. 

"Ahmm, Excuse me, Miss..." 

"Yes. Sir.?" 

"Isa nga pong, Oreo Cookies n' Cream." nakangiti kong sabi at iniabot ang bayad. 

Maya-maya pa ay dumating na yung order ko. 

"Here's your order Sir. Thank you for coming." Kinuha ko na yung order ko at umalis. Hindi ba ako mukhang tanga? Kumakain ng Ice Cream habang nag-lalakad? Hindi di ba? Ang cute ko nga eh. Ang loner ko. Yung plano ko, hindi nanaman natuloy. Okay lang, sa ibang araw ko nalang ulit gagawin. 

Habang nag-lalakad ako mag-isa dito sa mall. Napadaan ako sa Blue Magic. Papasok sana ako, ng bigla akong harangin nung Guard. "Sir. Bawal po yan sa loob. Pakiubos nalang po muna." Yung Guard. Saksak ko kaya 'to sa baga niya? Alam ko naman na bawal, pero..Putek! 

"Sige, balik nalang ako." Sayang gusto ko pa naman sanang tumingin ng stuff toys. Hindi para sa'kin ah! Wala lang, gusto ko lang tumingin. Bakit masama ba? 

Paubos na yung Ice Cream na kinakain ko ng biglang napatingin ako doon sa babae na kasalukuyang naka tingin sa'kin. Alam kong gwapo ako, pero bakit ayaw pa din niyang umiwas? 

Wait..

She looks familiar. 

Hindi ko masyadong makita yung mukha nung babae, naka-shades kasi eh, tapos medyo malayo pa yung distansya namin sa isa't-isa. Pero alam kong sa'kin siya nakatingin. Ramdam ko yon. Tinanggal nung babae yung shades niya....

O_O

Fuck. As in Packer. 

W-what she doing here? At yung kasama niya si―SI NAOMI? What the hell? Bakit sila mag-kasama? Mag-kakilala ba sila? Shit. Oh God! Hindi pwede malaman ni Shayne na mag-kakilala kami ni Naomi. Dahil pag-nagkataon, sira ang plano ko. 

What am I supposed to do?

Tama!

Try to act na hindi ko siya kilala. 

"Travon?" Oh sheez! Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala sila. Packer. Si Naomi yung nag-sabi niyan. Patay. Pa'no na 'to? Hindi ko naman pwedeng sabihin, 'Hi. Naomi' Eff. Tama. Si Shayne lang ang pakay ko dito. Good timing! 

"Wait. Kilala mo siya, Bitch?" tanong ni Shayne kay Naomi. Bitch? So, bitch pala ang tawagan nila? Ah. So, si Shayne yung Bitch na nasa contacts niya? Mag-kaanu-ano ba sila? Mag-kapatid? Mag-bestfriend? Whatever. 

"Oo, I know him!" naka-ngiting sabi ni Naomi. Shit. No, no. "P-pa'no? Saan?" Sunud-sunod na tanong ni Shayne sakanya. Travon! Do something! 

*ehem* 

"Sorry―But, I don't know you..." Yung mukha ni Naomi, hindi maipinta. Halos manlaki yung mata niya. "Bitch. Baka naman ibang Travon yung tinutukoy mo?" si Shayne. 

His Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon